Chapter 4

0 0 0
                                    


Simula umaga, aligagang aligaga ako at pansin 'yun ng lahat. Naku kung alam niyo lang kung anong kababalaghan ang haharapin ko mamayang hapon. Sa dami-raming tao dito, bakit ako pa? Kung 'di sana'y inamin ko na hindi ako si Corabelle Eve – teka nga, eh hindi niya naman agad kinlaro – eh hindi rin naman ako nagtanong – eh hindi naman ako aware. Naku, nagugulo lang utak ko neto eh!

"Kinakabahan ako Myleen, tingnan mo." Balak ko sanang kunin ang kamay niya at ilagay sa dibdib ko pero iniwas niya at bumusangot.

" Wag ka nga! Naku 'yang kamay mo Eve, naku wala akong makakapa jan, letse ka, ginawa mo pa akong tomboy!" humagalpak na lang ako ng tawa.

" 'Yan, jan ka magaling eh no? tumawa ka hangga't gusto mo, pero sa'kin parin ang huling halakhak, oh siya kausapin mo na si REVEREAL, dahil magchi-chill muna ako rito at tatawa mamaya. mwa!" nag flying-kiss pa siya bago umalis. Kalokang babae 'to di man lang ako sinamahan papasok ng Library!

Hanggang ngayon wala parin akong ideya kung bakit ko 'to ginagawa sa sarili ko!, Kaloka. Nabubwisit ako, pero anong magagawa ko I owe this guyan apology. Jusko kung ako 'yun baka ipinagkalat ko na pinaglaruan at ginawa akong tanga ng isang 7th grader. Pero siya hindi, at masama ang kutob ko. Hay, bakit nga ulit ako nandito?

Napaharap ako sa taong kumalabit sa'kin.*lunok* Letsugas na hindi fresh, si Revereal, jusko hindi naman ata ganito kataas at kakisig si Revereal nung nagkita kami at sa fountain area ah. Ano 'yun tumaas siya agad-agad? Ang daya naman, ako nga hindi parin tumataas!

"Uhmm, hi." Bati ko.

"Mary Olives Maltecir, nice to meet you. Again." Halata ang inis sa boses ni Revereal nung binanggit niya ang pangalan ko. Masama 'to. Bigla niya akong hinila papunta sa isang sulok malayo sa ibang students pero malapit sa bintana kaya kita ko parin ang mga tao sa labas.

" Mr. Rever –" hindi ko pa natapos ang sasabihin ko'y natigilan ako dahil mukhang hindi naman siya makikinig at maniwala kayo't sa hindi, mukhang matutulog ang isang 'to.

"Kung tutulugan mo lang naman pala ako – "

"Ssh, nag-iisip ako, ang ingay mo." Napahilamos ako ng mukha. Seryoso nag-iisip? Eh, parang matutulog siya. Hinayaan ko muna siya ng ilang minuto, hanggang sa nagsimula na siyang magsalita.

"Listen, Eve." Dama ko ang awkwardness nung sinabi niya ang pangalan ko na pangalan rin ng ex niya kaya sumabat ako.

" Mary Olives.'yan ang pangalan ko." Napangiwi naman siya, may problem aba sa pangalan ko?

"Ang haba ng Mary Olives, Liv, Liv ang itatawag ko sa'yo." Liv? Sige, okay lang din.Tumango nalang ako bilang sang-ayon. Ang dami-dami nilang tawag sa'kin, wala namang tumutugma, gaya ng 'ganda', 'sexy', 'beautiful', 'gorgeous' –

" Hoy, nakikinig ka ba?" si Revereal. "Malamang hindi." Aba't marunong sumagot ng sariling tanong ang taong 'to. Magaling.

"Ano ba 'yon?" tanong ko, napaface-palm naman siya. Nainis ko yata.

" Tulungan mo akong manligaw kay Eve. Ulit." Aba't ginawa pa akong sidekick? Ano 'to Batman and Robin? Nako hindi pwede 'yan babae ako no, Batman and Batwoman? Ano ba naman 'to kalalaking tao nagpapatulong manligaw? Seryoso siya? Hindi niya afford magpatulong sa mga yummy and delicious friendships niya sa basketball team, swimming team, badminton team and etc etc? naku, pinangalanan pa naman multi-talented ni hindi makaka-uno 'to sa Panliligaw Course, hindi man lang alam kung saan hihingi ng tulong!? Naku, delikado ang buhay nito pagnagkataon, Nagkakajowa lang dahil sa mukha at kisig ng katawan. Pano nalang kung wala siya nun? Tsk. Tsk. Tsk. You are in a real danger Mr. Revereal.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Trailing Endless RaindropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon