Lumaban ka
Binibini, tila ay bagsak ka?
Iyong katawan ay nawalan na ng gana?
Iyong mata'y pagod ang nakikita.Nasaan na ang ngiti mo?
Tila kahit iyon ay nawala na sa iyo.Binibini, anong nangyari sayo?
Masaya ka noon ngunit bakit bagsak ka ngayon?
Nawalan na nang sigla ang iyong buhay.
Tila nawalan na ng kulay.Pagod ka na ba?
Sawa ka na ba?
Ayaw mo na ba?Ngunit natatandaan mo pa ba
Nang minsang may matulungan ka?
Sabi mo'y lumaban pa.
H'wag isiping suko na.Ngunit nang ikaw ay mamoblema
Tila nabagsakan ka ng langit at lupa.
Kung tumingin ka ay pagod ang pinapakita.
Lungkot ang pinapadama.Binibini, labanan mo ang iyong problema.
H'wag tambayan at h'wag piliin ang sumuko na.
Magulo ang mundo ngunit malalagpasan mo.Tiwala ang kailangan mo.
Sandalan ang hanapin mo h'wag ang pagsuko sa mundo.