Alex's POV
"Manong, pakipasok na lang po sa loob. " sabi ko sa taxi driver na naghatid sa akin.
"Hija, dito ang apartment mo,ha? Ito ang susi." inabot niya ito sa akin.
"Salamat po,lola. Okay na po ako dito." nakangiting sabi ko sa kanya.
"Nako! Matagal nang walang nakatira dito sa apartment na 'to. Este, halos lahat pala ng paupahan kong kwarto. Kaya medyo mahina na rin ang kita ko. Pero salamat dahil nandito ka at naisipan mong tumira dito. " sabi ng may-ari sa akin na si Lola Lina.
Ibinaba ko ang bag ko sa couch at umupo kaming dalawa.
"Ah. Walang anuman po iyon,lola. " nakangiti kong sabi
"Hija? Hindi ka ba natatakot na dito tumira? Halos lahat kasi iniiwasan dito e." medyo may takot sa mga salitang binitawan ni lola sa akin. Kitang- kita sa kanyang mga mata ang matinding takot.
Doon ako nakaramdam ng kaba sa aking dibdib. Ngunit hindi ko na lang ito pinansin.
"Uhm..Ah.. Hindi po, lola. Okay lang po ako." inosente kong sabi sa kanya.
"oh, siya sige. Mag- IINGAT ka, ha?" matinding bilin niya sa akin. Alam kong parang may ibig sabihin ang mga tingin ni Lola sa akin.
Inayos ko ang mga gamit ko pero hindi ko maiwasang mapaisip sa mga sinabi ni Lola sa akin.
"Ano bang meron sa lugar na 'to? Lazcoban Village, anong meron sayo?" yan ang mga tanong na sumasagi sa isip ko.
Haaay! Ano ba 'yan? Dapat hindi ko muna iniisip 'yan e. Dapat mag-focus muna ako sa mission ko dito. Syempre...ang mag-aral sa dream school namin ni Kuya Axel, ang Maxim Von University. Isang International School. One of the most expensive University dito sa bansa.
Teka, let me introduce myself...
Alexim Barrion... Alex for short na lang siguro. INDEPENDENT. LONER. WRITER. Hmm. Yup! independent ako tsaka loner. It means, wala na akong kasama sa buhay. My parents are dead when I was 8 years old and my Kuya Axel? Hindi ko maiwasang mapaiyak tuwing naaalala ko siya. He died 3 years ago. Don't ask for the reason na lang kung bakit siya namatay. It breaks me apart everytime na naaalala ko si Kuya. I was a graduating college student na sana nung year na namatay si Kuya. Sayang! Pero, he worked hard para mapa- aral ako. Masakit man pero kailangan ituloy ang buhay. Ayoko pa munang mamatay hangga't may UNFINISHED BUSINESS pa ako sa buhay ko.
I was a writer. Syempre, nagsusulat ng maraming stories at kasabay na nun ang story ng buhay ni Kuya ko. Yun ang story na 3 years ko nang sinusulat pero hindi pa rin tapos hanggang ngayon. Hindi ko pa rin siya matapos- tapos. WRITER slash DETECTIVE slash ARTIST ako. Hahaha.. Ewan ko lang din pero gusto ko kasing mag solve ng mga kaso e. Tsaka hilig lang talaga mag- drawing/sketch ng mga bagay-bagay. Hindi ako professional,ha? TRY lang ng TRY... DREAMER lang ba for short! Haha.
Hindi naman ako mayaman. Hardworking lang talaga ang Kuya ko. Kaya nung namatay siya,nalaman ko na lang na iniwan niya pala lahat ng pera niya sa account ko. Ako ay isang writer pero iniwanan ko ang trabaho ko para lang sa University na ito. Dream talaga namin lalo na ni Kuya ang makapasok dito. Tsaka gustong- gusto ko rin na nandito ako at sabay na mag-aaral ulit.
9:00 pm...
"Miss? Miss?" katok ng kalapit ng room ko
Dali- dali kong binuksan ang pinto.
"Bakit po?" tanong ko naman nang may pag-aalala
Nung nakita ko ang babae, nakita kong pawis na pawis siya at nanginginig ang mga kamay niya sa takot.
"Miss, tara na. Sumama ka sa'min. Doon muna tayo sa hotel. Tsaka na lang tayo bumalik dito bukas." takot na takot niyang sabi
Nakita kong nagmamadali ang mga kalapit ko sa kwarto na may kanya-kanyang dalang gamit. Nagmamadali silang umalis.
"Ah. Ate, hindi na po. Okay na po ako dito. Salamat po." at dali- dali kong sinara ang pinto.
Tawag pa rin ng tawag ang babae ngunit hindi ko na siya pinansin pa. Binuksan ko ang bintan at kanya- kanyang alisan na silang lahat pati ang kalapit naming bahay- paupahan.
"Miss? Delikado. Hindi mo alam kung anong mmangyayari. Miss tara na!" sigaw nung babae sabay malakas na katok sa pinto ko.
Nakaramdam ako ng matinding kaba aaminin ko, pero, nanatili pa rin ako doon. Kinuha ko ang lapis at ang notebook ko. Buong tapang kong binuksan ang bintana at kumuha ng upuan at umupo nang nakasilip dito. Medyo pinagpapawisan na din ako, pero bahala na 'to... Basta!!!
BINABASA MO ANG
Last Chance to Dance [Jadine Fanfic]
Hayran Kurgu"How does it feel to fall in love with the guy who ruined your life?" LAST CHANCE TO DANCE :) This is my first story. I hope you like it po. Especially to all the JADINE FANS :) Don't forget to comment po if you have any suggestions or reactions e...