Chapter 3:Zero Gravity

27 0 1
                                    

Alex's POV

"Sino ba yun mom?" sabi kay mommy dahil ang aga aga pa.

Di ako ganong makagalaw bakit ganto ang bigat katawan ko.

Bangon alex! Bangon! Umiiral nanaman katamaran mo!!!

Pagkabangon ko dumeretso agad ako sa CR at nagsipilyo binagalan ko lang dahil na trauma na ko kahapon.

"Alexa, Shower On" at naligo na ko habang naliligo ako iniisip ko pa rin kung gusto ko magapply para makasama sa mars mission na binalita kahapon.

"Alexa, Dry Me" at lumabas na ko para magbihis. Ano kayang susuotin ko Tuxedo or Scientist Uniform siguro yung Uniform nalang.

Lumabas na ako at kumain "mom? sino ba yun?" sabi ko kay mommy.

"Si emily..." Ano!? halos lumabas sa ilong ko yung kanin shit! si emily lang!? "At si brandon... bilisan mo alex!" kala ko panaman si emily lang at plano nya kong yayain sa date.

Uminom ako ng tubig at lumabas "brooooaaaannndooonn!? Ahh... ehh... ihh?... Ohh... uhh...." yun nalang ang nasabi ko ng makita ko si emily

Ang ganda nya sobra sobra ngayon!!! Bagay na bagay sa kanya yung uniform pati yung glasses at lollipop!!

"Brandon san ba tayo pupunta pagkakaalam ko tayong dalawa lang? kaya anong ginagawa nya dito?" sabi ko kay brandon habang nakatingin sa mga mata ni emily.

"Anong tinitingin tingin mo dyan?" sabi nya sakin na feeling nya boss ko dya.

"Antotoo yayayain kita mag-apply sa NASA at sabi nya sasama daw din sya" sabi ni brandon na pinipilit ngumiti.

"bakit may problema ba kayo sakin? Masama ba yung gagawin ko? Ikamamatay nyo ba?" At umasta nanaman sya na parang antaas-taas nya.

"problema ko? problema ko kung pano kita papakasalan" sagot ko sakanya ng papilosopo.

At tinitigan nya nanaman ako na parang isinusumpa sa impyerno "ano magtitigan lang kayo? wala kayong balak sumakay?" sabat ni brandon "che!" sagot ni emily kay brandon.

"tara na nga" sabi ko sa kanila.

Bigla nya kong inirapan ni emily sabay sakay sa hovercar.

"pasalamat ka maganda ka" bulong ko

Bigla syang tumawa at binatukan ako "ouch! ang sakit ha" sabi ko at sabay tumawa ang magkapatid nagtataka ako kung narinig nila yung bulong ko.

Sobrang ganda talaga ni emily pagtumatawa para syang anghel na bumaba sa lupa hindi ako makapaniwala bagay sakanya yung buhok nyang black na medyo kulot grabe ang ganda nya tingnan kahit walang make-up.

Bigla nya kong napansin na nakatingin sa kanya at alam ko yun pagharap nya nginitian ko sya sabay kindat bigla syang tumingin sa bintana at ngumiti unti unti syang namula at satingin ko kinikilig sya lakas talaga ng karisma ko lalo syang naging cute nung ngumiti sya kaso nga lang 3 years ang tanda nya sakin kung pantay lang kami ng age matagal ko na syang niligawan edi sana ngayon girlfriend ko na sya.

"emily bat mo nga pala gustong sumama sa mars exploration?" tanong ko sakanya.

Emily's POV

Hindi ko inaasahan ang tanong nya "Ako? Ahh... Kase boring dito sa earth wala na kong makitang bago" sagot ko sakanya.

"Yun lang ang dahilan!? Baka akala mo trip lang to papuntang mars! Pagsumali ka dito hindi mo na makikita ang mommy at daddy mo! One way lang to kaya isipin mo lahat ng pedeng mangyari!" sabi nya sakin na parang hindi ko to pinag-isipan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ares 1 Mars Mission Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon