Like China in My Hands

323 25 3
                                    

"I love you..."

"Tanga! Pokpok ako. Hindi mo 'ko puwedeng ipagmalaki."

"Pero puwede kitang mahalin," walang gatol niyang sagot nang hindi inaalis ang pagkakatitig sa mga mata ng kausap.

"Ewan ko sa'yo. Siguro tumira ka naman ng dahon ng madre cacao kaya kung anu-ano na naman ang naiisipan at sinasabi mo."

"Seryoso ako... Ba't ba ayaw mong maniwala?"

Kumunot ang noo ni Guada at saka mapait na ngumiti. Marahan niyang tinampal-tampal ang pisngi ni Tiw. "Halika na, uwi na tayo."

Like China in My HandsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon