Chapter Four.

123 5 2
                                    

Pagod!!!! pero nainspire akong magupdate dahil sa nagmessage sa board ko :))) Kilala mo kung sino ka! I love you Channtedd :"> Hahaha :D

Music starts on Kierra's POV------------------------>

--

Sherra's POV

"Hay naku, Sherra for sure kaya buntot ng buntot  sa'yo yung Clyne na yun dahil....

"...may gusto siya sa'yo."

Kailangan talaga chorus??

Arrgh, BV!

"Eeek! Excuse me masyado akong maganda para dun noh?"

"Joke ba yun girl?"

Tumayo na sila at nagsimulang maglakad. At ganun din ako.

"Uy, wait! Hindi ako nagjojoke, seryoso yun girls. Do I look like I'm joking?"

"Yeah!"

Tawanan sila.

Oh whatever!

"Oh girl, una na kami ah?"

"Sige, ingat ha?"

"Uy, siya nga pala Sherra, pakumusta mo naman ako kay Jed." sabi ni Ysabelle.

Eto talaga oh, crush na crush si Jed. Well, pwede na rin gwapo, matalino at very talented. Huh! Di tulad nung friend niyang si Clyne, tsss, puro kalokohan. 

Teka nga bakit ko ba siya iniisip!

First time nga na wala yun e, buti naman para makapagpahinga ako. 

Pagdating ko sa bahay, napansin ko na naglalagay ng gamit si Dad sa car. 

Mukhang mga pagkain. Saan kaya pupunta si Dad?

"Dad, hello!"

I hugged him.

"Anak! Finally."

"Where are you going Dad? Siguro makikidate ka noh?"

"Hahaha. Etong anak ko talaga oh. So childish."

Ginulo ni Dad yung buok ko.

"Well, pupunta tayo sa isang mini party."

"Huh? Saan Dad? Anong meron?"

"Reunion kasi naming mga magkakaibigan. E welcome party na din sa atin."

"So oldies??"

"Not really anak. Kasama naman nila yung mga ka-age mo dun e. For sure mageenjoy ka. So, you should change your clothes. Dapat maaga tayo. C'mn!"

"Okay Dad. Ooops! Uh-uhmm, Dad ano pong isusuot ko?"

"Ikaw bahala. But don't wear gown."

"Haha. Hmmm.. Okay Dad."

Ysabelle's POV

"Ang cute cute talaga ni Jed!"

Hawak hawak ko yung picture ko na kasama siya. Eto yung nagkaroon sila ng mini concert sa school ayun nagkaroon ako ng chance na makipagpicture sa kanya.

"Hay.. ang gwapo mo talaga. The man of my dreams."

Kaso ang saklap kasi ang seroius niya. Parang alam mo yun manhid. As in I-don't-care-look ang parating tingin niya sa mga grils na nagkakandarapa sa kanya, sa paligid niya.

How much more ako? ISang ordinaryong girl na kumakain ng isaw sa tabi at scholar galing sa mahirap na pamilya.

Kaya lang naman ako nakapagaral sa isang prestige na International School dahil isa akong scholar. Nabigyan ako ng opportunity.

Sus! Hanggang pangarap nalangtalaga ako e. Sino nga naman ba ako noh? Pero buti nalang nagng friend ko ang kaibigan ni Jed si Clyne, ang  buntot ni Sherra. 

 Sapat na yung matunaw siya sa mga pasilip-silip ko.

Naku! Tama na nga 'tong night dreaming ko.

"Good Night, prince charming. See you in my dreams."

Kinaumagahan maaga akong pumasok.

Nacurious ako kung ano yung pinaguusapan ng mga girls.

"Really? Ayiiiiie! Tara!"

Ako naman 'tong si ususera, nagtanong.

"Uy! Anong meron?"

"Practice daw ng Weird Beat."

"Weh? Di nga?"

"Oo nga!"

Haha! Chance ko na 'to.

Habang naglalakad ako papuntang Gym nakita ko si Kierra.

"Kier, samahan mo ko!"

"Huh? Saan?"

"Sa Gym. Please."

Hindi ko na siya hinayaang makasagot, hinila ko nasiya papuntang Gym.

Kierra's POV

Hindi pa ako nakakasagot hinila na agad ako nitong si Ysabelle.

"Dahan-dahan naman girl. Ano bang meron dun ha?"

"Sino girl, sino."

"Oh sino?"

"Tenen! The weird beat."

Napatigil ako pagkapasok ko sa Gym. Sa pagtigil ko parang tumigil din ang mundo ko at puso ko, nung narinig ko ang boses na yun. Bumilis yung tibok nito. Eh? Weird Beat?

Pagpunta ko a kumakanta, naalala ko lahat. Lahat 

lahat...

ng di dapat maalala.

"....You gotta know that you tear me up

When you say you wanna take it all away, take it all away

You tear it up when you say

You wanna take it all away, take it all away..."

And as the song continues nahihirapan akong huminga. Naiinis ako sa taong kumakanta...

bakit?

 "...I felt a pain in my chest with your kiss on my cheek

And as I tried to digest the words I couldn't believe

I'm left with nothing to say with my heart on my sleeve

Making it easy to hurt, and even harder to breathe..."

Bakit?

Naiiyak ako kaya bago pa man makita ni Ysabelle, aalis na ako.

For the last time tumingin ulit ako sa taong kumakanta at sakto din namang nagawi yung tingin niya sa'kin. Nagkatinginan kami ng ilang saglit kasabay ng paghinto niya ng kanta.

That's the time na tumulo na ang luha ko, ang traydor na luhang 'to and then 

I ran away....

 --

Kierra on the right :) ------------->

xoxo!

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon