Chapter 2

139 18 3
                                    

TIW woke up late the following day to make sure that his father was already at work by the time he comes out of his room. Kakaiba nga talaga ang sitwasyon nilang mag-ama. Dahil dalawa lang silang nakatira sa bahay nila, hindi na sila nag-aabala pang magluto ng makakain. Either they would eat before going home or would just call a restaurant to have some food delivered in the comfort of their home. Just the same, may makakain naman sa loob ng kanilang ref. Mga processed meat, prutas at gulay na suwerte na kung hindi mabulok o ma-expire dahil madalas na tuwing weekend lang nila nagagawang lutuin ang mga iyon.

Paglabas ng kuwarto ay dumiretso siya sa kusina at binuksan ang ref para kumuha ng tubig at saka nagsalin sa baso para inumin. May nakita siyang mansanas sa ref kaya kumuha siya ng isa at pagkatapos hugasan ay agad niya itong kinagat. Sapat na ang isang pirasong mansanas para sa kanyang almusal bago niya balikan ang commercial space na kanyang rerentahan sa Kamuning.

Tanghali na nang makarating siya sa apartment ni Cleo dala ang isang brown leather clutch bag. Nagulat pa siya na agad itong lumabas pagkatapos niyang mag-doorbell.

"Tinanghali ka yata," bati nito sa kanya.

"Oo, sorry. Natrapik lang," pagdadahilan niya.

"Pumasok ka. Dito mo na lang sa loob pirmahan ang kontrata." Naglakad papasok sa loob ng apartment si Cleo kasunod si Tiw.

"Wala kang pasok sa office today?" Sa wakas ay naitanong niya ang kanina pa niya gustong itanong.

"Meron, pero mamayang gabi pa. Company nurse ako sa isang contact center, graveyard shift," she narrated. "Ikaw, anong trabaho mo?"

Saglit na natigilan si Tiw pero agad din naman siyang nakabawi. "Kaka-resign ko lang three days ago sa isang manufacturing company. I want to do something new. Something that will inspire me to do more and give my best."

"That's why you're planning to put up a business. Anong negosyo ba ang ilalagay mo diyan?" patungkol pa niya sa rerentahang commercial space ni Tiw.

"Balak ko sanang gawing coffee shop na may mini-art gallery where I can display my works and the works of other artists. Para 'yong mga mahihilig sa arts can actually visit and enjoy a cup of coffee,  and view or buy some of our works," puno ng kumpiyansang sabi niya. "I think magandang location naman ito kasi malapit sa daanan ng mga sasakyan at malapit din sa mga tv network station."

Napatango-tango si Cleo na tila ba sumasang-ayon. "Maupo ka," sabi niya kay Tiw nang nasa salas na sila. Kinuha niya ang papel na nasa center table at saka iniabot sa binata. "Eto ang kontrata. Basahin mo muna bago ka pumirma. If you have anything to add or dispute sa mga nakalagay diyan, just tell me. Mapag-uusapan naman natin 'yan."

Pinasadahan ni Tiw ang kontrata. Mabilis niyang natapos ang dokumentong may tatlong pahina. Mukhang kuntento naman siya sa mga nakasulat doon kaya inabot niya ang ballpen sa mesita at agad na pinirmahan ang kontrata.

Nakangiting ibinigay niya kay Cleo ang pirmadong dokumento at saka kinuha sa dalang clutch bag ang perang pangdeposito sa renta.

"Maraming salamat. In a week's time, puwede ka nang mag-operate ng business mo. Papipinturahan ko lang at ipapaayos gaya ng napag-usapan natin kahapon." Matamis ang ngiti ni Cleo.

"Oo, ipapaasikaso ko lang din ang mga permit para walang maging problema," sagot niya. "Tutuloy na ako, Cleo." Kinamayan niya ang babae.

Dumiretso siya sa Quiapo para bumili ng mga materyales sa pagpipinta. Natatandaan niya, noong nag-aaral pa siya ay dumadayo siya sa lugar na iyon para bumili ng canvas, pintura, brush at iba pang mga gamit sa pagpinta.

Nanibago siya sa itsura ng lugar. Ang laki ng ng ipinagbago mula noong huling punta niya rito mahigit anim na taon na ang nakararaan. Sa isip niya'y pilit niyang inaalala kung saang bahagi ng Quiapo naroon ang mga murang bilihan ng mga hinahanap niyang materyales.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Like China in My HandsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon