Tomboy becomes Beauty (One-Shot)

5.1K 145 35
  • Dedicated kay Jessa Locsin
                                    

Tomboy becomes Beauty (One-Shot)

written by

Miss_Aech

***

"Ipasok na'yan! Ipasok na'yan!" sigaw ko sa kanila. Ang babagal jusko! Ang bagal ipasok 'yung sasakyan. Anak ako ng may-ari ng talyer dito samin. Tumutulong ako dito kaysa naman tumunga-nga lang ako.

"Kalma lang Jes, hahaha!" may nagsalitang unggoy. Pero, icoconsider ko na'yang kaibigan ko. Alam niyang maangas ako at minsan di naliligo. Ahemm...di niya ko iniiwan.

"Wag mo nga kong pagtawanan diyan, Lewis ah. Kung ayaw mong mapaaga ang meet up niyo ni kamatayan!" maangas kong pagbanta sa kaniya.

"Tsss, ang siga mo naman Jes. Meron ka ngayon ano?" mapang-asar niyang salita.

Hinawakan ko ang laylayan ng damit niya at inilapit sakin. "Bakit ibibili mo 'ko NUN! Pantapal?" bulong ko.

Tumawa naman siya ng malakas. "Sige pa! Susuntukin na talaga kita Lewis!" banta ko, at ipinulupot ang kamay ko sa leeg niya at umaktong susuntukin siya pero tinabig niya yun pati narin ang kamay kong nakabalot sa leeg niya. Nagulat ako nung pinadaos-os niya ang dalawang kamay niya sa bewang ko at inilapit sa kaniya.

P*tangin* naman!! Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko! Leche talagang Lewis 'to!

Magpupumiglas na sana ako ng may ibulong siya. "Sumama ka muna sakin.." at pagkasabi niya nun bigla niyang hinawakan ang kamay ko ng mahigpit at hinila.

"Date muna kami, Uncle!" paalam ni Lewis sa Papa ko.

"Aba'y mabuti nga 'yun Lewis, buntisin mo na 'yan. Hahaha!" biro ng walangya kong Papa na mahal na mahal ko kahit ipinagtutulakan ako sa unggoy na'to.

--

"Coke at Chocolate? Gaguhan ba 'to Lewis?" tanong ko kay Lewis. Akala ko ba pantapal?

"Alam mo kasi, sabi ni Ate pag meron daw ang babae dapat kumakain ng chocolates or softdrinks para lumakas!" masiglang sabi nito. Ibinatok ko naman sa kaniya ang malaking toblerone na binigay niya sakin.

"Sira ka pala e! Edi mas sasakit 'yun! Tanga pa more Lewis, tanga pa more!" sabi ko at tinungga nalang 'yung bote ng coke na binigay niya rin. Alam niyo ba kung saan ako dinala nitong unggoy na'to? Di lang naman sa Tita niyang doktora sa mukha. Ano ba tawag dun? May mini house kasi katabi ng clinic ng Tita niya.

"Grrrr! Sarap mong halikan Jesvie! Mas may alam pa pala ako sayo tungkol sa mga monthly period niyo.." natatawang sabi niya.

S-sarap mong halikan Jesvie??? T*ngn* mo sagad!

Susuntukin ko na sana ang gwapo---panget niyang mukha ng tinawag kami ni Tita Coni, yung Tita niya.

"Mga bagets! Halikayo sa clinic, may ipapakita ako sa inyo ang bago kong raket." bungis-ngis na aya ni Tita.

Pumunta na kami doon, pero bago kami pumunta sinapak ko si Lewis sa mukha. "Serves you, right!" namula naman ang pisnge niya sa pagkasapak ko. Hahahaha.

"AnakKaNaman! Anong ginawa mo sa kaniya Jesvie?" gulat na tanong ni Tita nang makita si Lewis na may pasa sa pisnge.

"Pinakilig ko lang, Tita. Ayan nag-blushed." sagot ko.

Ngumiti naman ng malapad si Tita. "So ibig sabihin ba niyan Lewis ay natupad na ang wish mo na maging kayo n---" hindi na napatapos ni Tita ang sasabihin niya ng takpan ni Lewis ang bibig nito. "Tita, wag niyo naman po akong unahan." pakiusap niya kay Tita. Okay? Pwedeng manuntok ng tao? Ino-OP naman ata nila ako dito?

Tomboy becomes Beauty (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon