Quen's Pov
Kasalukuyan akong nasa kulungan ngayon.Pinilit kong magpaliwanag sa kanila kahapon pero ayaw nilang makinig bakit ako ang tinuro ni Raven?
Sabi niya nakita niya ang mukha ko.Paano nangyari yon? Matalik kaming magkaibigan at wala akong dahilan para gumawa siya ng ganung kwento.Alam kong may mas malalim na dahilan kung bakit niya yon nasabi.
"Mr. Gil may dalaw ka" sabi ng police na nakabantay sa kulungan ko.
Agad akong tumayo at lumabas pagkatapos mabuksan ang rehas.Pumunta ako sa visiting area.
Nakita ko si Julia kaya dali dali akong lumapit sa kanya at yumakap.
"quen ok kalang ba dito? Kumusta ang tulog mo?" halata sa kilos niya ang pag alala.
"ok lang huwag mong alalahanin yon" sabi ko.
"Pero di ko mapigilan ang hindi mag alala sayo quen" sabi niya.
"alam ko ok lang ako! Ikaw kumusta ka?" ako naman ang nagtanong.
"quen pakiramdam ko may sumusunod sa akin! Natatakot ako yong parating may nakatingin" nakita ko sa mukha niya ang takot.
"bullshit! Julia huminahon ka, mahuhuli rin ang taong yon.Hindi ko maintindihan kung bakit ako ang itinuro ni raven at sabi pa niya nakita niya mukha ko!" pagpipigil ng emotion ko.
"Paano kung totoo ang sinabi niya? Naalala mo yong sinabi ng killer papatayin niya ang lahat ng mahal mo sa buhay.Ibig sabihin may malalim siyang galit sayo at yong sinabi ni Raven na nakita niya ang mukha mo possible kaya na may kakambal ka?" sabi ni Julia ng di inaalis ang tingin sa akin.
Naguluhan ako sa sinabi niya pero pwede rin maging totoo.
"pero! Walang sinabi si mommy na may kapatid ako at kung totoo man yan nanganganib ang buhay niyo!" nagsimula na akong matakot.
Bigla niya akong niyakap.
"quen natatakot ako" ramdam ko ang panginginig ni Julia.
"Julia huwag mo muna akong dalawin" hinawakan ko kamay niya.
"paano ka"
"Hindi ko kayo mapoproteksyonan hanggat nandito ako…" pabulong ko.
"anong ibig mong sabihin?" ngunot noo niya.
"tatakas ako! Hindi ko alam kung paano bahala na!" pabulong ko sa kanya.
"Baka mapahamak ka?" pabulong niya rin sa akin.
"hindi ako mapalagay kapag nandito lang ako.Ayaw kong mapahamak kayo.Hindi ko malilinis ang pangalan ko kapag nandito lang ako"
Nangunot noo parin siya pero kailangan ko ng gumawa ng action.
"puntahan mo si mommy huwag mong sabihin na nakakulong ako baka mag alala lang yon" hinawakan ko mukha niya.
"pero dapat malaman niya?" sabi niya.
"hindi! Mahina na si mommy sabihin mong ok lang ako at huwag siyang mag alala" sabi ko sa kanya.
"quen natatakot ako sa gagawin mo paano kung? Paano kung.......?" nahalata kong naluluha na siya.
"Julia kailangan nating magpakatatag.Natatakot rin ako pero hindi tayo dapat magpatalo sa takot! Buhay at kamatayan na natin ang pinag uusapan ngayon…" hinawakan ko mukha niya at hinalikan ang labi para mapanatag siya.
Nakita ko naman na sumang ayon rin siya kahit naiiyak na.
"Umalis kana at mag iingat ka" yumakap ako sa kanya ng mahigpit.
"aalis na ako mag iingat ka rin" paalam niya.
Tinatanaw ko nalang siya palayo sa akin.
Bumalik ako sa kulungan at di ko parin maiwasan ang mapaisip.Pero pinasya kong ipikit ang mga mata ko para makarelax.
Lumipas ang ilang oras.
"tumayo ka diyan hayop ka pinatay mo ang anak ko…!" nagising ako bigla dahil sa mga boses na nagwawala at nagmumura.
Gulat na gulat ako dahil sila ang mga pamilya ng mga kaibigan kong namatay.
"pinatay mo sila na parang hayop…!"
"papatayin kita…!"
"ibalik mo ang anak ko…!"
"hindi kana makakalaya sa kulungan na ito…!"
Hindi na ako makapagsalita sa bilis ng mga pangyayari.Pilit nila akong inabot at kinalimpang ang kulungan.Batid ko talaga ang labis na galit nila.
"hindi ako ang pumatay!" sigaw ko.
"ede-deny mo pa nakita ko mukha mo!" sigaw naman ni Raven.
"Raven matagal tayong naging magkaibigan sa tingin mo ba kaya kong gawin yon?" pinipilit kong magpaliwanag.
"tumahimik ka! Hindi ko hahayaan na makalaya ka sa kulungan na ito…!" pabulyaw niya sa akin.
"Raven magkakasama tayo ng gabing yon alalahanin mo ang lahat. Nanganganib ang buhay mo sa kanya…"
"sira ulo gumagawa ka ng kwento!" ayaw niya talagang maniwala sa akin.
Nakita kong may mga pulis ang lumapit at pinaalis sila.
"sandali kakausapin pa namin ang mamamatay na taong yan…"
Hanggang sa nawala sila sa paningin ko.
"ahhhh" di ko mapigilan ang sumigaw.
Buo na ang decision ko tatakas ako! Kung paano di ko alam basta tatakas ako! Mapanganib man, gagawin ko parin ayaw kong maghintay dito hanggang sa malagutan ako ng hininga.
Hindi ko hahayaan na magpatuloy ang ganito na pagbibintangan ako sa hindi ko ginawa. Ayaw ko ng may madamay pa ako ang kailangan niya... kami ang magtutuos!
BINABASA MO ANG
My Twin Killer [Short Horror Story]
ActionPaano mo maipagtatanggol ang mga mahal mo sa buhay kung kadugo mo ang siyang pumapatay.