Simula

8 0 0
                                    

Simula

"Hinding hindi ka na makakaalis sa buhay na ito, Elda! Tandaan mo 'yan. Kahit anong gawin mong akyat pataas, hihilahin at hihilahin kita pabalik at mas lalong ilulugmok. Hinding hindi ka makakaalis sa impyernong 'to! Kaya 'wag ka nang manlaban o sumubok pang tumakas!"

Naririnig pa rin ni Elda ang boses ng lalaking iyon habang tinitingnan ang agos ng tubig na ilang talampakan ang lalim.

Mapupunta ba ako sa impyerno kapag namatay ako? Tanong niya sa sarili. Pero sa oras na iyon ay wala na siyang pakialam sa mga susunod na mangyayari. Para sa kanya, wala na atang mas iimpyerno pa sa buhay n'ya.

Malakas ang sirena ng mga pulis sa katabing establisyimento pero tanging agos ng tubig at ang impit niyang pagiyak ang naririnig niya. Paulit ulit din sa utak n'ya ang huling kataga ng lalaki.

Makakatakas ako. Ayoko na sa buhay na 'to. Pagod na pagod na ako. All I wanted was to have a normal life, a good life. Bakit sa akin pa ito nangyari? Pumikit si Elda. Nilalasap ang malamig na hangin ng gabi, na siguro'y huling beses na niyang malalanghap. Inalala niya ang mukha ng nakakabatang kapatid.

Jenny, sorry. Sana ay ligtas ka diyan. Patawarin mo si ate. Iyan lang ang kaya kong gawin para sa'yo. Mahinang bulong niya sa hangin kasabay ng pagbuhos ng panibagong mga luha.

Huminga siya ng malalim. Sinalubong ang hangin na kung gaano kabini kanina ay ganoon din namang karahas ngayon. Sinalubong ang malamig na yakap ng tubig.

Nawala ang pagtangis. Ang impit na iyak. Tanging ang sirena lamang ng mga pulis sa katabing establisyimento ang naririnig.

eldaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon