Alex's POV
Naisipan kong lumipat sa isang bakanteng kwarto malapit sa kwarto ko. 3 pinto lamang ang pagitan nito. Doon ako para mas lalo kong makita ang mangyayari.
Nakakatakot. Nanginginig ako. Pero, sige kaya ko 'to!!!
Grabe! Halos hindi ako makahinga sa sobrang kaba. Nakadungaw ako sa bintana mula sa 3rd floor kung saan ako naroroon. Nakaupo ako sa isang silya na may sandalan. Hawak- hawak ko rin ang notebook ko tsaka lapis. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dito pero, basta ko lang sila hawak. Balak kong i-detalye ang mga mangyayari pero di ko alam kung magagawa ko pa yun sa sobrang takot ko.
"Tan Caron! Tan Caron! Tan Caron!"
Yan ang malakas ng sigaw ng isang grupo ng mga lalake at babae mula sa kaliwa. Lahat sila ay may hawak na kung anu-ano. Yung isa, may hawak na baseball bat. Yung isa naman may isang mahabang bakal na hawak at kung anu- ano pa.
Lalo akong nanginig!
"Lord! Help! " bulong ko sa sarili ko.
Nanginginig na yung ballpen na hawak ko sa sobrang takot.
"Medallions! Medallions! Medallions!" - yun naman ang ingay na narinig ko mula sa grupo na nagmumula sa kanan ko. Kanya- kanya silang sigaw at tila palakasan pa.
Natigil ito nang magbigay ng senyas ang lalakeng nasa unahan ng bawat grupo.Ito siguro ang kanilang leader. Maya- maya pa ay lumapit sa isa't isa ang dalawang lalaki.
Nakita kong tila nag-uusap ag dalawa. Pagkatapos ng ilang minutong pag- uusap ay tinalikuran ng mga ito ang isa't isa at bumalik sa kanya- kanyang grupo.
Medyo, nakampante ako kasi akala ko wala nang mangyayari. Huminga ako nang maluwag.
"Haay! Thanks lord! " - bulong ko sa sarili ko
Pero maya- maya pa ay bigla na lamang natumba ang isang lalaki na nasa gilid ng leader ng grupong mula sa kanan. Yung grupong sumisigaw ng Medallions! kanina. May pumana sa
lalaking kasama nila.
Tumindig bigla ang balahibo ko at hinanap ko kung saan galing ang arrow na tumama sa lalaking ito.
BINABASA MO ANG
Last Chance to Dance [Jadine Fanfic]
Фанфик"How does it feel to fall in love with the guy who ruined your life?" LAST CHANCE TO DANCE :) This is my first story. I hope you like it po. Especially to all the JADINE FANS :) Don't forget to comment po if you have any suggestions or reactions e...