Chapter 4 Panganib

288 13 0
                                    


Julia's POV

Kasalukuyan akong nasa kusina at nagtitimpla ng juice.

Panay tingin ko sa dining area kung nandoon pa siya.

Ang totoo nanginginig na yong katawan ko.Alam ko hindi siya si quen sigurado ako doon.

Dahil kung siya pagdating na pagdating niya hahanapin niya si tita pero hindi! Kaya alam kong hindi siya  si quen.

Naisip kong tawagan ang mommy ko.

"bakit wala dito ang cp ko sa bulsa ko! Mukhang naiwan ko sa taas"

Julia kailangan mong magpakatatag kaya mo to.Huminga ako ng malalim at inihanda sa tray ang basong may lamang juice.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa dining area.

Nakita ko siya nakaupo parin at kasalukuyang tumitingin sa mga album na nasa ilalim ng mesa.

"quen uminom ka muna" yaya ko sa kanya.

Hindi siya nagsalita at tumingin lang sa akin at yumuko ulit.

"may kukunin lang ako dito ka muna" sabi ko.

Dali dali akong pumunta sa taas kung saan nandoon si tita.Kaya lang may nakita akong telephone kaya nagdial ako ngunit…

"shit bakit putol ang linya imposibleng naputulan sila…" pabulong ko.

"may problema ba?" napaindak ako sa nasabing tinig dahil alam ko kung sinong nagmamay ari nun.

Sumunod pala siya sa akin.

Pinipigilan kong mahalata niyang nanginginig na ako.

"wa--la inayos ko lang yong telephone" alibay ko.

"ok!" sagot niya.

"ijo ikaw ba yan anak…"

Si tita! Anong gagawin ko paano ko sasabihing hindi siya si quen?

"anak bakit ngayon kalang nagpakita!" niyakap niya ito.

Nakita kong nakatitig lang din siya kay tita.

"nagugutom kaba anak ipagluluto kita ng paborito mo.Halika sa dining area" sabi ni tita.

Bumaba na kami ng hagdanan nakatingin ako sa paligid at nakikiramdam.

Pagdating namin sa dining area.

"Dito kana maghintay anak" sabi ni tita at humawak pa siya sa mukha nito.

Habang siya nakatitig lang sa mukha ni tita.

"tita sasamahan na kita at ng matulungan kita" pagkakataon ko na to para mabalaan si tita.

"naku ija huwag na samahan mo nalang ang anak ko dito para di siya mainip hahanapin ko lang si yaya para makatulong sa akin" sabi niya.

Hindi! Gusto ko pa sanang magsalita kaso parang ayaw bumuka ng bibig ko sa takot.

Tinatanaw ko nalang si tita papalayo sa amin at naiwan ako kasama ng taong kinatatakutan ko ngayon.

"umupo ka!" pagpukaw niya sa akin.

"ha! Ok…" umupo ako sa tapat niya.

Muli niyang tiningnan ang album.Ako naman pinagmamasdan ko ang mukha niya.Kamukhang-kamukha niya talaga si quen.Hindi ko lubos maisip kung siya ba talaga ang pumatay sa mga kaibigan ko.

Pero bakit kailangan pa niyang pumatay? Anong dahilan? Bakit niya gagawin yon? Bakit hindi siya magpakilala sa pamilya niya? Anong nagtulak sa kanya para gawin ang mga bagay na yon?

My Twin Killer [Short Horror Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon