TATLONG araw na ang nakalipas noong nangyari ang insidente sa pagitan ni Fei at Louie. Sa totoo lang ay nakakaramdam pa rin ng takot si Fei kapag nag-iisa na siya. Lalo na at hindi pa rin nahuhuli si Louie. Pero pinapalakas niya ang loob. Ipinagpasalamat niya na laging nasa tabi niya si Archer.
Pumapasok din siya sa ospital dahil ayaw niyang ikulong ang sarili niya sa bahay. Wala ring nakakaalam nang nangyari sa kanya dahil ayaw niyang mag-alala ang mga ito sa kanya. Siguro naman ay hindi siya masasaktan ni Louie kapag nasa ospital siya.
May mga pulis rin na pansamantalang nagbabantay sa kanya sa labas ng bahay niya. Si Archer mismo ang kumumbinsi sa kanya na magkaroon ng bantay. Hindi na natuloy si Archer sa business trip nito. Kulang na nga lang ay talian siya nito para lang hindi siya maalis sa paningin nito. Her feelings for Archer seems to grow each day. Nakikita niya ang effort nito na libangin siya para maalis sa isip niya ang nangyari.
Tulad ng araw na iyon. Sinundo siya ni Archer para yayaing mag-movie marathon sa bahay nito.
Nagpirisintang gumawa ng meryenda si Fei para sa kanilang dalawa habang kumukuha ng kumot si Archer dahil naisipan nilang sa may living room na lang manuod at malamig dahil na rin sa pag-ulan.
Naabutan niya si Archer na nakaupo sa carpeted na sahig. Mukhang naisalang na nito ang DVD. wala Inilapag niya ang dalang tray sa may coffee table na itinabi ng binata.
“Halika, maupo ka rito.” Tinapik nito ang espasyo sa pagitan ng mga hita nito.
Nanatiling nakatingin si Fei kay Archer. Napalunok siya bago pumuwesto nang upo sa pagitan ng mga hita nito. Naramdaman niya ang pagpatong ni Archer ng kumot sa balikat niya. Napasinghap siya nang hapitin siya nito pasandal sa katawan nito.
Fei sighed with contentment as she relaxed on Archers arms. Nahigit niya ang hininga nang ipatong nito ang baba sa balikat niya. Magkadikit ang pisngi nilang dalawa. Iniyakap din nito ang braso sa tiyan niya.
Ramdam niya ang init na nanggagaling sa katawan nito. And it feels good. Dahil sa lamig na hatid ng ulan ay masarap sa pakiramdam ang init na nangmumula sa kumot at sa katawan ni Archer.“Okay lang ba sa iyo ang ganito?” tanong sa kanya ni Archer.
Tumango lang si Fei bilang sagot. Sinubukan niyang ituon ang atensiyon sa pinapanuod pero parang kusang pumipikit ang mata niya. Naramdaman niya ang tuluyang paghila sa kanya ng antok.
Naalimpungatan si Fei nang makarinig ng sunod-sunod na pagtahol.
“Shh… Huwag kang masyadong maingay at baka magising siya.” narinig niyang bulong ni Archer. Even when half asleep, she can still recognize his voice.
Ilang beses na napakurap si Fei nang salubungin ng dilim. Tanging mga side lights lang ang nakasindi. Napatuwid siya ng upo ng marealize na nakasandal pa rin siya kay Archer. Nilingon niya ito. “Sorry nakatulog ako.”
“It’s okay,” nakangiting sabi nito habang inuunat ang mga braso. Nakaramdam siya ng guilt dahil mukhang namanhid ang braso nito.
“Ilang oras ba akong nakatulog?”
“Almost three hours din yata.”
Mas lalo siyang na-guilty. “Dapat ginising mo na ako kanina para hindi namanhid ang braso mo.”
Natigilan siya nang iipit nito sa likod ng tainga niya ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha niya. “Don’t worry about me, Fei. Hindi kita ginising kasi I prefer having you in my arms.”
“Archer…”
He was deep in her system. Napansin niya na hindi pa rin tumitigil ang ulan. Parang mas lumakas pa iyon kesa kanina.
BINABASA MO ANG
VIGILANTES BOOK 1: Archer (The Leader)
Roman d'amourArcher Dominguez is the type of man who plans everything before taking action. Bilang leader ng grupong VIGILANTES ay kailangan niyang siguraduhin na plantsado ang lahat ng bagay. Dahil isang maling galaw lang ay hindi lang siya ang puwedeng mapaham...