Jessica Margarett Galanza Wong
Nandito ako sa salas ng bahay namin sa Laguna. Hinihintay ko si Deanna.
Sabi niya pupuntahan lang daw niya yung building na binigay ni Daddy.
Kanina pa yun umalis eh. After lunch umalis na siya. Mag-a-alas nuwebe na wala pa din.
Nagpahuli na nga ako kumain kakahintay sa kanya.
Pero kumain na rin ako ng alas otso. Kung di ako buntis hihintayin ko siya talaga.
Kaso hindi ako puwedeng malipasan ng gutom.
Pag nag alas diyes na at wala pa siya gigisingin ko na sila Papa.
Hahanapin ko na siya.
Na-drain na rin battery niya kakatawag ko.
Nilibang ko na lang ang sarili ko sa panonood ng videos sa youtube habang hinihintay siya.
9:25 nang marinig ko ang kotse. Agad akong tumayo. Pagbukas ko ng pinto ay ginagarahe na ni Deanna ang sasakyan.
Gusto ko siya tanungin kung,
Bakit ang tagal niya?
Saan siya nagpunta bukod sa building? kasi antagal naman kung doon lang eh wala namang tao dun,
Anong nangyare?
Pero ang nasabi ko na lang
"Love kumain ka na ba? Paghahain kita."
Haay, salamat sa Diyos andito na siya.
Mukha naman di siya nasaktan. Madumi lang yung damit niya. Puro alikabok. Halata kahit black ung tshirt na suot niya.
"Tapos na."
Ah okay. Buti na lang pala kumain na ko.
Dumeretso na siya sa kuwarto. Sinara ko muna yung bintana at pinto bago ko sumunod sa kanya.
Nasa banyo siya pagpasok ko. Naririnig ko yung lagaslas ng tubig.
Humiga na ako. Pinagpatuloy ko lang yung pinapanood kong video habang hinihintay siya.
Antagal naman..
Antagal talaga...
.....
"Gising na."
Pagmulat ng mata ko, nakabihis na siya.
"Natulog ka ba Love? Nakatulog na ko nang di ka pa rin lumalabas ng banyo kagabi ah." sabi ko kay Deanna.
"Bilisan mo magbihis. After breakfast aalis na tayo." sabay labas ng kuwarto.
Di naman sinagot yung tanong ko.
......
Nandito na kami sa SLEX, iniisip ko kung ano ba nangyayare..
Bakit ang tahimik niya.
Kanina sa bahay sumasagot lang pag may nagtanong.
Tapos di niya ako kinakausap.
May nasabi ba ko?
May kagalit ba siya?
Napapanisan na ko ng laway dito ah.
"Love," sabi ko...
"Hmmm..." ayun lang sagot niya.
"Kamusta yung building? Okay ba?
Kahit ba bago ang building pwedeng may multo agad?" sabi ko...