CHAPTER 2
JOANA'S POV
Kakauwi lang namin galing Mall. Sa labas na kami kumain kasi TINATAMAD daw mag luto si mama.
'May pinag manahan ako ng katamaran'
"Joana kamusta naman ang pag aaral mo?" Biglang tanong ni papa.
"Okay naman po" sagot ko.
"Hmm....panong okay? Baka naman puro pag sasayaw lang inaatupag mo?" Makahulugang sabi ni papa.
Kinabahan naman agad ako. Minsan lang ako tanungin pero kapag nag tanong na sigurado aabutin ng oras hanggang hindi satisfy sa sagot ko.
"H-hindi naman 'pa pinag bubutihan ko naman po at hindi lang dance ang inaatupag ko sumasali parin po ako sa mga journals" sabi ko. Kinakabahan talaga ko kapag gantong masinsinang usapan e.
"Oh? Nag uusap pa kayo? Bukas na yan Jorge gabi na may pasok pa si joana bukas" sabi ni mama at kinindatan ako.
'Dabes talaga si mama'
"Hmm tinanong ko lang siya about school sige na joana umakyat ka na at matulog may pasok ka pa bukas" sabi ni papa kaya naman umakyat na ako.
Inaantok na din ako dahil napagod ako ngayong araw.
Nag linis muna ako ng katawan bago nahiga at natulog.
*K*I*N*A*B*U*K*A*S*A*N
//YEAH YEAH YEAH BLACKPINK IN YOUR AREA YEAH YEAH YEAH//
Anak ng... napaka lakas naman ng tugtog nayun. Pag mulat ko ng mata ay napahilamos agad ako ng muka. Kill this love nga pala ang sinet kong alarm tone dahil sa lakas ng trumpet epek.
(Alarm tone ko kasi yun ~skl~)
At dahil 5:45 na at 7:30 pa pasok ko na ligo na ako. Mabagal ako kumilos tiyak na aabutin ako ng alas syete sa dami kong ka-ekekan sa katawan.
After 30 minutes....
Nakabihis na ako pero hindi pa ako nakakain -.-
'sabi ko naman sainyo mabagal ako kumilos.
Pababa na ako ng marinig ko sigaw ni mama.
"JOANA ROSE!! NANDITO NA KAKLASE MO BILISAN MO DIYAN" sigaw ni mama.
"Pababa na po!" Sabi ko at nag mamadaling bumaba. Shet dipa ako nakakain nak ng...
"Mama sa canteen na lang ako kakain" sabi ko.
Tumango siya at inabutan ako ng pera. Nays walang dagdag :<
Lumabas na ako at nakitang nandun na sila sa sasakyan at wala akong pwesto
o_O <-- itsura ko habang sinisilip yung loob ng sasakyan.
"Saan niyo naman ako balak papwestuhin? Sa bubong?" Inis na sabi ko.
"Hinde kumagat ka sa gulong " sabi ni rommel na kinatawa ng lahat.
"Hahahahahaha loko ka rommel" tumatawang sabi ni ella.
Sinamaan ko siya ng tingin nag peace sign lang naman siya.
"Dito ka sa tabi ko alam mo namang ito pwesto mo mag tatanong ka pa abnormal ka talaga" sabi niya pa at inirapan ako
'Napaka inet naman ng ulo nito?'
S*C*H*O*O*L
Nag babaan kami at nag bayad kay kuya ng saktong halaga. Dati kasi kapag hindi ko na kinukuha sukli ko kay kuya kinukuha pala ng bakla kaya from now on saktong halaga para sa kanya.
