Chapter 6 - Oracle Blisters

1.4K 181 5
                                    

Lumipas ang isang linggong pananatili ni Ajie sa Peach Pier Sect at napagdesisyunan niyang bisitahin ang puntod ng kanyang ina

Pagkatingin niya sa lapida na kung saan nakasulat ang pangalan ng kanyang ina ay unti unting bumagsak ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan.

Nanatili siya roon ng mahigit apat na oras at saka lamang tumayo ng nakaramdam siya ng gutom

"Mommy aalis na po ako. Babalik ulit ako sa susunod" malungkot niyang sabi at lumabas na nang Burial Grounds.

Nakarating siya sa isang restaurant at doon na kumain. Pagkalabas niya ay nakita niyang nagkukumpulan ang ang mga tao sa isang tabi. Nilapitan niya ito at may nakita siyang isang babaeng nakahandusay at may nakamarkang pula sa kanyang leeg.

"Tulungan niyo kami, pakiusap" umiiyak na sabi ng babaeng nakayakap sa walang malay na katawan ng dalaga.

"Oracle Blister" bulong ng lalaking nasa tabi ni Ajie. Mahina ang pagkakasabi ng boses nito pero sapat na yun upang marinig niya ang sinabi niya

Nagulat si Ajie ng marinig niya nagsalita sa kanyang tabi dahil pamilyar ang boses nito. Lumingon siya at tumingin sa lalaking seryosong nakatingin sa nakahandusay na dalaga

"Axian!" nakangiting tawag niya

"Ajie" mahinang sagot nito

Ngumiti siya at nagtanong, "Are you going to help her?" at ngumuso sa direksiyon ng na dalaga.

"Mnn" iyon lang ang sagot nito at dumiretso sa harap ng dalaga.

Akmang bubuhatin ni Lei ito ng biglang nagsalita si Ajie.

"Axian! What are you doing?! That's an Oracle Blister!" alalang alalang sabi ni Ajie. Mabilis kumalat ng Oracle Blister. Konting hawak mo lang sa taong may sakit ng ganon ay tiyak wala pang isang minuto ay mahahawaan ka rin. Ang babaeng nakayakap sa dalaga ay namumula na at ang pulang marka sa kanyang leeg ay nag uumpisa nang lumitaw

Tumingin si Lei kay Ajie ng walang emosyon saka tumingin ulit sa dalawang babaeng nasa harapan niya

"Axian! Let me try!" pagpipigil niya. Walang ideya si Lei kung ano ang gagawin niya. Lumapit si Ajie at hiniram ang espada ni Lei. Bagama't nagtataka ay ibigay niya ang kanyang espada.

Biglang napadilat ng mata si Lei ng makita ang ginawa niya.

Tinapat ni Ajie ang kamay niya sa bunganga ng walang malay na dalaga at tumulo ang dugo niya papasok doon. Iyon din ang ginawa niya sa babaeng nakayakap dahil nawalan na rin siya ng malay, patunay na nahawaan na siya.

"Ajie!" Gulat at nag aalalang tawag ni Lei. Tumingin lang si Ajie dito at ngumiti saka pinagpatuloy ang ginagawa

"Dont worry, my blood can heal them." sagot nito.

"You have a Blood Tears?" If the Fallen Tears can cure the Pyro Thirst. The Blood Tears can cure everything. It can even brings back the life of a human, but this method is too risky and there's a possibility that it can lead death of the one who's doing it

Nakaramdam si Ajie ng panghihina ng katawan at unti unting dumidilim ang kanyang paningin

"Axian" mahina niyang tawag at nawalan ng malay

Bago pa lumapag sa lupa ang katawan niya ay biglang sinalo siya ni Lei. Niyugyog at tinawag niya ang pangalan ni Ajie ngunit hindi ito gumagalaw ni sumagot.

Pagkatapos ibilin ang mag ina sa Junior Disciples ng Lotus Pier Sect ay binuhat niya si Ajie at tinawag ang manggagamot.

........

Nevernight Kingdom....

"Mother how are you? " tanong ni Asha kay Queen Najia.

"Mother is alright Asha. Where's your brother?"

"Jinling is still in Maple Leaf Sect. He said he needs to do something!" Napatigil si Queen Najia at napa isip. Kailanman ay hindi pa iyon ginawa ni Jinling, ang hindi pag uwi sa kanilang kaharian tuwing katapusan ng buwan.

"And why was that?" nagtatakang tanong niya

"I really dont know Mother. But i think because of that girl hmmp" nainis ito ng maalala ulit ang pagpigil ni Jinling ng sasaktan niya dapat si Ajie

"And who is that lucky girl?" naeexcite na wika ng kanyang ina.

"Her name is Ajie but Mother! she's not lucky!" nakasimangot niyang tugon "i think she bewitch my brother!" inis niyang sabi "Although she's beautiful but i'm still more beautiful then her!"

"Ofcourse my baby is more beautiful than anyone else!" nakangiting sagot ni Queen Najia

Akala ng lahat ay patay na ang prinsesa ngunit biglang lumitaw si Asha at sinabing siya ang prinsesa. Hindi makapaniwala ang lahat at ikwinento nito ang nangyari. Ayon sakanya ay hindi daw siya pinatay ng kanyang yaya bagkus ay hinanap nito ang makapangyarihang Aetherious. At hiniling nito na alisin ang Sparks Amidst Snow.

Ang Aetherious ay isang legend ngunit ayon sa sabi sabi ay siya ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng makapangyarihang nilalang. Pinaniniwalaang magagawa niya ang lahat ng bagay ng walang kahirap hirap.

Naniwala ang lahat ng makitang hawak nito ang Mirthril Spasm na pinaniniwalaang ang Great Aetherious lamang ang mayroon nito. Pero lingid sa kaalaman nila ang lahat ng sinabi nito ay pawang kasinungalingan dahil hindi talaga siya ang tunay na Prinsesa. At ang Mirthil Spasm na kanyang hawak ay peke.

Dahil sa naramdamang guilty at pagsisisi ng buong kaharian lalo na ang hari at reyna na nagdesisyon noon na patayin na lamang ito ng hindi humanap ng paraan kahit ito'y napakaimposible ay tinanggap siyang muli ng mga ito.

Hindi na ulit matanggap nina Queen Najia at King Jahi kung uulitin nanaman nila ang kanilang ginawa noon. Nakita nila na wala na nga ang marka ng Sparks Amidst Snow sa kanyang noo kaya kinoronahan si Asha bilang prinsesa ng Nevernight Kingdom.

Sa kabilang banda, hindi padin tumitigil si Jinling sa pagtuklas ng pagkatao ni Ajie. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit ibang iba ang nararamdaman niya rito.

He's longing for her. He really miss her. He thought that she is something close to him so he started to investigate all about her

Ang tanging alam lang niya ay wala na ang mga magulang ni Ajie at pinadala siya sa Peach Pier Sect. Trinain siya ni Master Lan ng mahigit sampung taon upang maging isang promising Plough Disciple at nagbunga nga ang lahat ng pinaghirapan nito. Patunay ang nangyari noong Disciples Gathering sa Lotus Pier Sect.

Nalaman din ni Jinling na isang maid ang nanay ni Ajie at wala siyang kinikilalang ama. At ang hindi nito maunawaan ay wala siyang makuhang impormasyon tungkol sa ina niya at hindi malaman kung saang palasyo ito nanilbihan

Ang dahilan kung bakit niya iyon ginagawa ay dahil pakiramdam niya ay siya ang tunay na kambal niya. Mula pa noon hindi siya naniniwala kay Asha na nagsabing siya ang Prinsesa pero nang makita niya si Ajie ay nakaramdam siya ng labis na saya na hinding hindi niya naramdaman kay Asha.

Pinaimbestigahan niya si Asha pero nalaman iyon ng mga magulang niya at pinagalitan siya ng lubos kaya hindi na niya tinuloy. Hinayaan na lamang niya ito na manatili sa kanilang kaharian bilang Prinsesa kahit taliwas ang nararamdaman ni Jinling dito.
At naisip niya na darating din ang panahon na ang katotohanan mismo ang lalabas

__________
Thanks for reading!

slnt_scrms

Sparks Amidst Snow: The Ancient (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon