CHAPTER 1

3.8K 99 26
                                    

Ace: Hi, guys! And I am back!!!! ^_^ so since kalasalukuyan akong nawiwindang sa pagsusulat sa The Sinners Book 2: WRATH, heto po muna ang isang series pa na sinusulat ko rin. ^_= sana po magustuhan ninyo ang kuwento ng VIGILANTES.
----------------------------------------------

NAPAHINTO si Archer sa pagsuntok sa punching bag nang marinig ang pagtunog ng cellphone niya. Pansamantala siyang huminto sa ginagawa at kinuha ang isa sa dalawang cellphone na nakapatong sa may bench. Kahit hindi niya makita ang pangalan ng caller ay may hinala na siya kung sino ang tumatawag sa kanya. Iilan lang din ang may alam sa number niyang iyon. Hindi nga siya nagkamali nang makita ang pangalan ng caller.

“Jay.”

“Good afternoon, Archer,” bati sa kanya ni Marjayrie. “Gusto ko lang ipaalam sa inyo na may bago tayong target.” Narinig niya ang tunog ng pagta-type nito sa keyboard sa kabilang linya. “I’ll be sending you all the details for review. Pati na ang mga taong konektado sa target ay isinama ko na rin ang profile. Pinaverify ko na rin ang ilang mga detalye ng reports kay Earl.” Ang binanggit nito ay ang isang kasama nila. “Nakakuha rin siya ng ilang impormasyon tungkol sa target natin.”

Tumango siya. “I-update ko kayo pagkatapos kong mareview ang mga ibinigay mo sa akin. Pero bigyan mo na rin ng kopya ang mga kasama natin.”

“No problem, Sir.”

“Okay, see you, brat.” Napailing siya ng hindi man lang ito magpaalam bago tapusin ang tawag.

Tiningnan niya ang oras sa wall clock. Pasado ala-una na ng hapon at kailangan na niyang maghanda sa pagpasok niya sa CLASSICS – isang restaurant na pagmamay-ari niya.  

Mabilis siyang lumabas ng gym na nasa ibaba ng bahay niya at dumeretso sa banyo para maligo. Habang nasa ilalim ng shower ay biglang bumalik sa isip niya ang sinabi ni Marjayrie na may misyon sila. Tumingala si Archer at hinayaang tumulo ang tubig sa mukha at katawan niya. Ramdam niya ang pagdaloy ng dugo niya dahil sa excitement. 

Bukod sa pagma-manage ng restaurant ay miyembro rin siya ng isang sikretong grupo na ‘VIGILANTES.’ Their group is formed and trained to ‘clean’ the society. Limang taon ng nag-ooperate ang grupo nila. Kadalasan ng mga misyon nila ay iyong mga kaso na hindi pa rin nabibigyan ng hustisya dahil kung hindi maimpluwensiyang tao ang involved ay ginagamit ng mga ito ang pera para takasan ang mga kasalanan. Ang pangunahing misyon ng grupo nila ay mabigyan ng hustisya ang mga naaapi at ang maiparamdam sa mga tao na may nagbabantay sa mga ito. Lalo sa panahon ngayon na kaliwa’t kanan ang mga krimen.  

Hindi naman sila pumapatay ng target kung hindi lang din naman kailangan. Ang katwiran nila, kailangang pagdusahan ng mga kriminal ang kasalanan ng mga ito. Masyadong maagang parusa ang kamatayan sa mga taong sumisira sa buhay ng ibang tao. Nangongolekta sila ng mga impormasyon at mga ebidensiya at ipinapasa iyon sa kinauukulan.

Dahil na rin sa naging successful ang mga misyon nila at nananatiling lihim ang identity nila ay binansagan sila ng media bilang VIGILANTES. Dahil wala naman silang maisip na ipangalan sa grupo nila ay iyon na rin ang itinawag nila sa sarili. Kaya naman kapag nagbibigay nang impormasyon si Marjayrie sa mga pulis ay nilalagay nito ang pangalang ‘VIGILANTES.’

Anim silang miyembro ng Vigilantes at tulad niya ay may kanya-kanya ring pinagkakaabalahan ang mga kasama niya kapag wala silang mga misyon. Walang nakakaalam sa tunay nilang pagkatao maliban kina Almario Trinidad na tinatawag nilang ‘Ninong,” at ang ilang tauhan nito. Si Ninong ang bumuo sa grupo nila at ang kumupkop sa kanilang anim. 

Namatay sa isang mascre ang asawa at anak ni Almario Trinidad. Kaya ipinangako nito sa mag-ina na gagawin nito ang makakaya para hindi na maulit sa ibang tao ang nangyari rito.

VIGILANTES BOOK 1: Archer (The Leader)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon