Binibini

1 1 0
                                    

Kamusta?
Ngiti mo'y palagi kong nasisilayan, sinta.
Ngunit ang mata mo'y kakaiba.
Tila ay hindi masaya.

Kamusta?
Nalaman kong napapasaya mo ang iba.
Pero kamusta ka?
Ba't sa t'wing nawawala sila ay unti-unting lumuluha ang iyong mga mata?

Tila ay pagod na sa nadarama.

Ngiti mo'y hindi nawawala kapag sila ang kasama.
Ngunit bakit sa t'wing nag iisa ka ay hindi ka masaya?

Matatag ka sa mata nila, ngunit pagod na ang iyong nadarama.
Masaya ka sa mata nila, ngunit luha ay hindi mawala-wala sa iyong mga mata.

Binibini, tama na ang maskara.
Ipakita mo ang tunay mong nadarama.
Hayaan mong maging totoo ka sa mata nila.

Ano man ang maskara ang masuot mo,
Ano man ang ngiti na ilahad mo,
Mata mo'y nagpapakita ng totoo.
Hindi ka masaya. Hindi ka na naging masaya.

Pero maniwala ka, makakalaya ka.
Kapag pinili mong tanggalin ang maskara.

Binibini, hayaan mo.
Hayaan mong makita nilang mahina ka.
Hayaan mong malaman nilang hindi ka masaya.
Hayaan mo.

Dahil may tao na handang tumulong sayo.
Kahit na maskara mo'y hindi na tatalab sa kanya.
Dahil alam niya ang tunay mong nadarama.
Kaya h'wag kang matakot sa iba.
Hindi lahat ay iiwan ka.

Binibini, hayaan mong makawala ka sa lungkot na nadarama..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon