Alex's POV
"Aray! (sabay hawak sa ulo ko)" - may bumato sa akin. Pagtingin ko sa likod ay si Kris pala.
"Huy! Kanina pa kita tinatawag. Hindi mo ba ako naririnig? Ba't tulala ka?" - sabay umupo siya sa tabi ko...
"Wala..." - at umiwas ako ng tingin sa kanya..
Tinulak niya ako..
"Aray! Ano ka ba?" - sabi ko naman
"Sus! Eh...Parang may iniisip ka e? Sino yan? Ano? Kayo na ba?" - nakangiting tanong sa'kin ni Kris
Nagkatinginan kami at nag-wink si Kris sa'kin.. ^_-
Tinawanan ko na lang siya...
"Yan naman! In-love ka, friend. Hahaha. Tingnan mo yung ngiti o??" - at hinaplos haplos niya pa ang pisngi ko...
"Che!!! Tumigil ka na jan.. Ewan ko sayo! Natitimiang ka na ata.." - at kinuha ko ang bag ko,sabay tayo at lumakad na ako papalayo sa baliw kong kaibigan na si Kris ...
"Sus! huy! Alex, wag kang mang-iwan." - hinabol niya ako
Tinapi niya ako sa likod. Lumingon ako sa kanya
"Ano ka ba naman? Joke lang okay? Hindi na kita tatanungin.." - nakangiti pa niyang sabi
"Timang ka,palibhasa!!!" - at tumawa kaming dalawa.
"Pero di nga??" - pahabol pa niya
Tiningnan ko ulit siya ng tiger look...
"Ooooppss!!! joke lang?" - sabi niya at nakataas pa ang dalawang kamay.. Ano ako? Pulis? Hahaha...
Inakbayan ko siya at lumakad na kami papuntang classroom namin..
Haay! Hanggang ngayon hindi ko parin talaga makakalimutan ang kagabi. Bakit kaya ang lakas ng tama nung lalaking yun sa'kin??
Samantalang si Max naman ang gusto ko.
"Girl, si Max mo nanjan na.." - panggugulat naman sakib ni Kris
Hinampas ko siya sa balikat.
"Wag ka nga maingay. Baka marinig ka e." Bulong ko naman sa kanya.
Maya maya pa nga ay lumapit na sila sa amin.
"Hey, iniimbitahan ko kayo sa birthday ko this friday night,ha?" Sabi ni Max sa ami witb matching ngiti.
Nakangiti na ako nun nang biglang sumulpot si Austin sa likuran niya.
Seryoso ito at nakatingin sa akin.
Napawi ang ngiti ko at napayuko na lamang. Habang ramdam ko na naman sa tagiliran ko na kinikilig sina Kris.
"Sige,Max. Advance Happy Birthday sayo." Nakangiting sabi ni Kris. Ewan ko ba pero ayoko tumingin kay Austin.
Pakiramdam ko kasi nakatingin siya sa akin e.
Maya - maya ay umalis na sila..
"Sheeeet! Ang gwapo talaga nila no? " Kinikilig na sabi ni Carla....
"Oo,si Max" nakangiti kong sabi.
"Sus! Huy! Nakatingin sayo si Austin kanina." Bulong sakin ni Kris.
"O,ano naman??" Sabi ko sa kanya
"Malay mo. Crush crush diba?" Medyo kinikilig pa niyang sabi.
At hayun na nga!!! As expected. Inasar na nila ako maghapon. Ang haba daw ng hair ko. HahaXD. Austin Mendez daw may gusto sa'kin?? Sus!!! Maniwala!

BINABASA MO ANG
Last Chance to Dance [Jadine Fanfic]
Fanfiction"How does it feel to fall in love with the guy who ruined your life?" LAST CHANCE TO DANCE :) This is my first story. I hope you like it po. Especially to all the JADINE FANS :) Don't forget to comment po if you have any suggestions or reactions e...