Buhay

5 1 0
                                    

Nag-overtime ako sa trabaho, para wala na akong problema bukas. 1:00 am na ng matapos ko lahat ng aking gawain. Inayos ko lahat ng papeles na kailangan kong ipasa at lumabas sa aking opisina.

Naglalakad ako sa hallway ng makarinig ako ng yabag, nakaramdam ako ng takot at kaba. Lakad-takbo ang aking ginawa, pinagpapawisan ako kahit na tag-lamig ang panahon ngayon. Nang makarating ako sa elevator, ilang ulit ang pagpindot ko dito kaso ayaw bumukas, isang pindot ang ginawa ko at bumukas ito, "Sa wakas at makaka-uwi na ako" bulong ko sa aking sarili.

Papasok na sana ako ng bumungad saken ang isang babaeng naka puti at umiiyak ng dugo. Nabalutan ako ng kaba at nagtatakbo papuntang hagdanan, bumaba ako ng napakabilis at nagpapasalamat ako ng naka-rating ako sa garahe.

Dali-dali akong pumasok sa aking sasakyan at binuhay ang makina, at nahagip ng paningin ko ang isang lalakeng naka-jacket ng itim sa aking likuran, lalabas na sana ako pero hinila niya ang aking buhok at itinutok ang kutsilyo sa aking leeg at siya'y nagsalita.

"Kung sana ipinagtanggol mo ang aking kapatid at inilaban ang kaso, matagal na sanang nanahimik ang kaluluwa nito." wika niya na may galit sa puso. Hindi ako nagkamali, siya nga ang pumatay sa katrabaho kong lawyer.

"Parang awa muna, wala na akong magagawa at hindi tayo mananalo sa kaso kung ilalaban ko pa, tanggapin mo nalang." paki-usap ko sa kanya. Pero tanging tawa lang ang sagot niya. Umiiyak ako dahil baka oras kona ito.

"Buhay niya ang kinuha, kaya buhay mo ang dapat na kapalit!", sa mga salitang binitawan niya diniin niya ang kutsilyo sa aking leeg at nagsimulang dumugo, unti-unti akong nanghina habang lumalalim ang kutsilyo na naka-baon sa aking leeg.

Hindi siya nakuntento at pinagsasaksak ako sa dibdib, bago pa man ako nawalan ng hininga bumulong ako sa kanyang tenga.

"Paalam aking mahal." iyon ang huling kataga na aking binitawan.

At hindi ako makapaniwala na pinatay ako mismo ng aking mahal. Oo, boyfriend ko siya at nagalit siya sakin ng mamatay ang kanyang kapatid. Ngayon sino ang pupunta sa impiyerno? Ako na hinayaang mamatay ang kanyang kapatid, o siya na ako mismo na mahal niya ay kinitilan ng buhay.

One-ShotsWhere stories live. Discover now