Ilang beses kong sinubukan magbasa. Sinusulit ko na nga ang pananahimik ni Luke at ng library para sa quiz namin mamaya, pero 'di ko naman magawang mag-aral.Wala akong maintindihan. Parang ibang lenggwahe ang binabasa ko. Pinakaayaw ko talaga sa lahat ay ang inboluntaryong pag-aaral. Gusto ko ay bukal sa loob. Mas tumatatak kase sa utak ko 'pag gano'n.
Patuloy lamang ang pagkagat kagat ko sa aking ballpen. Hanggang sa mapalingon ako sa siwang ng bookself na nasa tapat ko. Naningkit ang aking mga mata nang tumama ito sa isang pares din ng mga mata na kapwa nakatuon din ang pansin sa mga libro.
Hindi ako maaring magkamali! kilalang kilala ko ang mga matang 'yon! Bagama't sa malayuan ko lamang 'yon nakikita ay may kung anong bumubulong sa'kin na siya ang nagmamayari no'n.
Dahil sa gulat, naipukpok ko ang librong binabasa ko sa ulo ni Luke. Hindi ko pinansin ang pagmumura niya. Nabibingi na yata ako. Nakikita ko ang panlilisik ng mga mata ng ibang estudyante rito sa loob, pero nawalan na ako ng pake.
"Faith..."
Hanggang sa tumayo na ako.
"Faith, sandali!" sigaw ko ngunit tila wala siyang naririnig.
Sa bagay, hindi naman kase Faith ang pangalan niya...
Mabilis akong naglakad patungo sa kinatatayuan niya ngunit doble ng bilis no'n ang paglayo niya.
"Faith, Faith teka lang!"
"Sige lang! sumigaw ka KeeKee para parehas tayong madetention! Pero sino bang Faith?!"
Konti na lang. Maabutan ko na siya...
Abot kamay ko na si Faith...
Pero may mga bagay nga naman na hindi nakukuha sa madaliang paraan.
Dahil may balyenang humarang!
"Who told you to make a scene here?"
Nagbabagang sabi ni Ms. Fatima. Siya ang pasiglang librarian ng School na 'to. Sobrang nagmumura kapag may nakakakitang mga teacher.Patay na...
"Ms. parang awa niyo na, may hinahabol lang ho ako!"
Pilit pa akong sumisilip mula sa tagiliran niya dahil halos masakop na niya ang daan palabas.
Kung pwede ko lang tabigin ito palayo sa daan eh, kainis!
Parang unti-unting gumuguho ang mundo ko habang unti-unti rin siyang naglalaho sa paningin ko.
Dito pala siya pumapasok...
Bakit ngayon ko lang siya rito nakita?
"Stop making excuses, Mr. Whatever your name is, I'll talk to your adviser to make sure that you'll receive detention. I don't toleratasdghkkl."
Wala na akong naintindihan sa sinabi ni Ms. Fatima. Ang alam ko lang hindi ko siya naabutan. At kailangan ko siyang hanapin.
••••
"Mukha kang may inom kanina, muntik ko ng sabihin na hindi kita kasama!" Parang may seizure sa kakatawa si Luke. Hindi ko na siya pinipigilan. Mukha naman talaga akong tanga kanina.
"Ang maganda lang sa nangyari, parehas na tayong madedetention!"
Sobrang saya niya talaga. Lalo na kanina. Ang bilis kase. Pinatawag kaagad ako ni Mr. Bernardo. Mabuti na lang at paborito niya ako kaya naman isinama na lang niya ako kay Luke sa detention.
"Pero seryoso Keegan. Sino si Faith?"
Dahil sa tanong niya ay tuluyan na niyang naagaw ang atensyon ko. Nasa waiting shed kase kami sa tapat ng school. Anong oras ba 'to susunduin ng tatay niya? Pasensyahan na lang talaga kung maabutan siyang may pasak na sapatos sa bibig.
BINABASA MO ANG
Station Four
Short StoryKeegan Leighton Mortel is a plain boy who just started living his new life in Manila. Simple lang talaga ang plano niya. Mag-aral, pagkatapos ay magtrabaho para sa mama niya. But when he saw this girl, whom she named Faith in a bus station ay nagkar...