Chapter 10

1.2K 57 8
                                    


“WE’RE READY,” narinig ni Archer na sabi ni Earl mula sa wireless headset nila. Kasama nito si Hunter na nasa kabilang panig ng property ni Ronnie Zamora. 

“Ready,” report ni Zai na nakapuwesto sa may kakahuyan na nagsisilbing back up nila. She is their sniper. Habang magkasama naman sila ni Charity. Si Marjay naman ay naiwan sa van na nakatago sa labas ng property ng mga Zamora at nagsisilbing surveillance nila.

Tinanguan niya si Charity na gumanti nang tango sa kanya. Mabilis silang gumalaw sa damuhan papunta sa villa ni Ronnie Zamora. Malapit na sila sa may villa nang makita ang pagbagsak ng isa sa mga bantay. Zai was using a silencer on her gun.

Pinagmasdan niya ang paligid. Nang walang makitang tao ay kinuha nila ang dalang lubid na may hook sa dulo at inihagis iyon sa railing ng second floor. Maluwag ang security nina Zamora.

Si Charity ang naunang umakyat sa lubid. Dahil sa ilang taong training nila ay naging madali na lang sa kanila ang pag-akyat sa lubid. Nang masigurong walang kalaban ay sinenyasan siya ni Charity na puwede na siyang umakyat. Bsae sa kuwartong napuntahan nila ay opisina iyon ni Ronnie Zamora.
Gamit ang dalang penlight ay sinuyod niya ang paligid. Mabilis na nagpunta si Charity sa likod ng mahogany table at nagsuot ng gloves bago maingat na buksan ang drawers. Pumuwesto naman siya sa may pinto at pinapakiramdaman kung may mga parating.

Narinig niya ang mahinang pagmumura ni Charity nang malamang naka-lock ang mga drawers. Mula sa buhok ay kinuha nito ang isang hair clip at ginamit iyon pambukas ng lock. Napangisi ito nang mabuksan ang mga drawers. Kinuha nito ang ilang journals na nandoon at mabilis na binasa ang ilang laman.

“Dammit!” mahinang bulalas ni Charity. Nagtataka ang mga matang tiningnan niya ito. “Wala rito ang mga hinahanap nating ebidensiya.”

Nilapitan niya ito at tiningnan ang mga nakasulat doon. True enough walang anumang nakasulat doon na puwedeng maging matibay na ebidensiya laban sa pamilya ni Louie. Mabilis niyang iginala ang mga mata sa paligid. There must be some hidden vault inside this office.

Kung siya si Ronnie Zamora, ay hindi siya maglalagay ng importanteng dokumento sa drawer na madaling makita. “Check the wall, Cha,” aniya dito.

Lumuhod siya sa tapat ng mahogany desk at sinilip ang ilalim ng lamesa. Baka mayroong clue ang magtuturo sa kanila kung saan nakatago ang vault. Natigilan siya nang may makapang kakaiba sa isang tile. Diniinan niya iyon at sa pagkamangha niya ay umangat ang tile.

“Binggo,” nakangiting sabi ni Archer nang bumungad sa kanya ang isang vault na ang password ay nangangailangan ng finger print.

Pansamantala umalis si Archer sa ilalim ng desk at may kinuha sa bulsa ng suot niyang camouflage na pants. Isa iyong plastic strip kung saan nakalagay ang finger print ni Ronnie Zamora. Nakuha iyon ni Charity nang magpanggap itong waitress sa isang restaurant kung saan palaging nagpupunta ang target nila. Idinikit niya ang plastic strip sa daliti at inilagay sa scanner.

Naramdaman niya ang pagtulo ng pawis mula sa noo habang hinihintay na i-read ng scanner ang fingerprint. Dinig na dinig ni Archer ang kabog ng dibdib niya. Nakahinga siya nang maluwag nang bumukas ang vault. Mabilis niyang kinuha ang mga folders at inabot iyon kay Charity. Mabilis nila iyong binasa.

“Nandito na ang lahat ng kailangan natin, Archer,” imporma nito matapos mabilis na basahin ang mga laman ng ilang folders.

Tumango siya. “Good.” Pinindot niya ang wireless headset. “Positive. Nandito nga ang mga kailangan nating ebidensiya. Paalis na kami ni Charity.”

“Copy,” sabay-sabay na sagot nina Earl, Zai, Hunter at Marjay. Maingat nilang isinara ang vault at ibinalik ang tile sa dati nitong lalagyan.

“Guys, Emergency! May paakyat sa second floor,” narinig nilang sabi ng boses ni Marjay.

VIGILANTES BOOK 1: Archer (The Leader)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon