1

107 3 0
                                        

Nancy  P.O.V.

"Magsigising na kayo at tanghali na!" Sigaw ni Nanay sa amin habang kinakalampag ang dingding ng aming kwarto.
Nang mapansin nya na nagising na ako ay tumigil na sya at saka lumabas na ng kwarto.
Pupungas pungas akong bumangon at ginising ang mga kapatid ko na sina Liza, Mary at Vermont.
Ako ang panganay sa aming 4 na magkakapatid. 19 na ako at nasa 3rd year college na sa kursong Accountancy, sumunod si Liza na 1st year college naman sa kursong HRM, sumunod si Mary 15 years old nasa 3rd yeah High School, ang bunso namin at nag iisang lalake ay si Vermont 13 years old, sa ngayon ay huminto dahil nawiwili sa kakalaro ng online games.

Kung mapapansin nyo ang mga pangalan ng mga kapatid ko ay hango sa iba't ibang States ng Amerika, paano ba naman obsessed ata ang nanay namin sa lugar ng Amerikano.
Pangarap nya makarating dito mula ng bata pa sya.. pero hanggang ngayon ni anino nito ay hindi man lang nya nasilayan. Kaya ang American dream nya na yun ay nanatiling pangarap na lang.

Paano naman, ang pamilya namin ay maituturing na isang kahig at isang tuka. Nagtatrabaho lang sa construction site ang ama namin at simpleng may bahay lang ang ina namin.
Hindi ko alam paano nagkakasya sa aming 6 ang kakarampot na kita ng ama namin. Kaya madalas ay tumatanggap na lang ng labahin o plantsahin si Nanay para kahit paano may pantawid gutom kami sa araw araw.

Kung hindi pa dahil sa De Asis Foundation ay hindi pa kami makakapag aral sa college ng kapatid ko na si Liza. Napakabait talaga ng mga De Asis, bukas palad silang tumutulong sa kagaya namin nangangailangan.

Madalas akong pumasok na pamasahe lang ang dala, minsan ay nililibre ako ng bestfriend ko na si Jooe. Pero syempre nakakahiya din naman kaya minsan ay tumatanggi ako pag nagaalok sya na ililibre ako.

Kahit naman na walang bayarin sa tuition fee ko ay madami pa din naman ibang gastusin sa school. Kagaya ng pagpapaxerox ng notes, mga libro at kung ano ano pang projects. Madalas na lang ay pudpod na ang kamay ko kakasulat kesa ipaxerox pa ang notes namin.

"Liza..Mary gising na" tawag ko sa kanila.
Ungol lang ang maririnig sa dalawa, parang ayaw pang bumangon. Nagsisiksikan kaming 3 sa kama, habang si Vermont naman ay sa lapag lang natutulog. Hindi maiwasan na malaglag ang isa amin sa kama lalo na at lumalaki na kami.
Ay sila lang pla, ako mula ng nag 18 ako ay parang tumigil na din ako pagtangkad. Maliit lang ako sa height ko na 5'2, mahaba ang straight at natural na brown hair ko na hanggang bewang, may maputi at makinis na balat,ang masasabi ko lang na asset ko ay ang baby face na itsura ko. Madalas nga ay napagkakamalan lang akong nasa high school.

Aba ang 2 kapatid ko ayaw pa magsigising, buhusan ko kaya ng tubig ng magsibangon na?

Kaya nakaisip ako ng paraan kung paano ko gigisingin ang mga ito, pasimple ko silang itinulak paalis ng kama at saka pabagsak na nahulog sa sahig.

"Aray ate ano ba naman yan" reklamo ni Liza sapo ang balakang niya.

"May balak mo pa ata kaming balian ng buto" sabi naman ni Mary.

"Ang OA nyong dalawa, kutusan ko kaya kayo? Ang lalaki na ng mga katawan nyo mga balat kalabaw na kayo kaya imposibleng mabalian pa kayo no" natatawa ako sa mga itsura nila na for sure ay gising na gising na sila ngayon.

Humikab muna si Liza saka tumayo, nakapikit pa ang mata. Sa aming tatlong babae ay si Liza ang pinakamatangkad, nagmana kasi sya sa side ng nanay namin.

Samantala ako sa side ng tatay namin na maliliit. Nasa 5'4 ata ang height nya, feeling ko nga tatangkad pa sya dahil sa 17 years old pa lang naman sya ngayon. Hindi kagaya ng buhok ko ay slightly wavy ang brown na hair nya din, slim lang sya at saka may hubog na ang katawan.

Sabi ng iba ay pwede daw syang sumali sa Binibining Pilipinas dahil sa height at katawan nya, pero ang sabi ko ay mag artista na lang sya para magkaroon kami ng maraming pera at matulungan ang pamilya namin. Pero mukhang walang hilig sa ganun kahit pinipilit ko na nga syang magpa VTR or mag audition ay talagang ayaw pa din nya.

Started with a kissWhere stories live. Discover now