"Things happened not in a way I imagine them. Bakit ganun? Naniniwala na ako na ang fantasy ay hindi nage-eexist sa reality. Siguro sa iba they made it happen pero sa akin hindi, dahil nasa ibang mundo ako."
-Ava"Salamat sa kantahan Ava! Sa susunod ulit ha?"
"Oo naman."Ava Nissh Jacobite.
Miyembro ako ng isang banda. Lead vocalist at gitarista. Musika ang nagpapagaan at nagpapasaya sa'kin tuwing nakakaramdam ako ng kalungkotan. Hayan naalala ko na naman na malungkot ako. Hahaha. Baliw lang.
Hindi naman ako ganito kung hindi lang talaga... Hayy!
"Ava sorry kung hindi na talaga ako makakasama sa mini town tour natin. Flight na namin bukas sa England dahil doon na ako magtutuloy ng masteral. Dude, sorry talaga kung hindi ko agad nasabi sayo." Nakahalukipkip lang akong nakikinig sa paliwanag ni Aya. Bestfriend ko siya. Pero ang pakiramdam ko tinraydor niya ako. Iyong tipo na sa iba ko pa malalaman na aalis na pala siya. Na akala ko siya yung makakasama ko lagi at sa pag-abot ng mga pangarap namin. Pero hindi na ngayon. Isang taon na rin noong umalis siya at walang maayos na pagpapaalam. Hindi ko rin sinubukan pang pigilan pa siya ano pa magagawa ko kung ang mga magulang na niya ang nagdesisyon. Ano naman ako sa kanya na isang hamak na bestfriend lang. Syempre mas matimbang sa kanya ang mga magulang. Simula ng umalis siya'y nabuwag na rin ang dati kong banda, kaya naman ngayon tiyagaan na lang akong naging freelance at paextra-extra sa ibang banda. Noong araw na iyon natuloy pa rin naman ang tour ngunit pagkatapos noon'y nawala na ang kasikatan ng banda, para iyong bula na bigla na lang naglaho.
"Miss Ava, pwede po magpapicture?" tawag sa'kin ng isang babae na kalalabas lang ng bar kasama niya ang mga iba pa niyang mga kaibigan. "Trish ako muna. Solo ko muna pahawak dali."
"Oh dapat kami rin."
"Oo na. Hehe! -Okay lang naman pong umakbay di ba?" ako na lang umakbay sa kanya at sabay nag-rakista sign. \m/ Nagpasalamat siya't iyong iba naman niyang kaibigan ang nagpakuha ng litrato at kasunod noo'y ang buong grupo.
"Maraming salamat Miss Ava. Ang galing niyo po pa rin. Sana lang makasama mo ulit ang dating banda mo."
"Hoy! Wag ka ngang ganyan." bulong nang isa sa kanya kahit narinig ko pa.
"Oo nga eh. Sige ingat kayong lahat sa pag-uwi ah." napangiti na lamang ako ng mapakla. Alam kong namiss din nila ang dati kong mga kabanda, sino bang hindi? Ako rin naman.PloKk.. BoGShh.. (A/N: I'm weak on expressing sounds.)
"ARAYYY! Nak nang.. Ano ba yun?" may kung anong bumato sa'kin kaya't napayuko't napahawak ako sa ulo ko. Sa sobrang sakit gusto ko rin batuhin at ibalik sa nagbato sakin nung bagay na yun. Pagkatingin ko sa kaliwa ko na di kalayuan sakin nakita ko ang bagay na bumato sa ulo ko.
"WHAT? Isang sapatos? Hahaha! Sa dinami-rami ng bagay sa mundo sapatos pa? Pwede namang gitara na para tuloyan na kong bumulagta dito sa kalsada kung sino mang may galit sa'kin na bumato nito. Ang tanga lang." natatawa kong sambit habang napaupo na lang ako sa gater ng kalsada. Tahimik na ang gabi at malapit na sana ako sa bahay namin nang makita ko ang sapatos na to. Aba mukhang bago pa at ang tatak talaga namang may pangalan. Paborito ko ang ganitong brand ng sapatos. Pero itong kanya nasa limited edition ang ganito. Noong gusto ko na iyong bilhin ubos na raw. Hayon nauwi ako sa ibang design na sapatos na binibenta nila. Kanino kaya tong sapatos na to? Dalhin ko kaya sa bahay? Mukha naman akong timang aanhin ko to? Saglit pa akong namahinga sa gater upang mawala lang ang pagkahilo ko sa pambabato sa'kin nang kung sino man nangbato.
"Oh bakit ka may bukol, at ano yang hawak mo?"
"Ayy palaka!! Kuya naman. Kailan ka pa dumating?" gulat ko ng may taong nagsalita nang pagbukas ko ng main door ng bahay. At saka ko lang napagtanto na ang kuya ko pala iyon. Ang dilim naman kasi hindi nagbukas ng ilaw.
"Gulat na gulat ka ah? Saang lupalop ka na naman pumunta kambal?" sabi niyang muli.
"Hayy naku kuya malamang sa gig." ani ko.
"Sus matagal nang nabuwag ang banda mo ah?" nang-aasar na naman siya, tiningnan ko lang siya ng masama pagkatapos kong hubarin ang mga sapatos ko.
"Alam mo kung umuwi ka lang dito para asarin ako matutulog na lang ako." paakyat na sana ako ng magsalita siyang muli."Uyy teka kain tayo. Gutom na ako eh. Teka ano pala yan hawak-hawak mo? Ano yan wala ka nang sapatos kaya ka namumulot na lang? Hmm anyway, sayang naman tong masarap na caramel cake na dala ko." at tumingin siya sa'kin na mapang-asar. At marami pa siyang dalang pagkain na binili pa niya sa isang mamahaling restaurant. Ano kaya nakain nito at nang libre? (*____*) Pero...wag kang ganyan nahuhulog panga at puso ko sa pagkain na yan. Bulong ko sa sarili. "Ano? Bahala ka dyan.. Tutal gutom naman ako ako na lang kakain nito lahat. Uubusin ko na lang." at nilantakan niya nga... Aba-aba ayokong magpahuli.
"Uy uy uy... Kuya Kali naman eh~ uy penge ako.." at nag-agawan kami sa cake na parang mga bata. Namiss ko rin tong kuya ko. "Uyy hindi naman ako pulube, grabe ka kuya ah! (>3 "So kamusta pala yung project na ginagawa niyo ni Mr. Joshann at Mr. Seuta?"
"Hayun...mahirap kausap iyong barister at step-daughter nung may ari nung building eh. Halos ayaw magkipag-cooperate. Si Seuta naman ang laging pumipilit dun."
"Ah..."
"Wow haba ng comment mo kambal."
"Ehh? Ano ba dapat kong i-react? Atsaka wala naman akong alam dyan sa mga projects niyo nuh?" ani ko. "Oo malay mo nga naman talaga kasi ayaw mo ng engineering. Uyy namiss mo ba yung crush na crush mong si Nate? Hahaha!"
"Ha-ha, nakakatawa. Hindi ko yun crush."
"Deny to death."
"Hmmp. Ewan ko sayo."
"Asar talo ka talaga hanggang kailan. Crush mo naman talaga yun eh." wala na akong nagawa kundi manahamik at ngumuso. Kilalang kilala na niya talaga ako. Pero sa katunayan kaibigan ko lang talaga si Nate at wala nang iba. Di ko nga maintindihan iyon minsan eh. Kasi sobrang tahimik, malihim at malalim na tao. Kamusta na kaya yun nagtapos na kaya siya? Huminto kasi siya ng pag-aaral noong malaman nyang namatay na ang babaeng pinakamamahal niya. Sana magkita kami ulit nun. Bat ba ang dami kong namimiss ngayon? Waaah! T3T
Nagkwentuhan pa kami ng kapatid ko ng kung anu-anong mga bagay, kung kamusta ako sa banda, kung bakit hindi pa rin bumabalik si Aya. Kung tumawag ba ito. Puro si Aya at ang dati kong banda lang ang pinag-usapan namin kaya naman naumay ako't nagpaalam sa kanya at nagyayang matulog.
"Kuya are you gonna stay here? Namiss na kita eh. Stay ka muna dito, gimik tayo bukas wala naman akong gigeh."malungkot na turan ko sa kanya. "Ano pa ba ginagawa ko dito? Di ba sinasamahan ka? Atsaka rest day ko naman kaya makakapag-stay ako dito sayo." Walang salitang niyakap ko si Kuya Kali, and he tap my head even he tousled my hair, at natulog na kami sa mga sarili naming kwarto.
Kali Andrei Jacobite. Kambal ko at kuya ko. Matanda lang sa'kin ng tatlong minuto, at mas matangkad sa'kin ng 10 inches. Mabait na kapatid at kahit kailan siya na ang life saver ko tuwing nakakaramdam ako ng kalungkotan. Ganun nga siguro talaga ang mga kambal, nararamdaman nila ang isa't isa kung sino man sa kanila ang malungkot o may sakit nagkakasakit din ang isa.