8.6 [E]

6.6K 188 8
                                    

Part 6.

Bianca's POV

It's Saturday today and may plano akong mamili ng isusuot ko mamaya. We're going to UB later!!!

"Just the same contact lens and the wig," sagot naman sa'kin ni Cha nung tanungin ko siya kung may ipapabili ba siya sa'kin.

Yung taong-bahay talagang 'yun, hindi man lang ako inalok na samahan!

"How about your tiara?" tanong ko kasi ang tanda ko sinira na niya 'yun. "Kasya pa rin ba sa'yo ang jacket mo?"

"Tanda mo ba 'yung jacket na binigay mo sa'kin nung birthday ko last year?" sabi naman niya. "Itim naman din 'yon kaya 'yun na lang isusuot ko. Nasa cabinet ko lang din naman 'yon."

"Sure ka, 'yun lang talaga ang ipapabili mo sa'kin?" paninigurado ko. "Baka mamaya manghiram ka sa'kin ng sapatos ha. Iba ang size natin!"

"Oo, 'yun lang," sagot naman niya. "Sige na, kinukulit na ko ni Gosu sa text."

Binaba na niya 'yung tawag kaya nag-ayos na ko.

Ang buhay single talaga madalas nakakalungkot!

Narinig ko namang nag notif ang cellphone ko kaya tiningnan ko agad 'yun.

Pagkita ko, nagchat pala sa'kin si Ji ng: "Morning"

Ayihhh siya ang unang nagchat!!!

Sinubukan ko kasi siya i-chat dati tapos nagreply naman siya. Tapos, gumawa pa nga siya ng topic para magtagal 'yung usapan namin na 'yon!

At dahil witty ako, siyempre nagtagal nga ang pag-uusap namin! Mabilis din kasi ako magreply eh!

Syempre may crush bang pinaghihintay?

Pero... Crush niya na din kaya ako?

Madalas ko kasi siyang makitang nakatingin sa'kin tapos napapansin ko lagi niya akong tinatanong at kinakausap pag nakikita niya ko.

Madalas din siyang magreact sa mga shared memes ko.

Sa palagay niyo ba crush niya na ako?

"Ate, wala ba kayong mas light na brown kesa dito?" tanong ko.

"Blonde na 'yung sunod," sagot naman niya.

Actually, kung hindi niyo alam, color mahogany 'yung wig na ginagamit ko dati. Kaso, parang gusto kong ibahin at gawing brown naman this time.

Kung tinatanong niyo naman kung bakit kami nag-iiba pa ng itsura nung gangster pa kami— well, trip lang talaga namin 'yon.

Sabi din kasi ni Cha, mas maganda na daw 'yung hindi alam nung iba kasi baka daw nakawan sila sa bahay.

Matapos ko namang makabili ng wig namin ni Cha, dumiretso naman ako sa bilihan ng contact lens.

Wala pa naman ding grado ang mata ni Cha kaya madali lang din talaga ako nakabili. Bumili din naman ako ng kulay sea green na contact lens para sa sarili ko.

Sumakay naman na ako papunta sa mall para bumili ng damit. Hindi na kasi mga kasya 'yung damit ko dati na sinusuot. Kailangan ko pa ngang hanapin 'yung cap badge na may logo namin kasi 'yun 'yung requirement sa UB; dapat may logo na suot para makapasok.

Paikot-ikot lang ako sa mall para makita ang perfect jacket for me nang may marinig akong pamilyar na boses.

"It suits me, right?" rinig kong sabi ng isang babae.

Napatingin tuloy ako sa dako kung san ko narinig 'yun.

Nakita ko 'yung kaklase naming si Pamsy. Suot-suot niya ang isang pink jacket, black-colored tube underneath saka ripped pants na black with pink accessories.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon