Pumasok ako sa school ng maaga, yieee once in a blue moon lang ako maagang pumasok. Tutal malapit naman ang school, nilakad ko nalang. Wala pang limang minuto narating ko ang school at nagpasyang pumunta sa classroom. Nakakapag-taka lang na walang katao-tao, pero naalala kong maaga pala akong pumasok.
Nakangiti akong pumasok sa classroom at agad nawala ang mga ngiti sa labi ko ng makita ko si Calvin slash crush ko slash seatmate. Heaven tlga, kaya naman maaga ako ngayon hihi. Umupo ako sa tabi niya at binati siya
"Good morning Calvin" bati ko sa kanya with pa-cute effect. At laking gulat ko nung binati niya ako pabalik.
"Good morning din Devi, pero mas maganda ka parin kesa sa umaga" tugon niya. Emegeshhh kinikilig ako, ehem pero yieee poreber naba this??Ngumiti nlng ako at inilabas ang ballpen at notebook ko para gumawa ng assignment. Magsusulat na sana ako ng biglang tumunog ang bell. Aishh, flag ceremony na. Labas ako ng classroom at mabuti nlng nakasalubong ko si Krystal bestfriend ko, sa hagdanan. Bumaba kami at pumuntang court para mag-flag ceremony. Pagkatapos ng flag ceremony, lahat kami ay pumuntang classroom at nagklase.
Di ko namalayan tapos na pala ang klase pero ni-isa sa topic wala akong naintindihan. As usual, pumunta kami ni bess sa canteen. Dahil tumatakbo ako di ko nakita na may nakasalubong ako at......
"Ayyy aso!!" Gulat na sabi ko ng bigla akong nadulas pero agad na may humawak sa bewang ko at nakita ko si crush. Di ako maka-hinga ng maayos, di ko alam kung sa gulat ko o kay crush na nakahawak sa bewang ko. Ilang segundo kaming nagkatitigan. At siya na ang nagsalita.
"Uhhmm Devi pwede bang—" diko na tinapos pa ang sasabihan niya at bigla ko siyang sinagot
"Oo, Calvin pwede kang manligaw" sambit ko pero imbes magulat siya, tumawa ito ng napakalakas.
"Hahahah, Devi aayain lang kitang kasabay na umuwi" sambit niya at nagpipigil ng tawa. Taena, assuming kase ako.Pumasok ulit kami sa classroom at maghapong naka-tutok sa blackboard. Narinig naming nag-bell at sa wakas makaka-uwi na ako ay este kami ng crush ko. Sabay kaming lumabas ng campus at naglakad pauwi. Syempre binagalan ko ang paglakad para naman mas mahaba ang oras na kasama ko siya.
Dahil malawak ang subdivision may parke doon at nagpasya kaming mag-ikot ikot muna. Umupo muna kami sa swing at nagpahinga ng konti, magsasalita na sana ako ng biglang may nakita akong nagbebenta ng ice cream. Natakam ako bigla at walang pasabing tumakbo at bumili ng dalawa, kaya naman sumunod nlng si Calvin.
Nang makabili kami, kumain kami at babalik na sana sa swing ng may nakita akong aso.
"Calvin, ang kyut ohhh" sambit ko sabay turo.
Pero akala ko makyu-kyutan siya pero agad siyang namutla. Lalapitan ko na sana yung aso ng biglang tumakbo si Calvin kaya nagulat ako ng tumahol ang aso at tumakbo narin ako.Di ko inakala na takot pala sa aso si Calvin. Hingal na hingal na ako dahil sa kakatakbo.
"Tangina mo Devi!! Takot ako sa aso aaaaAa" sigaw niya
"Calvin wait wa—" di ko natapos ang sasabihin ko ng bigla akong natapilok, at kasalanan ito ng bato.Kasabay ng pagtumba ko at pagbagsak ng ulo ko sa sahig ng kalsada. Nakarinig ako ng kalabog. Akala ko totoo ang lahat, akala ko kinausap na ako ni crush, akala ko LAHAT AY NANGYARI pero hindi pala. Paggising ko nasa sahig na ako at sobrang sakit ng ulo ko. Bigla akong bumangon at hihiga na sana ulit kama ng marinig ko si mama na sumigaw
"Hoyyy Devi!! Late ka na namang bata ka!!!" Sigaw ni mama. Shit!! Late na naman ako arghh!Dali-dali akong nagtungo sa banyo at naligo. Hehehe basta naligo ako oks na yan. Lumabas ako ng kwarto at mabilis pa sa alas-kwatro ng makapag-palit ng damit. Lalabas na sana ako sa kwarto ng maalala kong di pa pala akong naka-tooth brush. Paktay, kaya naman bumalik ako sa banyo at nagtoothbrush. Pagkatapos, lumabas ako sa kwarto at bumungad sakin si mama pero di ko na siya pinansin at lumabas na ng bahay at tumakbong papuntang school.
Pagdating ko sa school. Pumasok ako sa classroom namin at mabuti nlng wala pa si teacher. At matapos ang mga lessons sa wakas lunch break na. Yieee Pumunta ako sa canteen at wala akong kasama dahil absent si Krystal, ewan ko dun naglakwatsa yata hahaha.
Umupo ako sa isang table ng biglang dumating si crush at nakatayo sa harapan ko.
"Uhmm Devi, pwede bang—" shittt yung nasa panaginip ko. Ohh noooo di ko na tinapos ang sasabihin ni Calvin at bigla akong sumagot ng "no". Tumayo at at akmang tatalikuran siya ng bigla niyang hinila braso ko at niyakap sabay bulong"Devi, pwede bang manligaw? Matagal na kase kitang gusto pero ikaw tong laging umiiwas. Sana bigyan mo akong ng pagkakataon. So please Devi, can I court you?" sambit niya.
Di ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Kaya napatunganga nalang ako sa kanya.
YOU ARE READING
One-Shots
Short StoryOne book, with different genre of stories, many plot twist and ideas. Enjoy reading guys. PLAGIARISM IS A CRIME.