PASADO alas tres ng madaling araw ng magpasyang bumangon si Fei. Iyon ang araw na magkakaroon ng feeding program si Archer. Ilang beses na rin siyang nagpalit ng damit hanggang sa makuntento na siya sa suot na itim na T-shirt, skinny jeans at gray na jacket. Ipinusod niya ang buhok at nag-apply lang ng pink na lipstick.
Saktong alas kuwatro ng madaling araw nang makarinig siya ng humintong sasakyan sa labas ng bahay. Sumilip siya sa bintana at ganoon na lang ang pagbilis ng tibok ng puso niya nang makita si Archer. Mabilis siyang umalis sa may bintana at inayos ang buhok. Gusto niyang kurutin ang sarili dahil para matauhan siya.
Napatuwid siya nang tayo nang makarinig nang katok sa pinto.
“Good morning,” nakangiting bati ni Archer pagbukas niya ng pinto.
Nagkatinginan sila ni Archer at sabay na natawa. Pareho kasi ang kulay ng suot nilang damit. “Hindi ko alam na nag-usap tayo ng damit na isusuot,” natatawang sabi niya habang kinukuha ang back pack sa sofa. Nagulat pa siya nang kunin iyon sa kanya ni Archer at ito na mismo ang nagbuhat ng bag niya.
“Maybe its connection?” nakangiting sabi nito. “Are you ready to leave?”
Pagbukas niya nang pinto ng passengers seat ay natigilan si Fei nang makita ang isang maliit na thermos. Kinuha niya iyon bago sumakay. “Please, sabihin mong kape ang laman nito,” sabi niya kay Archer nang makasakay ito.
Natawa si Archer. “That’s coffee.”
“Pwede makiinom?” bigla siyang nag-crave ng kape. Dahil sa excitement niya kanina ay nakalimutan niyang uminom ng kape.
“Ginawa ko 'yan para sa iyo. Naisip ko na baka gusto mo ng kape lalo na at maaga tayong aalis.”
Ang aga pa para kiligin si Fei. Bakit ba kasi ang sweet ni Archer sa paningin niya? Hindi tuloy niya maiwasan ang sarili na mahulog pa lalo ang loob niya sa binata lalo na at ganito ito ka-thoughtful.
Halos maubos ni Fei ang laman ng thermos. Ganoon ang timpla ng kape na gusto niya at hindi niya alam kung paano iyon nahulaan ni Archer.
Pagdating nila sa may Luneta Park ay may ilang tao ang lumapit sa sasakyan nila. Halos mga taong kalye ang mga nandoon. Mukhang kilala rin ng mga ito ang binata base sa pagbati ng mga ito. Binuksan ni Archer ang likod ng dalang sasakyan at tumambad sa kanya ang maraming paper box na may lamang pagkain at dalawang malaking kaldero. Kahit siya ay biglang nagutom nang maamoy ang mabangong aroma ng arozcaldo.
Disiplinado ang mga tao na pumila. Si Archer ang nagbibigay nang mga pagkain at siya naman ang taga-abot ng bottled water. Nasa lampas singkuwenta ang mga pumila para sa libreng pagkain ni Archer.
“Ate, ang suwerte po ninyo kay Kuya Archer, mabait po 'yan,” sabi ng isang lalaking teenager. Pakiramdam ni Fei ay namula ang mukha niya sa sinabi nito. Akala siguro nito ay girlfriend siya ni Archer. Bago pa siya makapagkaila ay ginulo na ni Archer ang buhok nito. “Ang mabuti pa, kumain ka na lang.”
Inabutan siya ni Archer ng isang styro bowl na mayroong arozcaldo pagkatapos nitong bigyan ng pagkain ang huling ‘kliyente’ nila. Tinaggap niya iyon. Dahil nawala na ang ilang mga gamit ay nagkaroon siya ng puwesto para makaupo sa likod ng nakabukas nitong sasakyan habang ito naman ay nanatiling nakatayo
“Anong oras gumising ang mga staff mo para magluto?” tanong niya dito sa pagitan ng pagkain.
“Malamang masarap pa rin ang tulog nila ngayon,” natatawang sagot ni Archer.
“E sino ang nagluto ng lahat ng ito?” kunot-noong tanong niya.
“Ako ang lahat nang nagluto ng pagkain.”
BINABASA MO ANG
VIGILANTES BOOK 1: Archer (The Leader)
RomanceArcher Dominguez is the type of man who plans everything before taking action. Bilang leader ng grupong VIGILANTES ay kailangan niyang siguraduhin na plantsado ang lahat ng bagay. Dahil isang maling galaw lang ay hindi lang siya ang puwedeng mapaham...