"hoy! Ayun siya oh! Ayuuun! Bilis! Ambagal mo naman ee!" lintek na. Kanina pa ako hinihila ni ruby ah!
"gabriela! Bilis. Naman eh T.T baka di na natin maabutan kasi magtetraining na!" kanina pa ako kinukulit nitong kaibigam kong si Ruby pano ba naman kasi yung crush nya papunta na sa gym para mag training ng basketball. Nakakairita....
"aray! Putik naman oh! Kung makahila ka eh!" sigaw ko kay Ruby. Tinatamad ako eh! Kanina pa kami palakad lakad para lang makita yung Bryan Cheung nayun!
Okay naman si Bryan. Cute. Parang baby. Walang taste sa lalaki tong Ruby na ito eh. Hindi man lang nagwagwapuhan sa pinakalabnalabs kong si Nathan! Tch.
Ang totoo nyan dati kong crush si Bryan din kaso nung nagtagal na parehas pala kaming may crush kay mokong eh nag move on na ako. Hindi naman ako patay na patay dun katulad netong lokaret na humihila sa akin.
"ayieeeeeeeeee! Kinikilig ako gabss! Ayun siya oh. Ang gwafu sa jersey!" Ang OA talaga netong si Ruby kahit kailan.
Ang hindi niya lang alam....
Kami na ni Bryan.
TROLOLOLO! Joke lang! Ansama ko naman pag ganun! May nathan na nga ako!
Pero ang totoo talaga naging close na kami ni Bryan. Hindi lang alam ni Ruby kasi hindi naman niya kaming nakikitang nag uusap.
"WOOOOOWW. GWAPOOO!" sigaw ni Ruby. As if maririnig siya. Alam naman niyang hindi siya maririnig kaya siya sumisigaw.
....
"nakita mo yun? Kung gaano kagwapo yung bryan ko? Da best out of rest." sabi sa akin ni ruby. Alam niyo minsan, tinatamaan to ng pagkabisayaan eh.
" The best out of all the rest. Tanga!" sabay batok ko sa kanya.
"anu ba yan... Ganito ba kalakas powers ni Bryan sa akin, pati dila nababaluktot na sa kilig." pweeeeeeeehhh! Sisikuhin ko na talaga to eh! Lecheng babae to! MEHEEGANOON TALAGA.
Sorry naman mainitin ulo ko. Kasi naman kung kailan pwede na ako magstalk ng labadubs ko eh kay ex-crush Bryan napupunta oras ko! >____<
.....
7th period
Elective: Ceramics
Eto yung period na kasama ko si Bryan.
"yo~~ wassup? Ano gagawin mo after school?" tanong ko sakanya.para may stalkerish info na ako para kay lokaret (Ruby).
"Bakit. Is-Stalk mo ba ako?" aba! Aba! Ilang beses ko ba sasabihin kay Nathan na nga ako!
"ako? Excuse me! Nakasinghot ka ba ng kahit na anong chemical jan? Echos ka ah."
"tss. Haha. Training ulit kami mamaya. Manunuod na naman ba kayo ni Ruby?"
"ah. Oo... Lagi naman--" teka... "Sandali... Pano.. How did ya know?!"'sigaw ko sa kanya.
"kalma ka lang. Alam ko lang." sabi niya. Langlangin ko siya diyan eh.
*DDDDDIIIIIINNNNNGGGGGG*
Ang lakas ng bell pero rinig na rinig ko parin yun sinabi ni Bryan.
"Sabihin mo thank you sa kaibigan mo, maganda din siya." sabay buhat ng bag at alis.
..... Hmmm.
Ohmaygallygowgaw!
...
Takbo! Takbo! Takbo!~~
asan na ba yung bisayang chekwa na yon? (A/N: Wala sanang ma offend sa paggamit ko ng term na yan. *bow* sorry kung may maoffend man.)
"RUBY!!!!" sigaw ko pagkakita ko sa kanya.
Yinugyog ko siya ng yinugyog. "ang swerte mong babae ka!" sabi ko at sabay kuwento ang sinabi ni Bryan kanina.
"ohhhh." yun lang reply niya. Alam niyo kung bakit ganyan yan?
DINALAW NA NAMAN SIYA NG PAGKASLOW NIYA.
Padalas ng padalas na ata pagdalaw ni manong Slow sa utak ni Ruby ah! Tch.
"ibig sabihin! Narinig niya yung sigaw mo kahapon! Ang tanga tanga mo kahit kelan!" sigaw ko kay Ruby nang pumasok sa kokote niya sinasabi ko. Lol.
".... Uh.. WEEEEEEHHHHH!? DI NGAAAAAA!!!" paulit ulit?! Ay nakakaloka.
Kilig na kilig naman itong babaeng unggoy na to sa tabi ko.
At pagkatapos kiligin, wala na siyang ibang ginawa kundi hilahin na naman ako papuntang Gym. T____T
....
Nanuod lang kami doon... At sigaw na naman ng sigaw itong si bruhilda. Ang rami ko nang names para kay Ruby ah.
Nang matapos ang training, nagulat nalang kami nang biglang lumapit si Bryan sa amin at biglang umupo sa tabi ni bruha at sabi "may tubig ka ba?" nagmadali namang kumuha si Ruby ng bote ng tubig sa bag niya. Pagatapos umimom ni panget, "May face towel ka ba?" buti nalang meron si bruhilda.
Pagkatapos ng kaengotan ng dalawa, sabi ni bryan:
"lagi kita nakikitang kasama nitong baliw mong kaibigan--"
"EEEEXXXCCUUUUSEEE MEEEE!?" sigaw ko pero tinignan lang akong masama ni Ruby at tinawanan ni Bryan.
"lagi kayo nandito sa gym pag may training. Dalhan mo ko lagi ng tubig tsaka twalya ah?" tapos sabay akbay kay Ruby. Natameme naman tong si alien.
" hoyy. Ginawa mo namang julalay tong kaibigan ko." sabi ko kay Bryan.
"mas okay na yun kesa sa stalker." pulang pula naman tong dalawang to at nilalanggam pa! Pinaglihi ba ito sa ketchup?! di pa dapat ako titigil sa pagsasalita nang biglang may nag-aya sa kanyang umalis at gumimik.
"Pare. Ikaw nagsabing sumali ako sa basketball team, ikaw naman nangiiwan. Lika, punta tayo kela Glen." bagong member ata siya ng team kasi ngayon ko lang siya nakita.
Si labydabs papa Nathan! Omona!
*kkut*
*end*
===================================================
AUTHOR:
Okay eto naman...
Ginamit ko lang yung pangalan ng crush ko pati ng crush ng kaibigan ko at ginawan ng storya lol.
Kunwari kami si "Ruby" at si "Gabriela" LOL.
Nag request kasi siya eh.