Chapter 1

16 0 0
                                    

Bahagyang napakunot ang noo ko nang may maramdaman akong maliit na presensya na umupo sa tabihan ko. Nilingon ko ito kasabay din ng pagngiti niya sa'kin.

"Hi, kuya. Patabi po ha?" Tumango lamang ako sa bata. Mga nasa anim na taong gulang na siguro ito. At kakat'wang marunong na ito magbyahe mag-isa. Makailang beses ko na kase siyang nakakasabay rito ngunit ngayon lamang siya tumabi sa'kin.

Ibinaling kong muli ang aking mga mata sa bintana. Para akong aso na kulang na lang ilawit ang ulo sa bintana.

Nakakapagtaka namang wala pa siya.

Kadalasan ay nauuna pa siya sa'kin, pero... baka naman na-late lang talaga siya ngayon.

"Sino pong hinihintay niyo?" usisa ng
bata. Nakahawak pa ito sa pangalawa niyang baba habang pilit ring sumisilip sa bintana.

Umiling ako."Wala." Bahagya akong sumandal sa upuan upang hindi siya mahirapan.

Mukha kaseng mahirap siyang kumbinsihin.

"Wow, ang ganda naman niya!" bulalas ng bata. Mukhang namamangha talaga siya na nakikita niya. Sinundan ko ang itinuturo ng mataba niyang hintuturo at maging ako ay 'di na mapigilang mapangiti at mamangha.

"Oo, pinakamaganda sa lahat ng babaeng nakita ko." Hindi ko na napigilan ang aking bibig. Akala ko'y hindi ko siya makikita ngayon!

Kumpleto na naman ang araw ko.

Pinagmasdan ko kung paano marahang tinatangay ng hangin ang kanyang mahahabang buhok. Maging ang pagkurba ng ngiti niya sa kanyang mapupulang pisngi. Ngunit ang hindi ko makakaligtaang tingnan ay ang malamlam niyang mga mata.

Ngumingiti siya pero halatang malungkot. Hindi naman 'yon pilit na ngiti pero ewan ko ba, nakikita ko kase sa mga mata niya. Hindi ko alam kung anong storya sa likod no'n. Pero kung ano man 'yon, gusto ko siyang damayan. Ang kaso mo, sa ilang buwan kong pagsulyap sulyap sa kanya ni hindi ko man lang siya nalapitan. Nakakapanghinayang.

Tanginang self-esteem kase ito pagdating sa babae, eh.

Maya-maya pa ay may matandang babae na lumapit sa kanya. At sa pagkakataong 'yon, totoong ngiti ang kumurba sa kanyang mga pisngi. Mas lalo tuloy akong nagkaroon ng kagustuhang lapitan siya.

Nang umupo ang matandang babae ay sumunod siya. Araw-araw ko silang nakikitang dalawa. Sigurado akong maglola sila. Mukhang inihahatid ni Faith sa kung saan man ito nagtitinda.
Base sa bilao ng mani na hawak nung Lola.

Napailing ako sa sarili ko. Nang padalawang buwan ko na siyang nakikita rito sa station four ay ako na ang nagpangalan sa kanya. Faith, dahil simula nung araw na una ko siyang nakita ay palagi akong umaasa na maabutan ko siya.

Madrama man, ngunit sa t'wing tinitingnan ko siya nabubuhayan ako ng loob.

Kauuwi lamang kase namin rito sa Maynila. Mga isang taon narin siguro. Masyado akong nanibago sa buhay namin. Hindi na kase kasing dali ng dati. Bukod roon, ay wala pa ako no'ng kasundo sa bago kong eskwelahan. Ang pangkaraniwan.

Naramdaman ko na ang biglaang pagkabuhay ng makina nitong bus. Umandar. Umalis. Hanggang sa unti-unti ay nawawala na si Faith sa paningin ko. Lihim akong nagpaalam sa kanya, kahit na alam kong hindi niya naman ako kilala. Hindi niya rin ako maririnig. Pero balang araw naniniwala akong malalapitan ko rin siya.

"Kuya, kilala niyo po ba siya?" Saka lamang ako napabalik sa reyalidad nang tanungin ulit ako ng batang katabi ko.

"Malapit na," nakangiti kong bulong.
----

Station FourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon