CHAPTER 1

33 2 0
                                    

CHAPTER 1

JOANA'S POV

First day? Joke hinde. Nung june pa unang araw ng pasukan. Wala akong masabi kaya wala kayong pake kung ano nilalaman ng utak ko.

"Hoy bugak ano na naman dinedey-dream mo?" Inis kong nilingon ang talipadas na nag salita.

Walangya si ella lang pala.

"Maka bugak ka ah? Ganda ka?" Sarkastikong sabi ko. Tumawa lang ang luka at nag lakad na.

Oo hindi first day pero parang bago ng bago para sakin ang lahat. Nag lalakad kami ngayon papunta sa room namin. Kung bakit ba kasi sa dulo nilagay ang room namin tek.

Para lang sa kaalaman niyo ay napaka lawak ng eskwelahan namin at sa sobrang lawak tatamadin ka mag aral. Ang nakakainis pa e nilagay sa dulong building ang room ng SPA.

(SPA: SPECIAL PROGRAM IN THE ARTS. Ang SPA ay samahan ng may iba't-ibang talento. Music, Theatre, media arts at Dance
PRONOUNCIATION: ES-PI-EY)

Member ako ng SPA at sa dance ako naka bilang.Hindi naman sa pag mamayabang pero isa ako sa pinaka-MAGALING na miyembro ng dance.

Nag lalakad lakad pa ako ng biglang tumirik ang araw. Langya naman oh! Iitim ako men. Tatakbo na sana ako ng may mabangga ako. Sa kamalas malasan napaupo kami pareho ng nabangga ko.

"A-ano ba? Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaan mo!" Biglang niyang sigaw pag katayo niya.

WTF?!

"At ikaw ay nakatingin?!"namamangha na sabi ko "look..kung hindi man ako nakatingin e kung nakita mo ako sana lumihis ka na edi hindi na sana tayo nag kabangga wag ka ngang engot" inis na sabi ko at pinagpagan ang palda ko.

'Buset na to late na nga ako inaartehan pa ako'

"Tek. Ikaw pa may ganang magalet e ikaw tong tatanga tanga!" sigaw pa ulet niya.

"A-anong--hoy! Maka tanga ka kala mo naman ke talino mo!"badtrip to!

"Alam mo bang sinisira mo ang vlog ko? Tsk! Mga babae talaga epal kahit kailan"

"Ha! Epal? Pero hinaharap mo sakin camera mo? Wag ka ngang tanga" inis na sabi ko

'Gwapo sana walangya naman tek'

"A-anong hinaharap? Sabihin mo sinadya mong banggain ako dahil abnormal ka at gusto mong umepal sa vlog ko. Panira ka ng araw alam mo ba yun?"

'Bugnutin amputs'

"Ako pa? Ako pa talaga ang panira ng araw? Baka naman sa sobrang lakas ng pag kakabangga mo sakin e naalog ang utak mo?" Sarkastikong sabi ko.

'Walanghiya kahit mainet makikipag-away ako hindi lang naman ako ang maputi siya din'

"Alam mo bang pag napanuod to ng viewers ko ay mababash ka dahil sa ginawa mo sakin?"

" e ano bang ginawa ko sayo? Nag kabanggaan tayo hindi kita binangga wag kang obob. Sana wala ng manuod ng video mo dahil sa sama ng ugale mo!" Sigaw ko.

"H-hoy! Foul yun loko ka wah" nginisihan ko lang siya.

"Tek. Sana wala din manuod ng laban niyo dahil sa ugale mo magaslaw ka naman sumayaw!" Balik sigaw niya. Nanlaki naman mata ko.

"Excuse me!? Baka ako center samin anong magaslaw?! Watch your word!" Inis na sigaw ko.

"Hoy mga abno baka gusto niyong sumilong at maaraw? Alam kong hindi kayo tinatablan niyan pero wag kayo pasikat!" Sigaw ni sandy kasamahan ko sa sayaw.

Imbes na makipag sigawan pa sa hambog na feeling vlogger sumabay na lang ako kay sandy.

"Hoy! Ano natakot ka?!" Sigaw pa ng hambog.

Vlogger And IWhere stories live. Discover now