Piliin mong maging masaya
Gaya ng pagpili mong sa kanya pumunta
Hindi ka na sakin dadalhin ng 'yong mga paa
Dahil pinili mo nang maging masaya
Sa piling niya– hindi sa piling ko– kundi sa piling ng iba
Pero wag kang mag-alala
Dahil tanggap ko na
Na pinili mo lang maging masaya
Pinili mong sa aki'y kumawala
Dahil ika'y nagsawa na
Tapos na ang pagtitimpi na sa aki'y manatili
Tapos na ang pagtitiis na dumito sa aking lingkis
Tapos na ang pagtupad sa mga pangakong sa iba napadpad
Sa kabilang dako nilipad
Dahil sa kanya mo tinupad
Ang mga pangakong iyong binigkas
Ang pangakong pag-ibig mo'y wagas
Ang pangakong tayo'y di magwawakas
Mga pangakong sa kanya mo ipinaranas
Dahil sa kanya naman talaga dapat
Sapagkat siya ang una
Nagkaroon lang kayo ng lamat
Kaya sakin ka pumunta
At ako naman 'tong si tanga
Tinanggap ka ng walang pagdududa Hindi pinagtakahan ang yong nararamdaman Dahil masaya na akong ako ang yong tinakbuhan
Noong mga panahong meron kayong tampuhan
Dahil akala ko, umasa ako
Na baka sakaling mabago ko
Ang laman ng yong puso
Sumugal ako
Na baka sakaling may natitira pang pwesto
Diyan sa puso mo kung saan pwede kong isiksik ang sarili ko
Dahil baka sakali lang naman
Na ako'y maging pangmatagalan
At hindi lang iyong pansamantala
Pero hindi ko nagawa
Hindi ako pinahintulutan ng tadhana
Dahil sa kanya ka simula pa noong una
Kaya piliin mo nang maging masaya
Dahil pinapalaya na kita
Kahit hindi ka naman naging akin
Huwag mo na akong pansinin
Piliin mong maging masaya
Wag ka na saking magalala
Wag mong pansinin ang luha saking mga mata
Wag mong dingin ang aking pagmamakaawa
Wag mong pansinin ang aking mga daing
Dahil ito lang ang paraan
Upang pakiramdam ko'y gumaan
Habang pinipili mong maging masaya
Sa piling niya
Ay pipiliin ko ring sumaya
O pipilitin kong maging masaya
Kahit para sayo
At sa puso ko
Na nagawa ng mapagtanto
Na ako'y hanggang doon lang –sa pansamantala.
— Marantss // "Pansamantala"
BINABASA MO ANG
Sa Kalinga Ng Mga Tugma
Poetry"Pipilitin kong ang mga dulo ng ating bawat taludtod ay magtugma, dahil baka sa ganitong paraan ay pagbigyan tayo ng tadhana." -Marantss Marantss © 2019