XIV. Delirium

25 3 3
                                    

"You can't get easily forget what makes you who you are right now. And it's not easy to say a deepest secret that you've been keep for a long time."

Ahhhh~

Mmmm... Ahaa~ ssh... Wag kang maingay... Masarap naman di ba?!

Hhmmmhuhu...

Masama na namang panaginip ang gumising sa'kin. Nakakatakot. Nakakaiyak. Paulit-ulit.
Kung maaari lang ibaon sa malaking hukay ang mga bangungot marami-rami na rin siguro akong maibabaon. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses nangyari, naganap at gusto kong kalimutan ang lahat. Ilan na nga ba? Sampu? Isang daan? Isang libo? Milyon na 'ata?

"Hoy HELENAAAAA!!! May bisita ka." Hayan na naman siya nang gising na naman. Tutal gising na nga naman ako, naramdaman niya siguro. Mula rito sa itaas ng kwarto ko, saglit akong dumungawa at sumagot, "OO, BABABA NA LORNA."
Lorna. Sino si Lorna? Tiyahin ko na halos kaedad ko lang. Kaya naman hindi ko siya tinatawag na Tiya o Tita, o Ante man. Naninirahan lang ako sa bahay nila simula noong nawala sa'kin ang lahat. Ilang taon na rin ako dito, mahirap manirahan at makisama, lalo na't sila Lolo at Lola, na ama't ina ni Lorna, ang gumagastos para pag-aaral ko. Magkukwento pa ba ako? Sa anong nangyari sa mga nang-iwan sa'kin? Wag na.
"Helena, bagalan mo pa ha?! Baka umalis lang naman 'tong bisita mo." sarkastikong sigaw ni Lorna mula sa baba. "Hayan na nga eh. Sino ba kasi yan?" pababa na ako ng hagdan nang salubungin niya ko. "Nandyan lang naman yung makulit mong Kuya."
"Tss. Istorbo."
"Oh?! Saan ka pupunta?" tanong sa'kin ni Lorna habang pabalik ako ng kwarto. "Kukunin ko lang mga gamit ko at maliligo. Hayaan mo munang maghintay yang bakulaw na yan." At saka ko naman pabasag sinara ang pinto't nagsimulang magligpit, at nag-ayos ng sarili.

"Ang tagal mo naman pakpak." sabi ng lalakeng nag-uunat na nang pagdating ni Helena sa sala.
"Tss. Ililibre mo na ba ako? May pasok pa ako eh." sabi niya.
"Lumiban ka muna sa klase ngayon. Tara!!" magiliw na sabi ng lalake na sabay umakbay sa kanya habang nag susuot siya ng sapatos.
"Tss. Palibhasa kasi gawain mo yun bakulaw."
"Uyy si Hello Kitty ang hard."
"Totoo naman eh." at siya namang tinanggal niya ang pag akbay ng Kuya niya.
"Dati yun." pagtatanggol pa nito sa sarili.
"Lorna, alis na ako."
"Tita alis na kami. Ano gusto mong pasalubong?" nakangiting sabi ng lalake sa babaeng biglang napasimangot sa unang sinabi niya. "Tigilan mo nga ako sa pagtawag ng Tita. Tandaan mo mas matanda ka pa rin sa'kin. Tse?!" at nagflip pa ito sa mahaba niyang buhok. "Sungit mo magkaka-wrinkles ka talaga niyan."
"Magtigil ka sasapakin na kita."
"Oh siya... Di ka mabiro kahit kelan ,sungit."
Nakalabas na sila ni Helena na umiiling lang din ito sa pang-aasar ng Kuya niya kay Lorna. "Dala mo kotse mo? Hatid mo ko." pagbabaling ni Helena sa kasama na ngumingisi pa rin sa pagbibiro nito. "Hoy, ang baliw mo Kuya. Hatid mo na nga lang ako sa school."
"Meron ba kayong dalawa at ang susungit niyo pareho? Sabog siguro ang bahay sa inyong dalawa nuh?!"
"Ewan ko sayo. Ngayon pa ba? Matagal na." Pareho na silang nakasakay sa kotse at sinisimulan nang buksan ni Shawn ang engine. "Buti nahanap mo pa papunta dito. Tagal mong hindi pumupunta eh. Kamusta yung aso mong hindi naman tumatahol?" tutok ang mga mata ni Shawn sa pagmamaneho habang tinatanong siya ni Helena na kanyang pinsan sa ama. Siya na ata ang isa mga taong close niya maliban kay Joshann. "Hayun di pa rin tumatahol. Hahaha."
"Sabi ko nga."
"Nga pala bakulaw, tinanggap mo na ba yung offer ko sayo?"
"Oo, nagpasa agad ako ng resume nang ipadala mo sa'kin yung email. Tiningnan ko na rin ang background nang nasabi mong company. Ayos naman siya. At... " napatigil ito nang may kinakapa ito saglit sa tagiliran ng drivers seat habang nagmamaniobra. "Oh!"
"Ano naman to?" tanong ni Helena habang inuusisa ang laman ng envelope. "Papel. Hahaha."
" Malamang."
"Contract yan. Magsisimula na ako bukas."
"Oh, mabuti naman." malamig na sagot lamang nito sa Kuya. "Kaya kailangan nating mag-celebrate ngayon."
"Ayoko. Next time na lang marami pa 'kong gagawin. Drop me to school, may defense ako ngayon."
"Galingan mo ah?!"
"Ako pa."
Nakarating ang dalawa sa school ilang minuto lang ang nakakaraan. Nagkakagulo ang lahat ng mga estudyante at may nagaganap na hindi niya ata nalalaman, na nakaligtaan niya siguro sa schedule.
"Uyy, Helena alam mo na ba ang balita?"
"Ano bang meron? May nakalimutan ba ako sa sched. natin ngayon?" tanong niya sa babaeng lumapit sa kanya. "Di mo ba nakita na may mga pulis ngayon dito?"
"So?! Ano nga ang balita?" tanong niyang muli. "May na-rape daw kagabi. Isang nurse student sa may bandang Math department daw naganap. Ang hinala nila iyong boyfriend lang din daw nito ang gumahasa sa kanya. Pero sabi ng mga gwardiya may isang kahina-hinalang grupo ang pumasok sa eskwalahan kagabi at pinaghahabol niya daw kagabi ngunit nakatakas ito. Suspended ang klase natin ngayon dahil sa imbestigasyon..."
"Grabe nakakatakot naman yun. Nakita na raw yung mamah. Grabe nakakatakot." chismosa 1
"Oo nga, di na ako magpapagabi dito." chismosa 2
"Kala mo naman girl hahabulin ka nila nuh." estudyante 3
"Grabe ka naman.... >3
"Pss~ puro kaartehan. Salamat sa info. Hello! ~" at sabay hawak ni Helena sa cellphone niya.
"Uy, fallen saan ka pupunta?" habol ng kaibigan sa kanya. "Uuwi. Kuya... You can date me now."
"Ano nangyari?" sabi ng lalake sa kabilang linya. " They suspended our classes due some crime investigation happened last night. Fetch me, asap."
"Okay, okay! Mag-u-Uturn lang ako." at saka nila binaba ang linya.
Habang hinihintay ni Helena ang kanyang Kuya sa parking lot uupo sana muna siya sa isang waiting shed doon nang may biglang humablot sa kanya na noong una'y akala niya ang kaibigan lang niya na sumusunof kanina.
"Aba... Aba... Hi miss.. " malandi at karalgal na boses ang narinig niya mula sa kanyang likuran.
"WAAG... MANONG... HELENA." maraming nagtakbuhan papalapit sa kanila, gayun na rin ang mga pulis. Natulala lang si Helena nang hapitin siya nang maalala na ito marahil ang hinahabol na lalake ng mga pulis. "Aba'y binibini... Ang sexy mo naman at parang ang sarap mo. Gusto mo rin ba akong tikman?" may hawak pa ito patalim at tinututok sa leeg niya. "Kahit wag na... Dahil mabaho ka." sagot niya rito na halata namang nagtatapang-tanpangan lamang, ngunit sa katunaya'y hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya magawang makakilos o kahit mag-isip man lang ng paraan. "Ayaw mo talaga? Ha!?" nilalapit pa nito ang mukha sa leeg niya. Hinihila siyang palakad sa school gate sumusunod naman sa kanila ang ibang estudyante at pulis na nag-aabang ng tyempo kung paano nila matatakas ang dalaga sa kamay ng matanda. Naghahalong takot, tapang at bangungot ang nasa puso't isipan ngayon ni Helena. Alam niya sa sarili na ayaw na niyang mangyari ang nakaraan. At kung ano man ang nakaraan na iyon ay hanggang ngayon pinipilit pa rin niya nang makalimutan.
Konting hakbang na lang ay nakakalabas na sila ng gate ng school at konting guhit na lang ay maglalapat na ang matulis na dulo ng patalim sa leeg ni Helena. "Ibaba mo yang patalim na hawak mo at payapa kang sumuko sa'min." pakikiusap ng isa sa mga pulis sa manong. "Ibaba? Mga ulol hindi niyo ko mauuto. At wag na wag kayong lalapit kundi tutuloyan kong malalaslas ang leeg ng babaeng ito." halos nakalabas na sila ng gate nang may humapit ng t-shirt sa matandang lalake sa likod nito. "Ang ingay-ingay naman. Ano bang meron? Waahhhaaa! Inaantok pa ako eh."
"Ah. Uyyy.... Ano.. " ang kaibigan iyo ni Helena nagsalita mula sa may likuran ng pulis.
"Uyy, ikaw pala insan. Sino ba 'tong mabahong lalakeng 'to?" tanong ng lalake na hawak pa rin ang matanda, habang si Helena ay wala sa sariling nakatayo pa rin at nakayuko lamang. "BITAWAN MO ko..." pamamatigas at pagpupumiglas ng matanda at tuloyang napadapa na tila kinarate ng matangkad na lalake ito sa leeg. "Ay sorry nahimatay ata. ^___^" nakakaloko pa itong ngumiti at lumapit kay Helena na may seryoso at halong pag-aalala ang mukha. "Uyy, miss ayos ka na. Tara?!" napatingin lang si Helena nang hawakan siya ng lalake na inilayo siya sa mga nagsilapitan na mga pulis, ibang estudyante, rescuer,at ang babaeng kinawayan ng lalake na sabing pinsan niya. "Fallen?" sinubukan niya itong hawakan sa balikat ngunit bigla niyang naramdaman ang panginginig ng buong katawan nito. "Wag.... Wag.... Wag niyo po akong hawakan.... Pakiusap.... Pakiusap tigilan niyo iyan.... Wag po... " Paulit-ulit niya itong sinasabi habang ang kanyang mga kamay ay nakatutop sa magkabilang bahagi ng ulo't gulong-gulo na ang buhok nito. Tulala at halos namumula na, at halos mangiyak-ngiyak na ito. "Fallen? Fallen? Okay na wala na yung manong.... Tahan na.. " sabi ng kaibigan niya. "Uyy miss tama na yan.. Nahuli na ng mga pulis ang matandang yun." sabi naman ng lalake. "Pakiusap.... Waaaaag.... Wag po.... " tuloyan na nga itong umiyak at tuliro, ramdam na ramdam naman ng kaibigan niya ang panginginig ulit ng katawan niya na para bang sobra ang natamo nitong takot. Habang sinusubukan nilang pakalmahin ang babae at pinapaupo sa isang bench ay pumipiglas ito hanggang sa..... "Uyy Helenaaa..... ---Pakpak----Miisss.... " Halos nagkasabayan napasigaw ang mga taong kanina'y katabi lang ni Helena na siyang sumalo sa kanya ngayon. Ang kanyang pinsan naman na kararating lang ay nasaksihang himatayin ang dalaga at tumakbo papalapit sa kanila.

Ilang minuto lang ay naisugod nila sa ospital ang hinimatay na si Helena. "Dok, kamusta po ang pinsan ko?" sabi ni Shawn habang nasa tabi lamang din siya ng higaan ng pinsan at katatapos lang ng check-up nito. "Maayos na ang kanyang lagay hintayin na lang natin siyang gumising." sabi ng doktor. "So Dok pwede na po siyang i-discharge once magising po siya?" Nagtanggal ng salamin ang doktor bago ito muling nagsalita, "Oo ganoon na nga. Nagkaroon lamang siya ng trauma. Madalas naman talaga mangyari iyon sa mga pasyenteng nakakasaksi ng mga ganoong pangyayari lalo na't siya rin yung naging dummy nung suspek. Nga pala iho, may napansin lang kasi kami sa katawan niya habang chini-check up siya kanina. Tila ba'y mga malalalim na sugat siya sa braso at sa dibdib na naging peklat na ngayon. Maari bang itanong kung ano nangyari dun?" curious na tanong ng doktor kay Shawn. Tiningnan lang niya pinsan bago siya magsalita, "Iyon po ba? Hindi ko rin po lubos maintindihan ang buong kwento kung bakit siya nagkatamo ng mga ganoong malalalim na peklat. Isang araw po kasi, isang malagim na karanasan ang gumising sa anin na taon na si Helena." bumuntong hininga muna siya at nagpatuloy sa kwento, nakikinig lang din ang doktor sa kanya. "Isa po sa mga kamag-anak namin ang nag-report ng insidente at tinawagan rin po kami. Niloob po ang bahay nila at nadatnan na lang nila ang bahay na gulong-gulo at nakahadusay, at wala nang buhay ang mag-asawa. Hinanap nila ang bata nagbakasakali silang maaaring nakatago ito ngunit puro sugat itong nakita sa banyo. Akala nga po ng kamag-anak naming iyon patay na rin siya pero sabi ng mga pulis na nag-imbestiga ay humihinga pa siya kaya't dali-dali itong isinugod sa ospital. After po niyon wala na siyang maalala sa nangyari. Ang tangi na lang niyang naalala ay ang pagkamatay ng mga magulang niya. Maliban po doon wala na kaming nakuha pang impormasyon."
"Ganoon ba iho?! Kaya siguro nag-rant siya kanina dahil may alaala siyang bumabalik na pilit niyang kinakalimutan. Hayaan mo mawawala din ang trauma niya kapag tuloyan na niyang makakalimutan ang nakaraan. Oh siya iho ipatawag mo na lang kami kapag siya'y nagising. May aasikasuhin pa akong pasyente sa kabila."
"Oh sige po dok, Salamat po!" nagkamayan sila at umalis na ang doktor.
"Hoy Helena, ano ba talaga tunay na nangyari noon?" pabulong na tanong ni Shawn sa pinsan habang ito'y mahimbing pang natutulog. Humiga na rin siya sa sofa na malapit lang sa higaan ni Helena at nakatulog agad.

BucketlistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon