Kabanata 1

5 0 0
                                    

Kabanata 1

"El! Nasaang lupalop ka na ba ng Batangas? Para namang napakalayo ng bahay mo dito! Sobrang late ka na." Hindi na ako sumagot sa litanya ni Rica habang kausap s'ya sa telepono. I've known Rica since grade school and I can say, isa siya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko. The thing is, she's very grade conscious at napakaligalig na babae.

Kanina pa akong nagaabang ng masasakyang jeep. Tatlumpong minuto na ang nakakalipas at hanggang ngayon, wala pa ding dumadaan.

"Chill, Rica. Alam mo namang may strike ngayon 'di ba? E 'di natural wala akong masasakyan. 'Tsaka bakit ba apektadong apektado ka, hindi naman ikaw ang late?" I rolled my eyes kahit hindi naman niya ako makikita.

"Alam mo El, bahala ka kapag bumaba ang marka mo. Running for Cum Laude ka pa naman. Saka alam mo namang may strike ngayon bakit tanghali ka pa din nagising?" True enough. Ibinalita na kagabi na magkakaroon ng malawakang strike ang mga jeepney ngayong araw kaya hindi ko alam kung bakit pinili ko pa ding tanghali na magising. For a change, maybe? Or maybe I hate my first instructor for today? A single untardiness won't hurt, right?

"Whatever, Rica. Isang beses lang ako nalate. It's not like my grades will fall from uno to tres, duh? I'm not as grade conscious as you so please, leave me alone." Sabi ko at ibinaba na ang tawag. Akala ko'y aabutin ako ng tatlumpong minuto pa ulit bago makahanap ng masasakyan, fortunately, saglit lang at may huminto ng jeep sa tapat ko.

Pagkasakay ko'y narinig kong naguusap ang driver at ang katabing lalaki tungkol sa strike at sa reporma tungkol sa paglalabas ng gobyernong ng mga makabagong PUJs. My heart ached on what I've heard.

"Hindi naman ako aalsa sa modernisasyon. Maganda iyon lalo na't marami na nga ang mga lumang pampasaherong jeep ngayon. Ang sa akin lang, hindi namin kakayaning mga mahihirap ang mahigit dalawang milyong pisong bayad doon gayong may mga iba pang alternatibo na mas mura," reklamo ng driver.

"Hindi ga ho mga operator ang bibili at gagasto para roon?" sagot naman ng lalaking katabi nito at hindi na muling nasundan pa ang paguusap nila.

Inilagay ko na lang ang earphone ko at pumikit. Nagmumuni muni sa narinig na usapan. Wala nga ata talagang pakialam ang administrasyong ito sa mga mahihirap. Kahit na operator ng PUJ's ang gagastos para sa mga bagong jeepney, masyadong malaking halaga pa din ang dalawang milyong piso kumpara sa apat na daang libong piso sa ibang alternatibong jeepney. Napabuntong hininga na lamang ako sa pagiisip.

Magaalas-diez na ng umaga nang makarating ako sa room. Sinalubong agad ako ni Rica.

"Wow, El! Ang aga mo for next class? Kita mo 'to? Nagquiz kami today and hindi na daw magbibigay ng special quiz si Miss," saad nito habang iwinawagayway ang hawak niyang mga papel.

"Whatever, Rica. Isang quiz lang naman namissed ko sa klase n'ya. And obvious namang pabor ata kay Miss na hindi ako umattend sa class n'ya kasi magkakaroon s'ya ng dahilan para maibaba ang marka ko." sabi ko as a matter of fact. Since day 1 talaga ay malakas na ang kutob kong may lihim na galit ang instructor namin sa akin. Not that I care, nakakainis lang minsan kasi halatang halata na pinagiinitan n'ya ako. Kagaya ngayon, first time niya atang hindi magbigay ng special quiz kasi first time kong umabsent.

"Bakit ka ba late?" Pangungulit ni Rica.

"None of your business."

"Ah! Nagresearch ka na naman about sa papa mo 'no? Hindi ka ba nawawalan ng pagasa d'yan? Ilang taon mo nang hinahanap hindi mo naman makita," tiningnan ko nang masama si Rica habang inaayos ang gamit sa silya. Walang preno talaga ang bibig ng babaeng ito!

"Ang talino mo pero hindi mo matutunan kung paano isasara 'yang bibig mo, ano Rica? Samahan mo ako sa canteen, hindi pa ako nagaalmusal."

Kakaunti na ang estudyante sa canteen ng ganitong oras kasi karamihan ay may klase na. Mabilis ang usad ng pila sa counter kaya mabilis din akong nakaorder ng pagkain. Nakahalumbaba naman si Rica pagbalik ko sa table namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

eldaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon