#rvrsWP || 3.21

1.3K 51 11
                                    

𝙹𝚞𝚗𝚎 𝟸𝟹 || 𝚂𝚊𝚝𝚞𝚛𝚍𝚊𝚢 || 𝟷𝟷:𝟹𝟼 𝙿𝙼

K O R I

        "KORI?" PAGTAWAG ni Novem habang inaalis ang pagkakasuot ng seat belt. "Nandito na tayo."

        Nagmulat at nagpungas ng mga mata si Kori kahit pa hindi naman talaga siya natulog. Nakapikit lang siya buong biyahe pero gising na gising ang diwa niya. Hindi niya rin alam kung ano ang dapat unang isipin o itanong sa kasama.

        Pinagbuksan siya ng pinto ni Novem. Sa dami ng iniisip, hindi niya napansing nakababa na ito ng sasakyan. Inalalayan siya nito paupo sa hood ng kotse. Nag-unat siya ng mga binti. Huminga siya nang malalim.

        Napalingon siya sa katabi nang marinig itong tumawa. "Bakit?"

        Lalong lumakas ang tawa nito. Medyo namumula na ang mga pisngi at tainga nito. "Sorry, 'di ko mapigilan."

        Hindi niya nakontrol ang pagtaas ng isa niyang kilay pagkarinig niyon. "Pati ba ikaw, nag-eenjoy na sa pagiging miserable ko?"

        "No, you didn't look miserable. Ang cute mo nga, e." Maluwang itong ngumiti.

        Pinigilan niya ang pagngiti, galit siya, e.

        Tinuro nito ang convenience store sa hindi kalayuan. "Do you want to buy some beer?"

        Umiling siya. Nanatili silang tahimik sa loob ng ilang segundo.

        "So—" Tumikhim siya. "—what was that?"

        "Alin? 'Yong alumni homecoming?"

        Tumango siya. "Pinaliwanag ni July sa 'kin, pero hindi ko gaanong naintindihan kasi ano—" Umiwas siya ng tingin. "—ang overwhelming."

        Umayos ng upo si Novem. Medyo gumalaw at naalog ang kotse dahil doon. "May alumni homecoming naman talaga dapat. That part was true, but it was cancelled."

        "Bakit na-cancel? I sent you a copy of everyone's contact details, right?"

        Matipid itong ngumiti. "Hindi ko kasi alam kung paano ka kakausapin. Sabi kasi ni July, parang hindi mo na raw ako kilala no'ng nagtanong siya tungkol sa 'kin."

        Saglit siyang napapikit nang maalala kung paano niya sinagot ang chat ni July. "I'm sorry."

        "No, no. It's okay." Huminga ito nang malalim. "Doon ko na-realize na unconsciously ko palang iniiwasan 'yong homecoming. Kaya rin siguro hirap akong kausapin ka no'ng una."

        Ilang beses siyang lumunok at huminga nang malalim. Kumurap-kurap siya. "Grabe."

        "Why?" tanong ni Novem sa mababang boses.

        Maraming beses niyang inulit ang pagkurap para pigilan ang pag-init ng mga mata. Suminghap siya. "Hanggang ngayon pala, nasasaktan pa rin kita. Sorry, 'ha?" Ngumiti siya nang peke bago pabirong suntukin ang kaliwang braso ni Novem. Mabilis nitong sinalo at hinawakan ang kamay niya.

        Magaan lang, nag-iingat.

        Huminga ito nang malalim at lumunok. "No, Kori. I just can't pretend that I do not miss you."

        Malakas ang naging pagsinghap nito pagkatapos, parang nakaramdam ng ginhawa.

        Lumambot ang tingin niya. "Novem. . ."

rêveries (an epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon