Note 9

128 7 0
                                    

Love yourself.

May mga oras na sobrang baba ng tingin mo sa sarili mo. Yung tipong hindi mo maexplain kung bakit galit ka o inis sa sarili mo. Mapapatingin ka sa salamin at mapapasimangot at madaming tanong ang mabubuo sa isipan mo.. 'bakit hindi ako maganda tulad niya'..'bakit siya ganito, ako kahit anong gawin ko wala padin'.. mga bagay sa isipan mo na unti unti kang nilalamon.

Alam mo, hindi ibang tao ang makakapanatag ng isip at loob mo kundi ikaw lang mismo. Kung matututunan mong tanggapin at mahalin ang sarili mo, doon.. doon mo mararamdaman na walang kwenta ang mga negatibong bagay na tumatakbo sa utak mo.

Hindi mo kailangan ng ibang tao to point out what you are and what you have para lang mafeel mo how worthy you are as a person. Simulan mo sa ikaw mismo ang nanga'appreciate sa sarili mo..and everything else will follow. 🤙

//j
//artdumprie

Notes to Self 101  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon