Chapter 10 - She's back

1.2K 156 2
                                    

"Kiro! Yang Mi!" tawag ni Ajie sa dalawa.

Napanganga nalang ulit sila Kiro at Yang Mi sa nakikita. Kasalukuyang ginagamot ni Lei ang sugat sa tuhod ni Ajie.

"W-What h-happened?" utal nilang tanong at ikwinento ni Ajie ang nangyari

Flashback....

"Axian pwede bang magpahinga muna tayo? imm tireddd" himutok ni Ajie

"Mnn" sagot niya saka sila dumiretso sa ilalim ng isang puno at doon sila umupo. Tumingin si Ajie sa taas ng puno at dali dali siyang umakyat.

"Ajie get down. That's too dangerous!"

"It's okay Axian angganda ng view dito, saka isa pa noong bata ako lagi akong umaakyat sa mga puno." sagot niya habang inaabot ang mga bunga ng puno.

"Get down, we need to meet your Master as soon as possible!"

"Huh? speaking of my Master, i really miss Master Lan.....Allright!" at nagsimula na siyang bumaba pero napatigil siya ng may maisip.

"Axian! watch me!" pilyong sabi nito at hinawakan ang isang tangkay ng puno at ginamit niya iyon upang bumaba ng puno.

"What are you doing?" tanong muli ni Lei

"Just watch me Axian." nakangiting sabi niya at nagduyan na siya pababa ng puno pero biglang nag crack ang tangkay na hawak niya at nahulog si Ajie sa baba, tumama ang tuhod niya sa isang bato at nagsimulang magdugo

"Damm it Ajie! is that what you want me to watch?!" inis na sabi ni Lei at nilapitan niya ang dalaga.

"I-I-It h-hurtsssss" iyak ni Ajie.

Nilagyan ni Lei ng pain reliever saka binalot ang sugat nito at pinutol niya ang isang tangkay para gawing pansuporta pag maglalakad si Ajie

"What? you want me to use that?" takang tanong niya habang nakatingin sa tangkay na inaabot ni Lei kay Ajie

"Mnn"

"Axian just carry me on your back okay?"

"No"

"No? Axian naman, masakit padin ang sugat ko saka pag maglalakad ako aabutin tayo ng isang taon. Just carry me okay?" nakasimangot niyang sabi.

Napaisip si Lei bago ito sumagot at nagdadabog na tumingin sakanya

"Tsk! Fine!" sagot niya saka umupo.

End of flashback...

Hindi padin makapaniwala sila Kiro at Yang Mi sa kwento ni Ajie.

Kilala si Lei na walang pakialam sa lahat ng bagay kahit pa may mamatay sa harapan nito ngunit iba ang pinapakita niya kay Ajie. Napaisip na lamang sila kung nahulog ba ang kalooban niya kay Ajie

Masayang masaya si Kiro pero taliwas ang nararamdaman ni Yang Mi.

Sabay sabay na lumabas ang mga ito sa Jingshi at dumiretso sila sa Hall kung saan naroroon padin si Master Lan.

Sparks Amidst Snow: The Ancient (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon