Part 2

43 1 9
                                    

 PROPERTY OF PINKYCATHYZZZ

Kinagabihan pag-uwi ko sa bahay biglang may nag text.

"Hi miss !kindly save my number or else!-Raymond"

Aba Raymond pala ang pangalan niya. Ang lakas ng loob niya mag-utos kala niya kung sino siya. Pasalamat talaga siya kasi gwapo siya.

"Sinave ko na !HAPPY?" text ko sa kanya.

"Super happy, Joyce :D" reply niya sakin.

"Pano mo nalaman name ko" reply ko sa kanya.

"Connections" simpleng reply niya.

'Ok sige bye!" txt ko sa kanya.

"Huwag ka munang matulog please :("txt niya sakin.

Bakit kaya ayaw niya pa ko patulugin? HAHAHAHAH baka may gusto na sakin ang isang yun. Ang ganda ko talaga!!! Bago palang kaming magkakilala. Infairness FEELING CLOSE SIYA!!! 

Tinext ko sya kung bakit sabi niya pwede niya daw ba kong maging text mate. Sinabi ko sa kanya sige kawawa ka naman eh pag hindi ako pumayag. HAHHAHAHAA ang hangin ko talaga.

Hindi ko namalayan na inabot na kami ng 3am sa pagpapalitan ng mga messages. Grabe ang bilis ng oras. Ang dami na naming napag- usapan. Parang feeling ko kilalang kilala ko na siya. First time ko lang na maki pag text na inabot ng 3am. Mga ka cornyhan ang mga ibang sinsabi niya. Nabanggit niya rin yung tungkol sa payong ko. Sabi niya buti nalang daw biglang bumukas yung payong ko sa jeep. Dahil kung hindi, hindi daw siya mag kakaroon ng chance na makilala ako :) OMG bigla akong kinilig. Ang landi ko ba? Hindi naman diba.? Sabi ko sa kanya pasalamat talaga siya sa payong ko WAHAHAHAHHA :D. Hindi ko napansin na nakatulog nalang din ako habang ka text ko pa siya.

Pagkatapos ng gabing yun nagbago na ang lahat. Panay na ang text niya sakin. Syempre magrereply naman ako. Sayang naman yung load niya kung di ko siya rereplayan.

Wala naman siyang ibang sinasabi sa text kundi Good morning, Good afternoon, Good night, Kumain ka na. Puro ganung messages. Kapag nag kaka salubong kami sa University nag ngingitian kami. Hindi na namin kailangang mag-usap kasi tinginan palang nag kakaintindihan na kami. OMG kinikilig ako. May ganung effect na siya sakin Sana lang talaga may kahinatnan itong something na ito.

Lumipas ang mga araw at ngayon nga ay December na. Niyaya niya kong makipag date sa kanya. Syempre excited ako, feeling ko ang ganda ganda ko. Tinext niya ko kung san kami magkikita dahil ayokong mag pasundo. Nakakahiya naman kasi.

Pumunta na ko sa restaurant na sinasabi niya. Naghintay ako dahil masyado ata akong napaaga.

Makalipas ang isang oras wala parin siya.

Naghintay parin ako. Hanggang sa umabot na ng apat na oras. Grabe naman sana sinabi niyang di tuloy . Ng di ako mukang tangang naghihintay. Naiiyak nalang ako. At umulan pa talaga. Lumabas na ko sa restaurant. Ang lakas ng ulan grabe nakikisabay pa talaga ah.Umiiyak na ko ng may biglang tumawag sakin..........................................................................................................................................

si Raymond.

Nagdirediretso lang ako sa paglalakad. Hinabol niya ko. Pinayungan niya ko. Wala kasi akong dala.Hindi ko siya pinansin. Kabadtrip siya.Nabasa parin ako kahit pinayungan niya ko. Pumara na ko ng taxi. Sinubukan niya ding sumakay pero di ko siya pinayagan. Sorry siya ng sorry.

Habang nasa taxi di ko na napigilang umiyak. Naiinis talaga ko sa kanya. Biglang tumunog yung cellphone ko. Tinatawagan niya ko. Di ko siya sinagot. Nag text sya. Sorry daw kasi may nangyari lang daw sa friend niya. I don't care pinatay ko yung cellphone ko. Nakauwi na ko sa bahay. Dumiretso na ko sa kwarto at di ko namalayang nakatulog na ko.

Kinabukasan pumasok na ko sa school. Nakasalubong ko siya pero di ko siya pinansin.  Mag-antay ba naman ako ng 4 hours sino bang di mababadtrip.Pumasok na ko sa klase ko. Nagulat ako ng may bilang kumatok sa pinto.

"Good morning po pwede pong pa excuse po kay Joyce emergency lang po" sabi ni Raymond.

Nagulat ako. Ano kayang emergency yung sinasabi nito,Lumabas ako ng room at kinausap ko siya.

"Joyce sorry talaga kagabi may emergency lang kasi."sabi niya.

"Bakit hindi ka man lang kasi nag text naghintay kasi ako. Mukha akong tanga dun kagabi.!" pagalit na sabi ko.

"Sorry talaga sana mapatawad mo ko. Promise I'll make it up to you." sabi niya.

"Sige na umalis ka na may klase pa ko tsaka mo na ko kausapin. Next time huwag magyaya kung di ka naman darating." simpleng sabi ko at pumasok na ko sa room ko.

Nag-uwian na dumiretso nalang ako sa bahay. Pag dating ko sa bahay may nag deliver ng bulaklak. Para sakin daw. Binasa ko yung note From:Raymond. Talagang bumawi siya kaagad ah. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung matutuwa o maiinis parin. Pero naisip kong patawarin na siya. Pero mag-iinarte muna ako. HAHAHAHA bright idea :). Nag text siya kung natanggap ko na daw ba yung bulaklak. Nagreply na ko na oo. Kawawa naman kasi siya eh.

Kinagabihan nag text na naman siya. Sabi niya na next time daw hindi niya na hahayaan na sumama yung loob ko. Kasi di niya daw kaya. Natuwa naman ako sa sinabi niya.Ane be eng ganda ko :) 

After that incident bumalik na naman kami sa dati. Mas lalo na siyang naging sweet. Wala siyang sinasabing manliligaw siya. Pero yung status namin  were more than friends but less than lovers. Parang MU. Ewan ko sa kanya. Ayoko namang masyadong umasa.

PAYONG INCIDENT (ONE-SHOT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon