CHAPTER 3
JHELDRIN'S POV
Hinatid ko muna si alyana sa room nila bago ako umalis. Hindi ko na sinulyapan pa yung loob ng room baka mas lalo lang uminit ulo ko kapag nakita ko yung maarteng babae.
Wala na kong na videong maayos dahil sa babaeng yun.
"Drin bilisan mo mapapagalitan tayo ng aysis" natawa ako sa sinabi ni kevin. Aysis tawag namin sa mga terror na lec.
"Gago ka kapag narinig ka nun" natatawang sabi ko.
"Jheldrin!!! Kumag musta?" Si cherry na kasama si rochelle.
"Sopog"
"Maupayyyyy"
"Ang mga ebooon~~"
Kanya kanya kami ng asar kay cherry. Loading kasi lagi kaya kung ano ano nalalaman haha.
"Tanga mark kapag sinama mo kami sa vlog mo sisikat ka " pang uuto pa sakin ni cherry.
'Abnormal talaga'
"Hoyy baka naman gusto niyo pumasok?"sarcastic na sabi ni jeimee. President at girlfriend ni kevin.
"Y intercept na imeng?" Painosenteng tanong ni rochelle na umani ng tawanan samin.
"Hoyy mga sopog Ha Ha Ha Ha" napalingon kami sa bagong dating.
"Si justine napaka ingay mo" si cherry na masama ang tingin kay justine.
"Pre" sabi ko at nakipag apir.
Sabay sabay kaming pumasok para sabay sabay din kung mapapagalitan nga.
"Itago mo yang camera mo!" Sigaw agad sakin.
Tinago ko na agad bago pa magalit ng tuluyan.
D
I
S
C
U
S
S
Next subject.
Lumabas na kami ng room at lumipat sa katapat na room. Shet yung camera ko! Agad kong nilabas at pinunasan baka magasgasan.
Sinet ko agad at nag simulang mag video.
"Alam niyo ba mga alagad na sinira na naman ng babaeng maputi na yun yung araw ko? Kung hindi niyo naitatanong e siya yung dahilan kung bakit nag ka gulo gulo yung video kahapon para sa tour ko sa inyo sa school" kwento kwento ko pa sa harap ng camera.
Syempre kailangan alam mo ang koneksyon mo at ng subscriber mo. Kaya kahit muka kang tanga na kinakausap ang camera okay lang.
"Yow wassup"
"Oh my god ang cute ko"
"Nakaka video yan?"
Ilan lang yan sa pam bubwiset sakin nila justine.
Kanya kanya sila ng singit sa harap ng camera ko.
Inis kong nilayo yung camera sa kanila.
"Ano ba?! Nakita niyong nag vivideo ako e" banas na sabi ko at pinatay muna yung cam.
"Tsh! Para tinatry lang e arte mo mark" sabi ni cherry.
"Hahaha itsura ni cherry" tawang tawang sabi ni jeimee. Natawa din ako dahil sa muka ni cherry. Kala mong naapi.
"Okay lang yan boo kiss na lang kita" pang aasar pa ni Rochelle.
Paputol putol pag vivideo ko. Mahihirapan si kuya gelo mag edit dito.
