Prologue

25 0 0
                                    

Prologue


"340 pesos isang bucket?" Nabingi yata ako dahil sa presyo. How many bottle of beers are in there? Anim? Nakamura lang ako ng 10 pesos...

Ba't ko ba 'to inisip? Ba't ba gusto mo magpakalasing, Raye?

Sinilip ko laman ng wallet ko. Magkano nalang pera ko, jusko. 500 pesos? Napabuntong hininga ako at isinandal ang likuran ko sa pader. "Sige, miss. Isang bucket." sabi ko sa waitress at bumuntong hininga ulit. Ubusin ko na 'tong pera ko. Nandito na ako, e.

Napatingin ako sa mga nag-iinuman sa kabilang mesa mula sakin. "Saya niyo, ah?" bulong ko sabay tingin sa T.V Screen. Kumakanta sila ngayon. Wala sa tono kaya medyo nakakairita, pero ayos lang. Pumunta ako rito para uminom, 'di para makinig.

"Ma'am, ito na po 'yong inorder niyong bucket." sabi ng waitress sakin habang nilalapag nito 'yong ice at 'yong in-order kong bucket sa lamesa. Tumango nalang ako bilang pasalamat at kumuha agad ng isang bote.

"It's now or never." bulong ko sa sarili sabay lagok ng alak.

Mukha siguro akong tanga. Umiinom ng mag-isa rito habang nanonood sa mga sintunadong kumakanta.

"Ikaw naman kumanta, babe!" sigaw ng babaeng sintunado sa mic habang hinihila jowa niya para tumayo. Umiiwas ako ng tingin sa kanila at nagpatuloy sa pag-inom. Bitter mo, Raye. Gago lang?

I'm usually alone. I used to be alone, but why do I feel so lonely?

"Maghiwalay na tayo, Raye."

"Ang tanga mo naman kasi, e. Nakikita mo naman na, nagbubulag-bulagan ka pa."

"Wala ka nang ginawang tama! Ano ba gusto mong gawin sa buhay mo, ha?! Magpakatanga? Para kang Daddy mo!"

What the fuck, Raye? Tinatamaan ka na agad ng alak? Why are you remembering these things? Pumunta ka sa lugar na 'to para makalimot. 'Di para umalala.

"Tanginang buhay 'to..."

Hindi ko namalayan, umiiyak na pala ako habang umiinom. Kasalanan mo 'yan, Raye. Kaya ka mag-isa ngayon. Wala ka puwedeng sisihin kundi ang sarili mo.

Self-awarenessWhere stories live. Discover now