I

7 2 0
                                    

AC

Maaga akong nagising ngayon dahil pers day op iskul. Shet ito na. College na ako. Sure na ba to? HAHAHAHAHAHA jok lang syempre bawal back out.

7 palang gising na ako samantalang 1 pa naman pasok namin. Mukhang gagraduate ako ng with high honors dito ah. Char.

Naglinis muna ako ng bahay, nagsaing, inasikaso mga kapatid ko. Sipag ko? Wala yon. Wag kayo mabigla ako lang to si ac.

11 am na ng mapagdesisyunan kong maligo. Pagtapos non ay nag ayos na agad ako at pumasok na dahil baka ma traffic pa ako.

"Chiaaaaa! Hayup ka namiss kita!" sabi ko at hinampas si Chia sa balikat.

"Aray ac ha tanga ka ba kahapon lang magkasama tayo!" sabi naman ni Chia.

"Sorry sorry bb nabibigla." nagtawanan nalang kami at umakyat na sa room namin.

Nagtabi tabi kami nila Chia, Gab at Jan. Tinignan ko isa isa mga kaklase ko, ano ba yan walang crushable. Wow crushable HAHAHAHAHAHA.

Yung iba ang mamatured na din talaga tignan di ko mahulaan mga edad nila eh. Maya maya ay pumasok na yung prof namin.

"Okay, may index card ba kayo? Kung meron pakilabas tapos paki copy tong format na isusulat ko." sabi ni Sir Jericho.

Nag titinginan yung mga kaklase ko. Bale blockmates pala kasi hindi kami pare parehas ng course. Ewan ko kung bakit. Kayo ba alam niyo?

Nilabas ko yung bagong bili kong index card, hmm parang magiging negosyante ako ngayon ah.

"Ate pahingi"

"Ate pabili"

"Ate eto pa daw katabi ko"

Wow ito pala instant famous ih. Para akong kandidato na namimigay ng flyers HAHAHAHAHAHAHA. Wow ubos din index ko. Syempre di ko na sila pinabayad, first day lang to mga sis. Lintik lang ang walang ganti.

Tawa lang kami ng tawa kay sir Jericho. First day pa lang so pakilala lang kami isa isa and kwentuhan. Maaga kaming pina-dismiss kasi wala namang gagawin.

"Saan na to patungo.." kanta ni Chia habang naglalakad.

"Hindi ko na kase alam.." singit ko at nagtawanan na naman kami. Nabubusog talaga ko sa hangin dahil kay Chia eh.

Dumiretso kami sa milktea shop kung saan nagtatrabaho yung jowa ni Chia. Pagdating namin doon ay binigyan agad kami ni Gael ng milktea.

Nagkwentuhan na naman kami ni Chia ng kung ano ano hayup.

GEORGE

First day of school na. Isang linggo makalipas nung away nila mommy, isang linggo rin makalipas nang nagbirthday ako, wala kain lang sa labas and nothing special. Finally, nanahimik naman sila kahit papaano.

Nasa school na ako at inilibot ko ang paningin ko.

"George, college ka na. Hindi ka na mag gigirlfriend okay? Tama na."

Paalala ng isip ko. Ngunit habang nililibot ko ang paningin ko ay naka agaw pansin sakin yung babaeng namigay ng index card. Morena, makapal kilay, pink yung lips, short hair. Wow barbie hahahahaha char.

Fix your self, george. Wala yan, nagagandahan ka lang. First day pa lang wag kang pokpok.

Iba naman talaga ako sa school, iba ako sa bahay, iba ako kapag kasama ko friends ko, iba ako sa online.

Tinitigan ko lang siya ng mga 15 seconds at inalis ko na rin ang paningin ko. Isa ako sa binigyan niya ng index. Nice mabait pa. Okay okay wala yon.

Nagpakilala na kaming lahat ngunit kahit isa ay wala akong natandaan, meron lang na iilan na pamilyar na mukha saken.

Wala pang kumakausap saken, wala rin naman akong kakilala dito. Ayokong mag overthink. Ewan ko ba, this past few days palala na ako ng palala kung mag overthink. Pero kaya ko pa naman kaya hindi muna ako magpapacheck up.

Nang mag dismiss ay dumiretso uwi agad ako tutal wala pa akong kilala.

Nag daan ang isang linggo at may naging kaclose na ako, si Ems. Siya ang unang kumausap sakin nung 2nd day. Hanggang sa naging komportable ako sa kanya.

2nd week na namin ngayon at break time, naisipan kong tumabi kay kilay. 2nd week na pero hindi ko pa din alam yung pangalan niya jusko.

Katabi ko na siya at wala siyang imik, may pinapanood yata. Gustong gusto ko siyang kausapin kaso nakakahiya baka isipin feeling close ako.

Nag laro nalang din ako sa phone ko at natulog. Nagising ako nang may nagsabi na dismissal na. Tinignan ko muli siya ng palihim at umuwi na agad ako.

Pag uwi ko ay nagpahinga agad ako at sinubukan isearch isa isa ang mga kaklase ko.

Ano nga ba yung naaalala ko na tawag sa kanya? Si ba yon o c? Nung sinearch ko sa facebook ay napakadaming naglabasan at wala.

Saktong naalala ko na pamilyar yung dalawang tao na kilala ko. Si Chia. Agad kong sinearch si Chia at inadd, inistalk ko siya at dun ko nahanap si Aria.

Inadd ko agad siya. AC Aria Colette De Villiers. Wowerz sa apelyido sis ha laban na laban.

Nagulat naman ako nang inaccept niya agad ako. Gusto ko siyang kausapin. Wait isip nga isip george!

Nag tipa ako sa keyboard ko.

"Hello po ate ako po yung kakl-" no. Erase erase. Parang ampanget.

"Hi crush kit-" putang. Ano ba yan, George. Ayos ng type. Ayon sakto may ganap pala bukas sa school!

"Hi po. Anong oras yung orientation bukas?" wow parang ang bait ko naman dito. Sinend ko agad sa kanya.

Kinakabahan ako kasi online siya. Maya maya ay nagulat ako nagchat agad siya.

"2 daw" wowerz sis parang gusto kong pumasok sa ref sa cold ng reply.

"Ah sige po thankyou." wala na natameme ako.

Okay, I feel calm. Parang di ko naman siya magiging crush or what, siguro nga nagagandahan lang ako sa kanya. Hanggang dun lang to.

From Forbidden to ForeverWhere stories live. Discover now