III

4 1 0
                                    

GEORGE

"ANO MARGARETTE! MATIGAS TALAGA ANG ULO MO ANO?!" sigaw ni Mommy habang sinasampal ako paulit ulit.

8pm ako nakauwi, at umuwi rin si mommy ng lasing. At heto, binubugbog niya na naman ako. Ayaw niyang nauuna siyang umuwi sakin. Ewan ko ba, para akong naka kulong. Isang estudyanteng walang kalayaan. Isang dalagang pinuputulan ng pakpak sa gusto niyang gawin. Kaya kapag nasa school ako or nasa labas, halos hindi na ako umuwi para lang maenjoy.

"Tama na please. Tama na." sagot ko habang pinupunasan ang luha.

"Hindi! Gusto mo laging nasa labas?! Halika dito sa labas!" sigaw niya at hinatak ang damit ko halos mapunit na ito para lang mahatak niya ako.

"Ayoko na please tama na. Wala kang alam sa nararamdaman ko." pakiusap ko habang umiiyak.

"Wala akong pakialam! Hindi ka na natuto! Bla bla bla" hinayaan ko nalang na bugbugin niya ako at pahiyain sa harap ng maraming tao.

Gustong gusto ko nang gumanti sa kanya. Bawat sampal niya sakin ay tumatatak sa isip ko, lahat ng to ay alam kong dagdag to sa trauma ko. Gustong gusto ko na siyang murahin, ibalik lahat ng ginagawa niya sakin. Pero hindi, siya pa din ang nagbigay buhay sakin. Kahit anong mangyari ay kailangan ko pa din siyang respetuhin.

Nang matapos na kami ay nagpahinga nalang ako at kinuha yung phone ko. Ganyan na ang routine ko. Masasaktan, magmemental breakdown, tapos okay na ulit. Para bang immune na ako sa lahat. Ayokong ipakita sa mga kaibigan ko na nasasaktan ako, lalo na kay AC. Ayokong magmukhang mahina sa paningin nila.

Ilang araw ang nakalipas ay nagkakausap na kami ng tuloy tuloy ni AC. Bawat gabi ay di niya ako nafafail na mapangiti. Tangina. Ito na. Natatakot na ako sa nararamdaman ko. Crush lang to, George please.

Nag sscroll ako sa facebook dahil wala akong magawa, nakita ko ang shared post ni AC kanina na para bang malapit na yata yung birthday niya. Pagdating pa naman sa ganito ay ma effort ako.

"Kailan birthday mo?" tanong ko.

"Yie. Reregaluhan niya ko. Hulaan mo." reply niya. July 7 pa lang naman ngayon.

"Next week ba?" tanong ko.

"Hmm. Oo paano mo alam?" reply niya.

Shit. Next week? Paano ko to isusurprise? Wala pa akong kaalam alam sa kanya ugh.

Nag tanong tanong ako sa friends niya kung anong hilig niya. E hayup tong Chia na to. Cellphone daw. Ano 'ko si kuya wil?

Damit. Shoes. Pagkain. Yan ang mga suggest ng ibang friends niya. Kung damit, idk anong type niya sa mga damit. Lalo naman sa pagkain. Nakikita ko ang mga shared post niya na puro sapatos. Nag scroll ako sa mga yon at tinignan ko. Wala akong makita sa sm na mga ganun.

"Ano size ng paa mo?" tanong ko sa kanya.

"Omg bakit? Size 9 ata to or 10" reply niya. Puta? Ganda gandang babae halimaw yung paa.

"Ah sige. Thank you. Reregaluhan kita medyas." reply ko at tawang tawa naman siya.

Napag desisyunan kong sapatos nalang. Pero hindi muna yung original, yung class A or replica lang muna kasi duh nag iipon ako.

Hindi nakikisama tong ulan na to. 3 days before her birthday ay bumagyo ng tuloy tuloy at walang pasok hanggang sa birthday niya. Binati ko nalang siya ng mismong birthday niya. Kinabukasan ay may pasok na at dali dali akong gumising ng maaga. Pag punta ko sa sm ay pumunta agad ako sa bilihan ng sapatos. Jusme dear, inabot ako ng 1hr kakapili. Ang ending ang pinili ko ay Fila Disruptor. Tapos nilagyan ko ng letter yung box saka ko pinabalutan.

Ngayon din ang audition niya sa Dance Troupe sa school. Usapan namin ngayon na tuturuan ko siya ng Kill This Love ng Blackpink. Dahil yun daw yung twist sa audition nila. Kpop ang genre ng sayaw ko. Nag kita kita kami sa 7/11 at dumiretso sa Dance Studio na pag ppractice-an. Hawak ko pa rin ang box at tinitignan niya na ito.

Tuwing napapatingin talaga ako sa kanya ay napapangiti ako ng sobra. Wala lang, ang sarap niyang titigan. Siya at ang dalawang kaklase namin ang tinuruan ko at ng kagrupo ko sa sayaw na si Lili. Natutuwa ako na makita siyang sumasayaw ng kpop.

Nang matapos ito ay dumiretso na kami sa school. Lunch time nang makarating kami. Binigay ko na agad sa kanya yung box at nag thank you. Inaya ko siya kumain kaya lang inaantay pa niya sila Chia. Hinila na ako ni Klare upang kumain sa labas.

"Mauna na kami kumain ah?" sabi ko.

"Sige, mamaya kainin kita." sabi ni AC.

Huy gago!!! Bakit ganto tong babaeng to! Tumawa nalang kami at dumiretso na at kumain.

ARIA COLETTE

SERYOSO BA TO?! LIKE MAY NAG REGALO SAKIN NG SAPATOS?!

Hindi na muna kami kumain ng lunch, pumasok kami sa room ni Jan habang hawak ko pa rin ang box.

"Halika na! Buksan na natin to!" sigaw ni Jan at hinihila sakin yung box.

Nag tulong kami ni Jan na buksan tong box. At laking gulat ko nang eto yung gusto kong sapatos. Di ko inexpect. I mean yeah alam ko nang sapatos pero di ko inexpect na eto yung bibilhin niya. Tapos may letter pa. Wala lang nakakataba lang ng puso kahit payat ako HAHAHAHAAHAHA.

Crush niya lang naman ako pero alam mo yung effort, grabe talaga eh. Napatili ako habang sinusukat yung sapatos. Grabe, fit na fit din talaga. May allowance pa ng onti incase lumaki pa yung paa ko. HAHAHAHAHAHAHA takteng paa to, shrek amp.

Pagdating niya sa room ay nginitian ko agad siya.

"Ayan ba yon AC?" pang ookray ng bakla naming kaklase na si JM.

"Ay siya ba yung nagregalo sayo ha? Yan yung may crush sayo?" hirit pa ng isa naming kaklase.

Myghad. Ayoko pa naman ng ganito, nakikita ko kasing naiilang yung tao. Sinaway ko nalang sila at nagpasalamat ako kay George sa chat. Mahiyain kasi siya sa personal, kaya hindi ko rin alam kung paanong approach yung gagawin. Pero nakakatuwa kasi mabuti siyang tao.

Kaya pala tinatanong din ako ng kapatid ko kung anong size ng paa ko, nagulat ako na close na rin sila ng kapatid ko pero ayos lang.

Bandang 5pm nag start ang audition namin, hindi pa rin umuuwi si George hangga't di ako nakakapag sayaw. Noong turn ko na, ang sinayaw ko ay ang Cold Water, sariling piece ko yon. Mabuti nalang wala si George sa loob kundi baka mahiya ako.

Nang makauwi ako ay binasa ko ang letter niya.

"Hello baby girl, happy happy birthday! Deserve mo lahat ng to. Alam mo naman na crush kita diba? Thank you for being my inspiration everyday. You motivate me always. Hope u appreciate my gift and enjoyed your day! Ingat always please. Kumain lagi. I love you! -George"

Aww. Short but sweet. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Every post ko, minsan nagcocomment yung ka MU ko. And I feel like, nasasaktan si George. Kasi everytime na may interaction kami sa fb ng ka MU ko, nag mmyday si George ng malungkot, or shared post na nasasaktan ganun. Hay. Ewan ko na. Nakaka confuse ah! Straight ako mga mare! Straight!!!

From Forbidden to ForeverWhere stories live. Discover now