Chapter 17

2.2K 73 18
                                    

"Oh hi Jema! Where's Deanna?"

Sabi ni Mommy sa akin. Pagbukas niya ng pinto, niyakap niya ako at napansing di ko kasama si Deanna.

"Sunod na lang daw po siya. May tumawag kasi sa kanya at biglang nagpaalam at umalis. Mauna na daw po ako dito."

"I see. By the way, how's your check up?" tanong niya.

"Okay lang po Mommy. Mabuti naman po kami ni baby." sabi ko.

Nakangiti lang siya sa akin.

"Can I touch it?" sabay turo sa tiyan ko. Tumango ako at ngumiti.

Tumabi siya sa akin at hinawakan ang tiyan ko.

"You know, every time I was pregnant, I wont let anybody touch my tummy. Suplada ako. One time I slapped someone's hand. Bigla kasi hinawakan ang tiyan ko, we're not even close. I was the epitome of maldita when I'm pregnant."

Nakatingin pa siya sa akin habang naaalala niya yung experience niya.

Ako hindi naman. Wag lang siguro yung masasaktan ako. Yung tipong mangungurot o manghahampas, nako baka ma-spike ko talaga.

"Are you sure Jema you don't want any specific design para sa bahay niyo? Ikaw kasi ang ilaw ng tahanang yun. Baka may personal preference ka." tanong ni Mommy sa akin.

"Wala po Mommy. Kayo na po bahala. Maganda po yung design nung bahay sa Cebu kaya alam ko pong maganda rin ang kalalabasan nun." sabay ngiti.

Napangiti lang din siya sa akin.

Minsan sipsip din ako eh. Hahaha

Sa totoo lang wala akong alam sa mga ganun. Di naman ako lumaking mayaman.

Simple lang bahay namin sa Laguna.

Yung dingding ng second floor namin ay gawa sa tabla. Tapos yung bintana namin gawa sa capiz.

Ayun lang kasi ang kaya ng magulang ko noon. Pero para sa akin tahanan yun. Ang mahalaga ay masaya ang nakatira, nagmamahalan.

Sabi ni Deanna nung una ko siyang dinala dun, ang ganda daw nung ancestral house namin.

Natawa na lang ako sa kanya nun eh. Di naman namin yun minana. Yun lang talaga ang kaya ng pera.

Sa akin basta may bubong, dingding, banyo at kusina ay okay na yun.

Nagpaalam ako sandali para magbanyo.

Pagkatapos ay tinawagan ko si Deanna. Nagri-ring lang ang phone niya.

Tinext ko na lang na andito na ko.

.....

7:00 pm na.

Ano na naman ba nangyari dun?

Andito na rin si Daddy.

Sabi ni Mommy kumain na daw kami at magse-save na lang siya para kay Deanna.

Kumain na lang din ako kahit na wala akong gana.

Nagaalala ako. Huli siyang nawala ng di ko alam kung saan nagpunta ay away ang kinalabasan.

Bigla ko rin naalala si Vince.

Maya-maya ay nagpaalam na rin akong umuwi.

Hinatid ako ni Daddy at Mommy. Gamit kasi ni Daddy ngayon ang kotse ni Deanna. Yung sa akin ang gamit namin kanina nung nagpacheck up at ngayon ay dala ni Deanna.

Hinatid nila ako hanggang sa loob ng condo. Chineck nila kung andito na si Deanna.

Wala pa rin siya.

Is It Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon