Julia's POVDahan dahan siyang lumapit sa amin ni tita.Nanginginig na ako sa takot lalo na kapag napatingin ako sa patalim na hawak niya.
"hindi na kayo makalalabas pa ng buhay dito" sabi niya.
"anak tama na! Patawarin mo ako kasalanan ko lahat kung bakit ka nagkaganito ako ang parusahan mo" pilit na sambit ni tita kahit nanghihina na.
"tumahimik ka! Huli na ang lahat sira na ang buhay ko! Kaya sisirain ko rin buhay niyo! Papatayin ko kayong lahat!" sigaw niya.
Alam kong hindi siya nagbibiro, napakatalim ng mata niyang nakatingin sa amin.Pero kailangan kong magpakatatag.
"pakawalan muna kami, kahit na anong sabihin mo siya pa rin ang mommy mo!" sinigawan ko siya.
Sa bilis ng mga pangyayari hinablot niya ang kamay ko.At ngayon nakatitig ako sa mukha niya ng malapitan.Nanlaki ang mata ko parang nanigas ang katawan ko at hindi makagalaw.
"tumahimik ka!"sigaw niya."Maganda ka pala…" malumanay nitong sabi.
Pero kaakibat nun hinihimas niya ang mukha ko gamit ang patalim.
Quen nasan ka? Bakit di ako makapagsalita? Bakit walang boses ang lumalabas sa bibig ko?
*Dingdong*
Napatingin kami sa gate at....
"buksan niyo to…!" si quen ang nasa monitor.
Napatingin ako sa kanya at nakutuon ang pansin niya sa monitor kaya dali dali kong inagaw ang remote control at tinulak siya kasabay ng pagpisil ko sa enter botton.
Natumba siya at unti unti ng nagbukas ang gate.
Nakita kong pinulot niya ang patalim kaya bumalik ako sa kinaroroonan ni tita at pilit siyang pinatayo.
"tita tumayo po kayo aalis na tayo!" inalalayan ko si tita na makatayo.
Kaya lang nagmatigas siya at umiling.Napatingin ako sa papalapit sa amin nanlaki ang mata ko kasi nakataas na yong kamay niya at handa na kaming sasaksakin.
"ahhhhh" sigaw ko sabay pikit.
Kaya lang nagulantang ako sa mga dabog kasi nakikipag agawan na si quen sa patalim hanggang sa itoy natapon.Palitan sila ng suntok at napatayo ako sa takot.
Hanggang sa may nakitang bato ang lalaki at akmang ibabato kay quen.
"hin-----di!" sigaw ko.
Quen's POV
Kasalukuyan niya ng ibabato sa akin ang bato.
Parang nag slowmo ang oras at nagulat nalang ako ng makitang papalapit si mommy at …
.
.
.
.
.
nakasaksak na ang patalim sa tiyan nang lalaki at kasabay nun ang pagyakap ni mommy dito at naluluha na.
Hanggang sa nabitawan niya ang bato at napaupo.Kasabay nun ang dugong lumabas sa bibig niya.
"mahal kita anak at yon ang tandaan mo patawarin mo ako!" sabi ni mommy sa lalaki.
Nagulat talaga ako sa bilis ng mga pangyayari.Kamukhang kamukha ko talaga siya at tama ang hinala namin ni Julia na maaaring may kamukha ako at siya ang pumatay sa mga kaibigan ko.Tinawag siyang anak ni mommy ibig sabihin…
"Quen kakambal mo siya si Ricky patawarin mo ako at naglihim ako sayo…" napaluha si mommy at lumingon sa akin.
Napatingin ako sa lalaki at nakikita kong nanghihina na siya.
Ako naman tulala parin at hindi makagalaw.Hindi lang pala kamukhang kamukha dahil kakambal ko siya.
"mommy so--ry" pilit nitong sambit.
"ok lang huwag ka ng magsalita mahal kita at papatunayan ko yon" hinalikan niya ito sa noo.
"nanghihina na ako, so-rry kapatid ko!" napatingin siya sa akin.
Gusto kong lumapit kaso parang nanigas ang katawan ko.
Muli siyang tumingin kay mommy.
"mom-my…" pagkasabi niyang nun pumikit na siya at lumamlay ang kamay nito nagpapahiwatig na wala ng buhay.
Akma sana akong tatayo ngunit nakita kong…
.
.
.
.
.
.
.
.
.
hinugot ni mommy ang patalim at isinaksak sa………
.
.
.
.
.
.
.
.
.
sarili nito.
"mom------------my!" sigaw ko.
Dali dali akong lumapit at niyakap si mommy.
"mommy…! Mommy…!" panay tulo na ng luha ko.
"tita…!" sigaw ni Julia.
"mahal kita a-nak…" huling sambit ni mommy bago siya pumikit.
"ahhhhh............" sumigaw ako ng ubod ng lakas.
Si Julia naman napayakap sa akin at napaiyak na rin.
Nagkaroon ng imbestigasyon at nalinis ang pangalan ko base dun sa mga finger print namin at nakuha sa at sa crime scene.
Lumipas ang isang buwan. Parang bangungot parin sa akin ang mga nangyari.Ang biglang pagbabalik ng kapatid ko at ang biglang pagkamatay.Kasabay ng pagkawala ng aking ina.
Taimtim akong nakatingin sa malayo habang nakatayo sa veranda at ninanamnam ang hangin.
"quen mahal ko, huwag ka ng mag isip kalimutan mo na yon patahimikin muna ang kalooban mo.Nawala sila sa mundo ng may ngiti sa labi at kapatawaran sa bawat isa kaya huwag ka ng malungkot ok! Nandito lang ako…" pagyakap ni Julia mula sa likuran ko.
Bahagyang akong nagulat sa presensya niya at humarap ako sa kanya.
"salamat at nandito ka, kung wala ka baka hindi ko kayanin ang lahat ng to…"
Ngumiti siya sakin at hinalikan ako sa labi at kasabay ng pag ganti ko.
***************The End*************
Minsan ang tao ay may pangyayaring kinakatakutan sa buhay. Ngunit ang magiging gamot nito ay isang taong kaakabay mo sa lahat ng ito at ang pagmamahal nito na walang kapantay para sayo.Hanggang sa maging malinis ang madilim mong mundo.
Leave comment and vote.
BINABASA MO ANG
My Twin Killer [Short Horror Story]
ActionPaano mo maipagtatanggol ang mga mahal mo sa buhay kung kadugo mo ang siyang pumapatay.