Chapter 2

4 1 0
                                    



September 18, 2017

9:28 pm.

"Argh! Asan na ba 'yong mga handouts na 'yon?!" I shouted.

Sa sobrang paghahalungkat ng mga gamit ko sa study table ko'y nahawi ko ang tinimplang gatas ni Manang. Hayun basag.

"Argh. Stupid! Not now!" Sa pagmamadali kong iligpit ang basag na baso'y nahawi ko na naman ang mga report papers ko na sa kasamaang palad ay nabasa.

"Arghh!" I absent-mindedly picked up the papers and glass –

"Ow!" Tatanga-tanga. Dumugo ang daliri ko. Gusto kong maiyak, hindi dahil sa sakit kundi dahil sa frustasyong naipon. Heto na naman kasi ako nagra-rattle. Hindi ko na alam ang gagawin, napaupo na lang ako sa kama ko at naiyak –

UNKNOWN NUMBER

Don't cry.

Huh? Sino naman 'to? Tss. 'San niya naman napulot ang number ko? Isa kaya 'to sa mga walang magawa sa buhay? Na sasabihing "Sorry wrong send.", "Binigay lang 'to ng kaibigan ko." At ang hindi kapani-paniwala? "Ikaw nagbigay ng number mo ta's nakalimutan mo?" – tss. As if I randomly give my number to everybody. So nonsense.

Pero iba 'to eh. Parang may alam ang mokong na'to. With that one message, everything went smooth and fine, hindi na ako naiiyak. I slowly got up from my bed at iniligpit ang basag na baso at nagprint ng bago kong report papers. Inayos ko na rin ang magulo kong study table at dun ko nahanap ang handouts na pasimuno ng lahat. I sighed. Kung sino ka mang nag-text kahit wrong send man 'to THANK YOUUUU!

UNKNOWN NUMBER

Thank you.

Mukha siguro akong tanga, bakit ako nagpapasalamat? Di bale na. Pagkatapos ay tinungo ko ang safe haven ko – BED. Gabi na talaga, baka male-late ako bukas. Naririnig ko na naman si Myleen "Lagi ka namang nale-late!" Tss. Nang pahiga na ako'y nagtext ulit yung U.N (Unknown Number)

UNKNOWN NUMBER

Eve, I missed you. </3

Haaa? Pakganern. Sabee na nga bang PRANK 'to Ehh! Sino ba 'to? Ba't ba kasi hindi nagpapakilala? AY EWAN. Sakyan ko kaya trip neto HAHAHA.

UNKNOWN NUMBER

I missed you too.

Really Eve? I thought you're so angry

about me, I even saw you cry.

Umiyak ba akooo? May amats din 'to! I don't know what you're up to, pero sasakyan ko trip mo kahit di ko alam kung pano mo nalanamang umiyak ako sa sunog na bacon. Ba't naman ako nagalit? FYI, Ms. Congeniality ho ako. In fairness, Englishero/a. Nakakapanibago. Magagamit ko rin pala skills ko ditey.

Angry? Why would I?

You know, seeing me with...

never mind. Iloveyou <3

Ah, Eh. I LOVE YOU?! May amats 'to. Napaupo ako sa kama. Wait, sino si "..." Never mind nga diba? Tapos Iloveyou? Tinext ko kaagad si Ate Jen.

Ate Jen <3

Atee! May amats ang nagprank sakin!

Haha. Eh may amats karin naman,

Bagay kayo.

Ate naman eh!

HAHAHA. You're truly a good laugh

Sis. I-prank mo rin para masaya!

Keep me UPDATED!

BALIW!

Tama si Ate, sasakyan ko na lang trip neto.

UNKNOWN NUMBER

Iloveyoutoo. <3

That means, you're pulling your

Break-up scheme?

Mukhang yayamanin talaga ang nakapulot sa number ko. Kanina pa 'to nag-eenglish eh! Fluent, o baka lasing lang HAHA. Ok.

Yes.

Thank you so much Eve!

I won't waste this chance.

Iloveyou, Sleep tight. =)

You may be late.

You too.

Meet me at the fountain area.

I've got something to give you.

9 am.

Ok.

Pupuntahan ko ba siya bukas? Ewan. Makatulog nga muna.

September 19, 2017

8:45 am

Waah! Late na naman! Bakeet Bakeet!

"Miss Maltecir, you're 15 minutes early. Congratulations!" Sir Balturo greeted as I entered our room. Wait, am I hearing things –

"You're 15 minutes early for recess" Ay, nagalit.

9:05 am

"Cafeteria tayo Eve!" yaya ni Myleen.

"Sige."

Biglang pumasok sa isip ko ang usapan naming nung nagprank. Tiningnan ko yung relo ko.

"Myleen, daan tayo sa fountain area."

"Huh? Eh, malayo yun mula dito. Hay, sige na nga lang."

Tumigil kami sa fountain area. Andami palang tao dito? Recess nga pala. Paano ko naman malalaman kung sino yung may amats na nagprank sakin ditooo? Alangan namang tatanungin ko isa-isa?

"Anong ginagawa natin dito aber? Ha? Eve? Ha?" ayan na ho pumuputok nah o yung butsi ni Lola Myleen.

"Teka lang, pwede ba?"

"May hinihintay ka 'no?"

"Oo na, may hinihintay ako kaya please lang ha, wait muna girl."

"Lalaki ba?"

"Oo. Siguro. Baka."

"Ay, sige baka ito na ang chance mo magka-lovelife! Maghihintay ang mga alaga ko sa tiyan."

Umupo kami ni Myleen sa isa sa mga benches. Wala talaga akong ideya kung sino siya dito –

"Eve! You came!" 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N - short update.

Trailing Endless RaindropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon