Here's Chapter 1!
-------------------------------------------------------------
Fryzyl Mae's POV
" Shemay! Late na ako!! " nasabi ko nalang habang tumatakbo pasakay ng jeep. Swerte ko nga naman at napatid pa ako sa daan.. =__=
" Anak! Yung baon mo! " napalingon ako kay mama na hinihingal sa paghabol sa akin..
" Ma, may natitira pa naman ho akong pera sana hindi na po kayo nag-abala. Napagod pa kayo. " sabi ko pagkatapos kong balikan ang nanay ko..
" Ikaw talaga, okay lang ako. Oh siya, mauna ka na at late ka na naman. " sabi ni mama at inabot sa akin yung pera.. Ngumiti naman ako at tumakbo na pasakay ng jeep.
Hindi pa pala ako nakakapag-pakilala.. Ako nga pala si Fryzyl Mae Kim. Maraming nagsasabi na mabait ako at super understanding, pero hindi naman siguro ganun ka-over katulad ng pag-describe ni ate Steph (Author) sa prologue. Hihi!
16 years old at Grade 10 na rin ako. Hindi ako Ms. Nobody at hindi rin naman Ms. Popular.. As in kalagitnaan lang talaga.. Simula ata nursery ako lagi akong nasa top 5. Pero hindi naman ako nerd. Gusto ko lang talaga ang pag-aaral.
May-kaya naman kami pero mas gusto kong matutong mag-isa.. Btw, natututo pa lang ako ah? Wala pa akong balak humiwalay sa mga magulang ko.. Hihi!
" Sino ang ba-baba sa Crystal Academy? " tanong ni manong..
" Ah, ako po! " sabi ko at inabot na ang bayad..
Tumawid naman ako kalsada at tumakbo na papasok sa Crystal Academy. Dito na ako nag-aral simula nung nursery pa lang ako kaya sobrang familiar na ako dito.. Para sa akin sa sobrang laki nito maliligaw ka talaga kung transferee ka..
Ay! Ano ba yan! Nakalimutan kong late na pala ako! At tumakbo na nga ako papunta sa classroom namin.
Pag-silip ko sa window ng classroom namin eh mukhang nagsisimula na sila.. Hay, first day pa naman ngayon.. Bad impression na ako.Hindi naman ako nagpa-tumpik tumpik pa at kumatok na sa pintuan.
Parang magic naman na sabay-sabay silang napatingin sa akin.. As in sabay talaga, ang galing nga eh.. At may nagbukas na nga ng pinto at pumasok na ako..
" Good Morning po! Sorry po na-late ako! " sabi ko habang nagba-bow sa kanila..
" Okay lang Ms. Kim. Pero sana sa susunod dapat hindi na maulit ito.. " sabi ni Ma'am.. Hindi siya pamilyar sa akin. Siguro bago pa lang siya dito.. :) Ang bait niya!
" Opo, sorry po ulit! " sabi ko at pina-upo na ako ni Ma'am Trixie, nagpakilala siya sa akin kanina..
Pagka-upo ko nag-discuss na si ma'am about dun sa mga rules and regulations ng school pati ng classroom.. Nang bigla nalang may narinig kaming nag-salita..
" DYOSA~ Ang ganda mo talaga.. Sagutin mo na ako oh? " Napalingon kaming lahat kung saan nang-galing ang tunog..
" Oops? Hihi! " sabi nung guy na katabi ko.. Teka, guy nga ba?
" Hahahaha! " nagtawanan naman silang lahat.. Samantalang naku-curious naman ako sa katabi ko..
Napalingon naman sa akin yung katabi ko, napansin niya atang nakatingin ako sa kanya..
" Bakit bhie? Natulala ka na sa kagandahan ko..? " tanong niya sa akin.. Nagulat naman ako, sayang gwapo pa naman.. Napa-ngiti naman ako sa kanya.. Mukha naman siyang friendly eh.. :))
BINABASA MO ANG
She's Ü and He's H.Ü
Fiksi RemajaAng She's Understanding and He's Hard to Understand ay isang storya tungkol kay Fryzyl Mae Kim at Justin Christian Byun na nagkakilala dahil sa isang nakakatawang insidente at makikigulo sa istorya nila ang kanilang mga kaibigan.. ^_____^ ~~~~~ Bawa...