dati

2.2K 31 5
                                    

naging kami na ng crush ko dati.
dalawang taon ko na siya crush eh.
pero lilipat ako ng school, kaya nawala na.
kahit noong bakasyon, di na kami nag-uusap.
wala na, finish na.

⫷━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━⫸

ayan na, unang araw.
inisip ko nalang siya para di ako kabahan.
pumasok na ako ng classroom, time check 6:15 a.m, kaunti palang mga tao.
laking gulat ko nalang noong nakita ko yung apat na schoolmate ko dati, smol werld.
yung isa sabay kami lumipat, pareho kaming new student.

⫷━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━⫸

dumami na yung mga tao at magsisimula na ang klase.
kinakabahan nanaman ako.
napabulong nalang ako ng "owemji ang daming lalaki"
putek 13 lang kaming babae sa 26 na lalaki.
may mga medj attractive sa klase, ewan nalang.

⫷━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━⫸

dumadaan ang mga araw at may nagaminan agad, putek new student pala.
syete.
puro loveteam agad, tas linove team ako sa katabi ko.
"nah bro, tapat ako sa crush ko."
minsan inuulit ko nalang to sa isip to para di ako magkacrush sa klase at magfocus sa pag-aaral.
ayun, hard work pays off, taas ng scores in fairness.
lumipas ang ilang linggo tapos napapalingon nalang ako sa isang lalaki.
, di pinagkakacrush ng lahat, etc.
kakaunti lang ang may crush sakanya sa grade level namin, isa o dalawa lang yata.
puro ako tanong sa mga kaklase ko kung paano mo malalaman kung may crush ka sa isang tao.
minsan, napapaisip nalang ako kung crush ko ba talaga yung sa dati kong paaralan.
putek.
nag-ooverthink lang ulit ako.
sept. 29, 2019

⫷━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━⫸

diary ng paasa |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon