KABANATA I

16 0 0
                                    

KABANATA I

"And Cinderella and her prince lived happily ever after." Sabi ng mama ni Evelina sabay sara ng storybook. Marahang hinaplos ng mama niya ang buhok nito upang makatulog na.

"Mommy? May prince rin po ba ako?" Sabi ng batang si Evelina ng nakapout.

"Oo naman baby. Pero bata ka pa ha? You're only 10 years old kaya wala pang dumarating." Nakangiting sabi ng kanyang ina rito habang patuloy na hinahaplos ang buhok nito.

"Eh mommy bat ganon? May nagkakacrush na po sa akin?"

"Haha. Ganon talaga pag maganda ka anak. Pero may crush ka ba?" Tanong nito.

"Opo. Si Salvatore po." Sabi ng bata na walang pagaalinlangan habang nilalaro ang mga daliri nito sa kamay. Napabalikwas naman ang Mommy niya sa gulat.

"Talaga anak? Pero walang boyfriend boyfriend ha?"

"Siyempre naman po," sabi nito hanggang sa hikabin na ito. "Mommy, tabi tayong matulog ha? Antok na po ako."

"Oh sige tulog na. Dream high. Aim high. Sana mapanaginipan mo ang prince charming mo ha? Good night baby." Sabi ng mommy niya sabay higa sa tabi nito at halik sa kanyang noo.


WHERE DID PROMISES BEGAN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon