Chapter Two

5 0 0
                                    

Texts in italic are flashbacks and Raye's thoughts.

Chapter Two

A Fresh Start


"Tara na, Ate. Nagtext si Dad." sambit sakin ni Alec. Nilingon ko lang siya at nginitian. Dahil sa paghagulgol ko kanina, mas lalo akong napaos at 'di na naman makapagsalita.

'Di kagaya noong mga nakaraang buwan, mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Dahil siguro naiyak ko na lahat. Masyado ko pinanghawakan 'yong saming dalawa ni EJ kaya 'di ako maka-move on. 'Di ko matanggap na wala na talaga kami. I was too wishful that he'll come back to me. Masyado na 'ko nagpapakatanga.

"Kailan ka babalik sa trabaho?" Tanong sakin ni Alec habang ang mga mata nito ay nakatutok sa daanan.

"As soon as possible. Maybe next week?" I answered, unsure. Halos isang taon na akong tambay sa bahay. Habang si Alec at Dad ay nagtatrabaho, pasarap lang ako sa buhay. Señorita, e...

"If you need more time to rest, just rest. I'm not rushing you, Ate." aniya.

"'Di full time job ang pagiging señorita, Alec." pasinghal kong sabi kay Alec.

Tumawa lang ito at pinisil ang pisngi ko. Pinalo ko naman 'yong kamay niya na pumisil sa pisngi ko. "If you need anything, sabihin mo lang sakin. Kung hindi sakin, kay Dad." habilin niya.

Kung hindi ako tinatawag na Ate nitong si Alec baka napagkamalan ng ibang tao na Kuya ko siya. Masyado kasi siyang matured kahit noong mga bata pa kami. Kaya niya ring sabihin ang gusto niyang sabihin, prangka ba? 'Di kagaya ko na immatured at 'di kayang ipagtanggol o i-dipensa ang sarili. 'Yan tuloy, naging dependent ako at laging naka-rely kay Alec.

"Okay." napapaos kong sambit sa kanya sabay lingon sa bintana.

Tuwing nasa biyahe kami, 'di ko kayang pagmasdan ang mga tanawin na nadadaanan namin noon. Lagi akong nasasaktan, sumasakit ang puso ko na para bang may pumipiga rito. Lagi ko kasi iniisip 'yong mga nakaraan na alam ko na lalo lang magpapasakit sa damdamin ko. Kaya madalas ako matulog o nakapikit sa biyahe. Ngayon ay na-eenjoy ko na ang aking mga nakikita. 'Di na pwede laging bitter, Raye. One step at the time... Looking outside the window is your first step.

"You're not going to sleep?" tanong ni Alec sakin nang masulyapan ako nitong nakatitig sa mga tanawin na nadadaanan namin.

Umiling lang ako at nanatiling nakatitig sa tanawin sa labas.

"Kamusta lakad niyo mga anak?" bungad agad samin ni Dad nang makita kami nitong papasok sa bahay.

"It was fun, Dad. Ba't mo nga pala kami pinapau—" 'di na naituloy ni Alec 'yong itatanong niya kay Dad nang makita nito ang suot na suit and tie. "Ngayon ba 'yon, Dad?" pag-iiba ng tanong nito.

"Yes, today's the day. 'Di ko ba nasabi sainyo?" nagtatakang tanong nito. He did mentioned it pero 'di niya sinabi na ngayon araw na pala ang trial ng annulment case niya with Mama. Bumuntong-hininga ito nang 'di namin siya masagot, "Pabayaan niyo na. Maligo na kayo at aalis na tayo mamaya."

"Yes, Dad." sabay naming sagot ni Alec at dumiretso pumunta sa sarili naming kuwarto para maligo at maghanda.

Kasabay no'ng hiwalayan namin ni EJ, nag-decide si Dad na mag-file ng annulment no'ng nakaraang taon. At first, we don't know the reason why. We have no clue why my Dad wants to suddenly end his marriage with Mama, pero bumisita si Mama samin na may dalang lalaki a few months after Dad announced his separation with Mama. Halos ka-edad lang namin ni Alec 'yong bagong kasintahan niya. Halatang...pera lang ang habol.

Self-awarenessWhere stories live. Discover now