Chapter Five.

106 2 0
                                    

Okay! Sorry po tagal ng Update... LOL :D Thanks for waiting! Sana support niyo pa din :)) Panuorin niyo rin pala yung Heartstrings GRABE, nakakakilig! Kasalanan niya kung bakit di ako nakapagUD. Mehehe. :)) So much for that !!! 

JED'S PIC -------------------> 

Enjoy ! :) xoxo ...

--

Clyne's POV

Ang drama nitong Jed na 'to. Akala niya naman si Kierra lang babae sa buong mundo at nagkakaganyan siya! Sus, ako lang yan matutuwa pa ako noh! Babae lang yan mga yan! 

"Dude, ang arte mo! Mas madrama ka pa kay Kierra eh."

"Alam mo Clyne, wala ka kasing alam eh!"

"Oo sabihin na nating wala akong alam. Pero dude, babae lang yan. Madaling palitan! Marami pa namang nagkakandarapa jan na mga babae sa'yo ah!"

"Hindi basta-bastang babae si Kierra. Iba siya, iba siya Dude. Ibahin mo siya sa mga babae mo."

"Alam mo dude, wala akong pakialam! Pare-parehas lang yang mga yan. Wala silang pagkakaiba.  Iiwanan at iiwanan ka din ng mga yan."

"Dude pwede ba?"

Hinawakan niya ako sa may kwelyo na para bang naghahamon ng suntukan. 

"Temper Bros. Kalma!"

Singit ni Seph. Sa totoo lang gusto ko siyang durugin at iparamdam sa kanya na mas masakit yung nararamdaman ko. Mas mahirap yung pinagdaanan ko. Pero mali, mali 'to!

"Alam mo Clyne, sa totoo lang naiintindihan kita. Pero minsan sumosobra ka na! Pwede ba kahit minsan magseryoso ka naman sa buhay. Isipin mo na marami kang nasasaktan at masasaktan. Wag yung puro sarili mo yung pinapairal sa lahat ng sitwasyon."

Natahimik ako dun. Pero hindi ako magpapatalo.

"Jed wala akong pakialam. Dahil simula noong iniwan ako ng Mama ko at binigay sa ibang pamilya sa totoo lang naging manhid na ako at si Lizz, si Lizz na akala ko magiging kasama ko sa habang buhay, ano ngayon ayun ibang kasama. I'm numb. You can't blame me. Hindi ko kailangan ng intindi niyo, ang hinihiling ko lang ay respeto. Ngayon kung nasabihan man kita ng hindi maganda tungkol kay Kierra, take it positively, or  as a joke instead. Dahil sa pagkakaalam ko hindi ako nagseseryoso sa buhay."

"Alam mo Dude, kakainin mo rin yang mga sinsabi mo. Tingnan mo, darating ang araw lulunukin mo yang pride mo at magpapasaamat ka sa'kin. Tandaan mo 'tong araw na 'to Monteclaro!"

"Hoy Cruz, papatunayan ko sa'yo hindi ko gagawin yan. Ano? Kahit gawin ko pa kay Sherra, hinding-hindi ako magseseryoso sa buhay."

"Sige, gawin mo kay Sherra. Paglaruan mo siya hangga't kaya ng konsensiya mo. Dapat maging kayo at pagnagtagal kayo, tingnan natin kung hanggang saan ka dadalhin ng pride mo. Pero tandaan mo wag na wag kang ma-fafall sa kanya. Once na ginawa mo yun, talo ka sa laban."

"Sisiw! Sobrang dali naman niyan Dude. At pagnagawa ko, ikaw ang luluhod sa harapan ko at magsosorry sa'kin, sa harap ng lahat ng tao?"

"Oo. Ayun lang pala e! Basta sisiguraduhin mo na sa huli ikaw ang mananalo sa dare na 'to. Maging malinis ka sa trabaho mo. Nagkakaintindihan ba tayo dito, Clyne?."

"Oo. Nakuha ko."

"Paglabas natin dito, act normal. Sa huli magkaibigan pa din tayo."

Nag shake hands kami at nagyakapan. (hindi kami girls ah! Hahaha. LOL)

Balik kami sa Practice Room. As usual, parang walang nangyari. Nagtatawanan pa rin kami, nagbibiruan at nagsasagutan na parang wala lang, nakalimutan na namin yung nangyari kanina. Pero syempre yung nangyaring dare kanina wala akong takas dun! 

Sa totoo lang, natatakot ako sa kung anong mangyayari sa dare na yun. Paano pag di ko nagawa. Luluhod ako? Tae dude! Hinding-hindi ko gagawin yun. Mananalo ako. Ako dapat. Pasensyahan nalang Roxas nadamay ka dito.

Sherra's POV

Hay nakakapagod magpractice ng sayaw oh! Kasali kasi ako sa dance club ng school. Well, para na rin maalis ang boredom!

KRIIIIING...KRIIIIING...KRIIIIING

["Hello She!?"]

"Ate? Ate Aya?"

 ["Tumigil ka nga. Anong Ate? Oo, si Aya 'to."]

"Hahaha! Sorry naman. Naexcite lang po."

["How's life sa Pinas? Sana sinama niyo ako ni Dad! Ang daya niyo."]

"Shut up Aya! Alam ko namang kailangan niyo ng quality time ni Matthew noh? Ayyiiiiee! Kakakilig kayo."

["Che! Whatever. Oh ano may na-meet ka na ba jang Guy?"]

''Marami kang alam! Naku, pagagalitan ako ni Dad pagnagkataon. Hahaha. Pero srsly, wala! As in wala e! Wala talaga. Meron man masyado namang cool, arrogant----"

["Ayan nanaman! Siguro, kaya sinasabi mong wala kasi puro negatives iniisip mo sa kanila. Ikaw sis ha! Look at the bright side, sige ka tatanda kang dalaga niyan."]

"Oh c'mn Ate, it's not my priority!"

["Manang-mana ka talaga sa Dad mo! Parehong-pareho kayo. Tama lang pala na magkasama kayo jan."]

"Hay naku Ate. Kung alam mo lang may dinedate na si Dad! Hahahaha."

["Seryoso? Uy, si Dad talaga. May business business pang nalalaman, makikidate lang pala kaya umuwi ng Pinas."]

"Pero joke, diba? Hahahahaha! Lagot ka kay Dad. Well, ate bakit napatawag ka?"

["I hate you Sis!  Eto nabobored kasi ako e. Walang magawa, mamaya pa naman dadating si Matt, susunduin niya ako. Magdidinner kasi kami with his family.'']

"Oh! Kaya pala. Ah sige Ate, magpapalit lang ako. Kagagaling ko kasing Gym e. Call you later nalang."

[Okay Sis! Ingat jan. Bye.]

Pagkalabas ko ng Girl's Shower Room, nagulat ako naghihintay si Clyne.

"Doomsday." bulong ko sa sarili ko. Eto nanaman!

"Hi Sherra!"

Wow! First time sinabi niya yung name ko.

"Monteclaro, ano nanaman ba 'tong trip mo ha?"

"Masama bang tawagin ka sa pangalan mo. Well, ayokong inisin ka at hindi kita trinitrip Sherra. Gusto ko sana na magmeet tayo in a good way. Promise hindi na kita iinisin and I won't make your day bad from now on!"

Hmm.. Srsly? Anong nakain mo Clyne Monteclaro?

"Ehem.. Clyne.. Clyne Monteclaro."

Inaabot niya yung kamay niya sa akin. 

"Ah-uhm..Sherra Roxas!"

Biglang nagbrighten yung mukha niya sa pagsmile niya. But he still looks cool at mayabang pero ang cute!

Waiiiiit! Ano ba Sherra!!! Stop acting so kilig.

"So friends?"

"Friends..."

Then I smiled back. 

*itutuloy...*

--

Woooh! Sana okay na 'to :)

VOTE. COMMENT. SHARE! :) xoxo !

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon