PROPERTY OF PINKYCATHYZZZ
Part 1
Papasok na ko sa school grabeng lakas ng ulan. Kailangan kong sumakay ng jeep kasi malayo pa yung school ko. Ayaw na ayaw kong umuulan kasi hastle. Mababasa yung uniform ko. At pag umuulan napakaraming tao.
Sumakay na ko ng jeep. Mabuti nalang at may upuan pa. Tiniklop ko na ang payong ko automatic sya. Sira na nga eh di pa ko nakakabili ng bago.
Magbabayad na sana ko ng biglang bumukas yung payong ko. OMG!!!!!!!!!!
Yari ako natamaan yung kaharap ko.Sinara ko na yung payong ko.Badtrip bigla bigla nalang bumubukas mag-isa.
Nag sorry ako sa katapat ko.
"Sorry sorry po talaga di ko po sinasadya. Yung payong ko kasi eh sira. Sorry po talaga".sabi ko.
"Wala na kong magagawa nabasa tuloy ako. Tsk tsk tsk Kung minamalas ka nga naman. Palitan mo na kasi yung payong mo miss." Sabi ni kuyang kaharap ko.
"Pasensya na talaga." Sabi ko sa kanya.
Hindi ko napansin na taga university din sya base sa uniform niya at mukang taga College of Engineering.
Tumigil na yung jeep sa University namin at bumaba na ko pati si kuyang natamaan ng payong ko. Nahihiya ako sa kanya. Pero ANG SUNGIT NIYA!!!!!
Di ko nalang siya pinansin.Pumasok na ko sa school at dumiretso na sa building namin.
Badtrip ako sa kanya.Oo alam ko na may kasalanan ako pero yung payong ko pala ang totoong may kasalanan.Medyo napahiya ako sa jeep.
Nagklase na kami.Iniisip ko parin yung nangyari. Nag lunch time na bumaba ako sa cafeteria kasama ang mga friends ko para kumain.
Girl anong kakainin natin? Tanong ko sa kanila.Sabi naman nila kahit ano basta masarap. Ok dun tayo kay Ate Sally masarap dun.
Pumunta na kami sa stall na pagmamay-ari ni ate Sally.Kumakain na kami ng bigla ko syang nakita.Yung lalaki sa jeep. Hala my god kinakabahan ako. Pinagpatuloy ko na yung pagkain ko. Nang may bigla nalang tumabi sakin. Siya yung tumabi.OMG!!!!!
"So you're from CAS miss na sira ang payong".sabi nung lalaki na natamaan ng payong ko kanina sa jeep.
"And so ano naman ngayon?"pagmamataray ko.
"Aba miss baka nakakalimutan mo may atraso ka sakin."sabi niya na parang nananakot.
"Nag sorry na ko ah. Di ko naman sinasadya eh."sagot ko sa kanya.
"You owe me one,see you around."sabi niya at umalis na siya.
Hoooooo grabe ano bang gusto niya.Nakakainis naman eh.Tinanong ako ng mga kaibigan ko kung ano daw problema nung lalaking yun.Kinwento ko na nga sa kanila yung nangyari. Ang sabi lang nila magpalit ka na ng payong girl. Mga mabuting kaibigan talaga. Tawa ba naman ng tawa.
Lumipas ang mga araw di ko na siya nakita. Hay salamat. Nagkautang ako ng wala sa oras sa bwiset na yun.Pasalamat siya gwapo siya. Tskkkkk hay gwapo nga masungit naman. Hmmmmmmppppppppp...........
Pauwi na ko galing sa school at umuulan na naman. August kasi kaya tag-ulan talaga. May bago na nga pala akong payong. Yes achievement Hahahahahaha. Biglang may sumakay. Hay naku naman talaga siya na naman.At sa tabi ko pa talaga umupo. Grabeng tadhana naman.
"Hi miss talagang pinaglalapit tayo ng tadhana Hahahahahah." Sabi nya na may kasamang pagtawa.
"Whatever"sabi ko sa kanya.
"Yung utang mo sakin ah!"sabi niya.
"Wala kong utang sayo no!"sabi ko sa kanya.
"Give me your number!"sabi niya sa tonong kailangan mo talaga sya sundin.
"Bakit ko naman ibibigay sayo?" Tanong ko sa kanya.
"Dahil nga may utang ka sakin at kung di mo ibibigay yung number mo patay ka sakin sa school."sabi niya.
"Ok ok 09*********" sinabi ko nalang.
Akala niya rereplayan ko siya no way. Manigas sya. Akala niya matatakot ako sa kanya. Big NO NO!Bumaba na ko sa jeep at umuwi na ako.

BINABASA MO ANG
PAYONG INCIDENT (ONE-SHOT STORY)
Short StoryThis is not a usual payong lovestory. :) :) Pakibasa at pakipatulan ang story ko pls <3 my very first one-shot story !! Kindly read it or else you will not meet your true love! Nakakatuwang isipin dahil ang payong ang naging dahilan ng pagtatagpo na...